Share

Chapter 47

NAGULAT si Laura nang makita ang pagdating ni Lance sa badminton center ng Friend Jungle habang kausap si Jio sa cell phone. Ang alam niya ay bukas pa ang balik ni Lance mula sa Olongapo.

Halos katatapos lang niyang maglaro ng badminton doubles kasama si Daena at ang magkapatid na Kate at Kirsten. Nagpaiwan siya sa concrete bleacher nang magpatungo ang tatlo sa kiosk dahil kausap pa niya si Jio.

Sinundan ni Laura ng tingin si Lance. Naglakad ito patungo sa kiosk pero nang batiin ito ng grupo ng naggagandahang mga babae na mga mukhang mga modelo ay huminto ito sa paglalakad at nakipag-usap.

Naningkit ang mga mata ni Laura nang makitang hinaplos ito sa braso ng isang chinitang babae. Nginitian naman ni Lance ang babae. Hindi niya inaasahan ang pagsalakay ng selos sa kanyang dibdib. Tinapos niya ang tawag at tinawagan si Lance. Kaagad naman nitong sinagot ang tawag.

“Hey, babe. Where are you?” tanong nito.

“I see that you’re surrounde
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status