Share

Chapter 2 - Kidnap

Christelle's PoV

"Order for ML!"

The barista called out so I get up from where I am seated. Kailangan ko mag madali dahil ilang minuto lang ang break time ko at kailangan ko nanamang bumalik sa hospital para sa mga natitira ko pang operation para sa ngayon duty. 3 months pa lang akong exchange doctor pero parang gusto ko nang bumalik sa New York. Nakakapagod.

"Excuse me, I think you got my drink." Tawag pansin ko sa isang lalaki na hawak ang order ko at mukhang nainuman pa ata.

Humarap ang lalaki at ganun na lang aking gulat nang makita kung sino ito. It's him! Mir Leonel Alejandro! The man who caused me pain that I could've ever imagined.

"I'm sorry but it says ML.."

Sikreto akong napapikit ng marinig ang kanyang malaki, malalim, ngunit malamyos na boses. His appearance didn't change that much his hair is now in slick back, perpekto ang pagkaka ayos. Kung titingnan ay mukhang mas tumangkad din s'ya, pormal ang kayang hitsura, suot ang isang itim na long sleeve, naka bukas ang dalawang unahanh butones nito. Kaparehas ng itim n'yang slacks at itim ding sapatos, nakakapag taka mukhang paborito na n'ya ngayon ang kulay na itim.

"Yeah. ML. That's mine." Seryoso kong sagot aa kanya

Ilang segundo pa syang parang nag hang bago nag salita, "Christelle? Hi! How have you been?!" Kung makapag tanong sya saakin ay para bang maganda ang naging break up, para bang hindi n'ya ako niloko, at wala s'yang tinakbuhang resposibilidad.

Kung hindi ko lang naaalala ang sinabi saakin ng therapist ko ay malamang inagaw ko na ang kape na hawak n'ya at kanina ko pa naisaboy ang kapeng iyon sa pagmumukha nya.

Sikretong kumuyom ang aking mga kamao, malakipas ang walong taon ay ganun pa dpn pala, galit pa din ako, akala ko ay ayos na pero hindi oa din pala. Ngayong nakita ko ulit s'ya ay bumalik ang lahat ng sakit na naramdaman ko no'ng araw na iyon. Masakit pa rin sa puso at nakakagalit pa din kahit pa walong taon na ang nakakalipas.

Nilabas ko ang ngiting ginagamit ko sa tuwing kumakausap ako ng investors namin, ang aking pekeng ngiti ngunit siguradong makakaramdam pa rin sila ng sincerity or should I say 'fake sincerity'. "I'm sorry but do I know you?" Kunyari'y naguguluhan ako kung sino s'ya.

Bahagya s'yang nagulat, ilang beses pang nag bukas sara ang kanyang bibig bago sumagot. "It's me Leonel." Nakangiting pakilala n'ya saakin

Of course. Kilalang-kilala kita, sino ba namang makakalimot sa ginawa mo saakin?

Binigyan ng isang alanganin na ngiti. "I'm sorry but don't really remember you, pasensya na." Inayos ang takas na buhok sa aking mukha at inilagay ito sa likuran ng aking tenga. "You don't have to pretend to know me para lang hindi ka mapahiya sa pagkuha ng order na hindi naman sayo, don't worry I won't ask you to pay for it, it's fine." Ang sinigurado kong ang aking ngiti ay nagbibigay ng assurance.

Mas lalo pa s'yang napaamang sa gulat at mukhang na-offend din dahil sa sinabi ko. Pero ano naman?! Mas nakaka offend kaya ang mga pinagsasasabi n'ya 8 years ago

"Why would I do that?" Napapahiyang sagot naman n'ya "Are you hurt or something? Why can't you remember me?" Nagtatakang tanong nito saakin

Muli akong umakto na parang naguguluhan, "I'm so sorry pero sabog ka ba?" Kunyari'y naguguluhan ko ding balik na tanong sa kanya.

Muli syang nagpakawala ng maikling tawa pero mas lamang ang pagkapahiya sa kanyang reaksyon.

Naglabas s'ya ng isang buntong hininga, bago sumagot. "That's kinda offending, huh? But I am sorry Miss, I think I mistakenly thought you of someone, my bad. And I am sorry for drinking your coffee, you can just take mine." Kasabay ng nag sabi n'ya nito ay tinawag na ang order nya.

Humingi ulit sya ng tawad bago tuluyang lumabas sa coffee shop. Kinuha ko ang kape n'ya at kahit ayaw ko nito ay wala akong choice dahil wala na akong oras para maghintay pa sa bagong kape. I was about to walk towards the door when my phone ring, I answered it and all I can hear is a loud and noisy background from the other line.

"Doctora, Pinapaalis mo ni Director yung pasyente nyo sa room 233!"

"What?!"

Nataranta ako sa dahil sa sinabi ng nurse, patakbo akong lumabas ng coffee shop at nagmamadaling pumara ng sasakyan at isang itim na sasakyan ang huminto sa aking harapan, basta na lamang akong pumasok dito.

