NAPANGITI si Lance nang makitang tumatawag si Laura sa kanyang cell phone. Kaagad niyang sinagot ang tawag. “Hi, babe. Nakabalik na kayo sa office?” “Yup. Busy ka ba? Baba ka naman dito. Let’s go somewhere to eat. Nagugutom ako,” tugon ni Laura. “All right. Just a sec,” tugon ni Lance at tinapos na ang tawag. Parehong silang busy ni Laura pero nagagawan nila ng paraan na magkita kahit sandali lang kung pareho silang nasa opisina. Matapos magbilin sa sekretarya n’ya ay bumaba na sa ground floor si Lance. Nasa reception na siya nang makasalubong niya si Jay-Jay. “Bro!” bati ni Jay-Jay. Nakangiting naghi-five sila at tapikan ng balikat. “Hinatid ko lang si Kate. Pupunta ka ba sa bar mamaya?” tanong ni Jay-Jay. “Hmm… I’m not sure.” Ilang araw na ang nakalilipas nang magkayayaan sa group chat nila na mag-boys night out sila mamayang gabi. Nasa Pilipinas na naman kasi ang Kuya James niya. Marami na ang n
“MABUTI naman at naisipan mong pumunta dito,” sarcastic na sabi ni Tamara kay Laura. “Grabe ka. Naging busy lang naman ako kaya hindi na ako nakakapunta dito.” “I don’t believe you. Kung hindi pa siguro nag-boy’s night out sina Ethan hindi ka pupunta dito. Laging si Lance na lang ang gusto mong kasama.” Tumatawang niyakap ni Laura si Tamara. “I miss you.” Her best friend was so cute kapag nagtatampo. Ang ganda nitong buntis. Halatang hindi naii-stress at alangang-alaga ni Ethan. Malaki na ang tiyan nito at konting panahon na lang ay lalabas na ang inaanak niya. “I miss you, too.” Nagkuwentuhan sila ng kung ano-ano habang kumakain. “Nakausap ko nga pala si Johannes kahapon,” naalalang sabihin ni Tamara. “Really? How is he?” “Well, he’s doing good. He just finished a new novel. He tried to call you daw pero hindi mo sinasagot.” “Hmm… for sure busy ako kapag tumatawag siya.” “
MATAMLAY at halos wala pang tulog na lumabas ng hospital suite si Laura para tumawag at magbilin kay Jio at sa assistant niya. Hindi siya makakapunta sa opisina dahil wala siyang balak na iwanan si Lance hangga’t hindi ito nagigising. Gusto rin niya na kapag nagising si Lance ay naroon siya. Ilang oras na lamang at bente kuwatro oras ng natutulog si Lance kaya hindi nila maiwasang mag-alala. Ang paliwanag ng doctor ay marahil ay tumama rin ang ulo ni Lance sa car seat headrest o kung saang parte ng kotse nito at nagkaroon ito ng head injury. Nangyayari talaga na matagal magising ang pasyente na nagkaroon ng head injury. Magdamag na binantayan ni Laura si Lance kasama sina Gian at Kirsten. Mabuti na lamang at kahit hindi niya hiniling ay nagkusa na si Tamara na dalhan siya ng mga damit kanina. Naiwan ang mga magulang ni Lance sa silid at mga kapatid nito at ilang kaibigan nang lumabas siya. Tinungo ni Laura ang deserted reception area at tinawagan na si
“MA’AM LAURA, tumawag po si Miss Tamara. Hindi n’yo raw sinasagot ang phone n’yo. Tawagan n’ya raw po s’ya as soon as possible,” sabi kay Laura ng assistant niya pagdaan niya sa table nito pagkagaling sa studio. “Okay, thanks,” may pagtatakang tugon ni Laura. Iyon ang unang pagkakataon na tumawag si Tamara sa landline ng office. Ibig sabihin importante ang dahilan ng pagtawag nito. Bigla siyang nag-alala sa kaibigan. Kabuwanan na kasi nito. Nadatnan ni Laura na nagri-ring ang kanyang cell phone sa ibabaw ng kanyang desk pagpasok niya sa opisina. Si Tamara ang caller. Kaagad na sinagot niya ang tawag. “Hello, Tam? Are you okay? Manganganak ka na ba?” “Where have you been? Kanina pa kita tinatawagan,” iritableng tanong nito. “Sa studio. Sorry, naiwan ko ang phone dito sa office. Are you okay?” “I’m okay. Anong oras ka pupunta dito?” “Hmm… anong meron?” takang tanong niya. “Oh, my, God! Nakalimutan mo na ba?