"Kuya, sa St. Luke's po!" Nagmamadaling sabi ko sa drivee at mabilis naman itong nag drive.

"Hello! Nurse Anne! Try to buy some time! I am on my way!" Natataranta kong sabi sa kabilang linya

"Ma'am, tubig ho muna kayo. Napaka init po ng panahon."

At dahil masyado akong natataranta sa tawag ni Nurse Anne ay kinuha ko ang tubig na ibinigay sa akin at ininom iyon, nauuhaw na din kasi ako dahil sa init ng panahon.

Malapit na kami sa St. Lukes nung makaramdam ako ng kaunting hilo, namatay na din ang tawag sa phone ko at para akong nabibingi dahil 'iiiingg' na sound lang ang aking naririnig at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nawalan na akong malay.

Nagising ako sa isang estraherong kwarto, maliit lang ito at halos pang dalawang tao lang, medyo mababa ang ceiling. Kapansin pansin din na masyadong tahimik ang paligid, wala akong marinig kundi ang hampas ng mga alon ---- wait! Alon?!

Mabilis akong lumabas sa estranghero na silid na iyon at sa aking pag labas ay sumalubong saakin ang Leonel na napakalaki ng ngiti.

"Good Morning, Disney Princess!" Maligayang bati ni saakin matapos n'yang makarating sa aking harapan.

Basta ko lang s'yang tinabig patabi at saka dumeretso sa isang pintuang naka bukas at ganun na lamang ang aking gulat nung makitang kaya pala tahimik ang paligid at tubig lamang ang aking naririnig ay dahil nasa gitna kami ng dagat, sakay kami ng isang yate at nasa gitna ng dagat!

Muling nag flashback saakin ang nangyari bago ako napunta dito, bumili ako sa kape, nagkamali, tumawag saakin si Nurse Anne, sumakay ako ng taxi, binigyan ako ng water at.. at.. kahit anong sabunot ko sa aking buhok ay wala na akong iba pang maalala. Kaya't para masagot ay hinanap ko si Leonel.

"Leonel!" Gigil kong tawag sa kanya, muli akong pumasok sa cabin pero wala na s'ya dun kaya umakyat ako sa top deck at nakita ko ang impakto dun at nagsa sunbathing pa!

"Leonel!" Galit kong tawag dito habang mabibigat ang mga hakbang palapit sa kanya, chill s'yang bumaling saakin at cool na cool na umupo mula sa kanyang pagkakahiga.

"You know me?!" Kunyaring gulat na sabi nito pero bakas ang ngiti sa mukha

Nang makalapit ako sa kanya at hindi na ako nag sayang pa ng oras, umangat ang aking palad at lumipad papunta sa kaliwa n'yang pisngi at sa sobrang lakas ng impact ay tumangilid ang ulo ni Leonel.

"Turn this yacht back now!" Gigil kong utos sa kanya

Umangat ang kanyang mukha at tumingin s'ya sa akin matapos ang ilang segundong nakabaling lang ito sa kanan. "No." Seryosong sagot n'ya

"Hindi ako nakikipag laro sayo, Leonel! Turn this yacht back now! This is kidnapping and I can sue you for this!" Galit kong sigaw sa kanya pero tila bingi s'ya at hindi ako pinapansin.

"Go on, then." Baliwala n'yang sagot "Pero kanino ka magsusumbong kung nasa gitna ka ng dagat?" Kunyari'y concern n'yang tanong saakin.

Galit ko s'yang tiningnan, ang kapal ng mukha n'ya! "Ibalik mo na tong yate, Leonel! Hindi na ako nakikipag biruan sayo!" Galit kong utos sa kanya

He scoffed. "Tapos ano? You will sue me? Ano ako hilo? No way. At kung makukulong lang din naman pala ako, might as well sulitin ko na munang makasama ka." He let a devilish smirk.

Napapikit ako sa sobrang galit. "Wala ka na ba talagang magawa sa buhay mo at ako ang pinagdidiskitahan mo?! Ano bang kailangan mo saakin, huh?!" Galit kong sigaw sa kanya at muli sanang sasampalin s'ya pero napigilan n'ya ito.

Tumayo s'ya habang hawak ng kanan n'yang kamay ang kaliwa kong braso, "bakit ba ang hilig hilig mong manakit? Yan ba ang natutunan mo sa asawa mong afam?!" Masungit na sabi nito

Afam?! Ako?! May asawang afam?! Kelan pa?! Bakit hindi ko alam?!

"Ano bang---

"And If you are asking me what do I want from you, I simply want one thing, Christelle.." he took a step forward st dahil hawak n'ya ang aking braso at napaatras din ako.

He cupped my waist without letting my right arm and then he lowered his head, equal to where my ear was.

"I.. want.. you.. to tell me the truth that you.. remember me, baby.."