NADATNAN ni Laura na nakaupo si Lance sa swivel chair sa harap ng desk. Nakasimangot at salubong ang mga kilay na abala sa pagta-type sa laptop. “Basta ka na lang pumasok. Hindi ka man lang kumakatok,” inis na sabi ni Lance habang patuloy pa rin sa ginagawa. “I’m sorry. Ang sabi kasi sa akin sa labas, pwede akong basta na lang pumasok dito,” katwiran ni Laura. Nagtaas ng tingin ang binata. Rumehistro ang pagkagulat sa mukha nito nang makita siya. “Babe!” bulalas nito. “Hi!” alanganin ang ngiting bati niya. Mabilis na tumayo si Lance at nilapitan siya. “I’m sorry, babe. Akala ko isa ka lang sa mga staff ko.” Niyakap siya nito at banayad na hinalikan sa mga labi. “Kanina pa kita tinatawagan. You didn’t answering your phone.” “Really? I didn’t know.” Inilabas ni Lance ang cell phone sa bulsa nito. “Naka-silent pa pala.” “What’s wrong?” “Ayaw kasi akong tantanan ng mga reporters. They keep calling me and asking me for an interview dahil suspended ang mga social media acco
NAKASIMANGOT si Lance nang bumaba ng sasakyan pagdating sa bahay nina Tamara at Ethan. Ginabi na siya sa pagsunod kay Laura sa bahay ng mga kaibigan nila dahil sa trabaho. Ang masama pa ay hindi pa rin naaayos ang kanyang mga problema. Relieved na sinalubong siya ni Ethan. “I’m glad you’re finally here, bro.” Tulad ng dati ay nag-high five sila at nagtapikan ng balikat. “What’s wrong? Nandito na si Laura ‘di ba?” “Yup. Pero na – out of place naman ako sa kanila kaya iniwanan ko muna sila sa music room. Anyway, bro I heard what happened to your social media accounts. I’m sorry about it. Mare-retrieve pa ba?” “I’m not sure, bro. Pero sana nga ma-retrieve pa,” pabuntong-hiningang niyang sabi. “May beer ka ba, bro? Inom tayo. I’m so stressed.” “Sure. May pinapalamig na ako sa ref. Hinihintay talaga kita. Magpakita ka lang kina Laura at hayaan na natin sila. Ang tagal na nating hindi nakakapag-bonding ng tayong dalawa lang. Dito na k
SA MASTER BEDROOM nagtungo si Laura matapos iwanan sina Lance sa balkonahe. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak nang sumunod sa kanya si Tamara makalipas ang ilang minuto. “Bakit kasi tumagal na ng ilang buwan ang relasyon n’yo pero hindi n’yo man lang napag-usapan ni Lance ang past n’yo?” tanong ni Tamara galit pa rin kay Lance. “We decided not to talk about it.” “Marami kayong dapat na pag-usapan at linawin sa isa’t-isa ni Lance. Pero huwag mo s’ya basta patatawarin, Laura. Pahirapan mo muna,” sabi pa ni Tamara. Hindi nakasagot si Laura. Sa estado n’ya ngayon. Siguradong hindi talaga niya basta mapapatawad si Lance. Galit na galit siya sa binata to the point na ayaw niya itong makita. Sabay na napatingin sina Laura at Tamara sa pinto nang biglang may kumatok kasunod ng pagpasok ni Ethan. “Umuwi na si Lance,” imporma nito. “Lasing na lasing siya kaya pinasundo ko kina Denise at BJ.” “I don’t care. Ang kapal ng
PADAPANG humiga sa kama si Lance sa kanyang condo unit. Doon siya dumiretso pagkatapos ng trabaho dahil iniiwasan niyang mapagalitan ng kanyang mommy. He was not feeling well. Matamlay siya at medyo masakit pa rin ang ulo dahil sa dami ng nainom kagabi. Sa sobrang kalasingan ay hindi niya alam na ang Ate Denise at ang bayaw na si BJ ang sumundo sa kanya sa bahay nina Ethan. Maghapon siyang tulog sa kanilang bahay at nang magising ay masakit na masakit ang kanyang ulo pero pinilit niyang bumangon para pumasok sa opisina at ayusin ang problema sa supplier ng materyales. Habang nasa opisina ay nalaman ni Lance kay Ate Francine na nakapanganak na si Tamara. Minabuti niyang hindi na muna magpunta sa ospital dahil alam niyang galit si Tamara sa kanya. Baka makasama lang dito kapag nakita siya nito. Natapos naman ang problema niya sa supplier at na-retrieve na rin ang lahat ng social media accounts niya pero ang problema niya kay Laura ay hindi pa. Dahil