Mariin akong napapikit ng maramdaman ang bahagyang pag tama ng labi n'ya sa aking tenga, ganun kalapit ang distansya ng kanyang labi sa aking tenga. And I hate to admit it but he still have the same effect to me, 8 years ago.

Nayukom ko ang aking dalawang kamay sa galit, hindi para sa kanya kundi galit para saaking sarili. Kahit ayaw ko mang aminin at tinatraydor ako ng aking katawan, nakakagalit na sa loob lang ng ilang oras ay nagawa nanaman n'yang buhayin ang lahat ng emosyon at pakiramdam sa aking sistema. Pero hindi ako magpapatalo sa pakiramdam kong ito dahil nung huli akong nagpadala sa aking damdamin, sakit lang ang idinulot nito saakin.

"Earth to my baby.."

Every hair in my body rose when I felt his hot tongue licked my ear.

Naitulak ko s'ya ng malakas dahil sa gulat. "Ano ba?! Bastos!" Muli ko s'yang binigyan ng isa pang sampal at sinalo lang n'ya iyon saka ako umatras ng ilang hakbang palayo sa kanya.

Galit akong tumingin sa kanya, "Magkano ba ang kailangan mo para ibalik mo itong yate sa port, huh? 5 million?! 10 million?! Name it. Kahit magkano babayaran kita, kung gusto mo kahit cold cash pa." Galit at seryoso kong offer sa kanya.

Malakas s'yang tumawa, tawang nainsulto dahil sa sinabi ko. "really? You can pay me 10 million in cold cash?" He asked, amused yet irritation is visible on his eyes.

I nodded proudly. "Yes. It's not like it's something much." I look at his directly and I made sure that anger is visible in my eyes; that he can see that emotion.

Mukhang mas lalo s'yang nainsulto.

"Okay, then. Give me your 10 million in cold cash, right now." Hamon nya saakin at mayabang na nag cross arm.

"And you will turn this yacht back?" Paninigurado ko

"Yes. No problem." He seriously said

Tss. Kahit kailan talaga, pera lang ang katapat ng lahat ng tao. Nakakatawa.

"Deal. Let me call my secretary first."

Tinalikuran ko na s'ya saka bumaba sa cabin para hanapin ang hand bag na dala ko kanina before he kidnapped me earlier.

Pumasok ako sa kwarto kung saan ako nagising at hinanap ang bag ko pero kahit na anong hanap ko ay wala akong makita, chineck ko na ang bathroom, yung cabinet, side table even under the bed pero hindi ko talaga mahagilap ang aking bag. Sinubukan ko ding hanapin sa labas ng cabin pati na rin sa mini sala at mini kitchen pero kahit anino ng bag ko ay hindi ko mahanap. Nasaan na ba iyon?! Nakakainis naman, I need to call Josh for the money!

At dahil hindi ko pa din makita ay galit akong umakyat muli sa top deck, andun oa din ang impakto sa pwesto n'ya kung paano ko s'ya iniwan kanina.

"Have you seen my hand bag?!" Inis ko tanong dito

"Ganyan ba magtanong?" Sarcastic na balik n'ya saakin.

I rolled my eyes in irritation. "A yes or no, would do."

"Goodness. Ganyan ba ang natutunan mo sa abroad? Ang mag inarte?" Masungit na balik n'ya saakin

"I need my bag! Andun ang phone ko, I need to call my secretary for the money!" Tumaas ang aking boses dahil sa inis.

He let a sigh after he massage the bridge of his nose. "Yung kulay itim na chanel bag ba?"

"Yes, where is it?"

"Tinapon ko sa dagat kanina, akala ko basura e." Walang ano anong sagot n'ya saakin, nanlaki ang mga mata ko.

"You what?! D'You know how expensive that hand bag is?! That's a limited edition!" Gigil kong sabi sa kanya

"Edi hanapin mo sa dagat, sisirin mo baka andyan lang yon." Walang kwenta nyang sagot saakin.

Gigil na gigil ako sa kanya at nagdidilim ang paningin ko sa pagmumukha n'ya.

"Let me borrow your phone, then. Yan na lang ang gagamitin ko para tumawag." Inis kong inilahad ang palad ko sa harapan n'ya.

"Wala akong load."

"Wala or ayaw mo lang magpa-borrow ng phone?!"

"Parehas."

Napatili ako sa sobrang inis at galit. This man is really getting on my nerves!

"Ano ba? Tumigil ka nga, ang sakit kaya sa tenga!" Masungit n'yang pigil saakin.

Inis syang tumingin saakin. "Kung wala kang pambayad saakin ng 10 million walang problema dahil wala ka naman talagang dapat gawin para ibalik ko tong yate sa lupa dahil hindi ko ito ibabalik hangga't gusto ko. Just relax and enjoy." Masungit n'yang sagot saakin at saka bumalik sa pagsa sunbathing.

Galit naman akong nag martsa papasok sa loob ng yate. I hate him so much!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status