Share

Chapter 3 - One Week

Christelle's PoV 

Nakakulong ako ngayon sa kwarto kung saan ako unang nagising habang si Leonel naman ay panay ang katok sa pinto.

"Christelle, open the door, baby.. Kakain na.." Malambing ang kanyang boses na para bang kusa akong sumama dito sa kanya at hindi nya ako kinidnapped.

Hindi ko s'ya pinansin dahil ang nasa isip ko ngayon ay kung paano ako makakaalis sa pesteng yate na'to. Kailangan kong maka uwi sa mga anak ko, alam kong naghihintay na sila saakin lalo pa't alam nilang ngayong araw ang uwi ko galing sa duty ko sa hospital.

Napasabunot ako sa prustrasyong aking nararamdaman, it's already 5 pm and for sure and babies are looking for me now. I was supposed to be home earlier, at 3 o'clock.

"Fine. If you don't want to eat yet, I'll just leave your food here." 

Mukhang sumuko na si Leonel dahil narinig ko din ang yabag n'ya palayo kasunod nito ay ang pagtunog ng aking tyan. Gutom na ako dahil ang huling kain ko ay kaninang pang 10 am at 5 pm na ngayon. 

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko nang masigurado kong wala na talaga si Leonel sa tapat nito at kinain ang pagkaing iniwan n'ya. It's a ribeye steak with Garlic butter paired with toasted garlic bread and watermelon juice, guess he didn't forget ny favorite food, huh?

Ipinasok ko ang pagkain sa loob ng kwarto at duon ito kinain dahil baka mamaya ay dumating naman ang inpaktong 'yon, ayaw ko s'yang makita. Wala akong gana makipag talo sa kanya dahil mas kailangan kong makauwi, kung kailangan kong languyin ang dagat mula rito hanggang pampang ay gagawin ko makauwi lang ako ngayon araw. Biglang may pumasok na magandang idea sa saking isip.

"Omygosh, Christelle! Why you didn't think of that earlier?" Nangingiti kong tanong sa aking sarili ng makaisip ako ng idea para makauwi sa amin.

Mabilis kong kinain ang pagkain ko at saka dahan-dahang lumabas ng cabin at saka ako dumeretso sa swim platform, katabi lamang ito ng mini kitchen ng yatch. I'm a good swimmer when I was in college, I'm sure kaya ko itong languyin. 

Yes, lalanguyin ko ang pagitan ng yate at ng lupa para makauwi.

I remove my shoes and then my socks before I did some stretching and when I felt that I am already fine, I jump to the water. 

"Omygosh!"!

Napatili ako sa lamig ng tubig at mukhang napalakas dahil narinig ko na ang yabag ni Leonel patungo saakin kaya dali-dali akong lumangoy palayo sa yate.

"Christelle! Nababaliw ka na ba? Come back here!" Galit nyang tawag saakin pero hindi ko s'ya pinansin at hinayaan ko lang s'ya.

Mas binilisan ko pa ang paglangoy nang marinig ko ang pagtalon din ni Leonel sa tubig para habulin ako.

"Christelle, this is dangerous! Come back here!" Galit n'yang sigaw 

"No! I won't! I can manage my self, go mind your own business!" Hiyaw kong sagot saka mas bumilis pa sa paglangoy.

Masyado yata akong na-focus sa paglangoy ng mabilis kaya di ko napansin ang isang malaking alon na paparating saakin.

"Christelle!"

It's already too late, the wave swallowed me whole and why whole body sunk under the ocean. Masyado akong nataranta kaya't maging ang aking paglangoy ay naapektuhan, hindi ako makalangoy pataas dahil tumama din ang aking paa sa isang coral nang kainin ako ng alon. Nawawalan na din ako ng hininga and when I thought it's already the end, an arm wrapped around me and carry me to the swim platform.

"Christelle! Christelle! Are you okay?! Goddamnit! Christelle!" Sunod sunod na tawag saakin ni Leonel.

Nagkanda ubo ubo ako kasabay nito ang pagkuha ko ng hangin, andami atang sea water ang nainom ko!

"Christelle?! Are you okay?! Bakit mo ba ginawa yun? Nababaliw kana ba?!" Galit na galit n'yang turan pero bakas pa din ang pag aalala nya saakin.

Pinalis ko ang mga kamay n'yang nakahawak at nakaalalay saakin at saka naupo habang nakasandal sa gilid ng swim platform.

Masama ko s'yang tiningnan, "bakit ko ginawa yun?" I scoffed. "If you just let me leave this place properly, Leonel, hindi ko gagawin to!" Galit kong sabi sa kanya.

"Bakit mo ba kasi ako dinala dito, huh?!" Galit na galit kong tanong sa kanya

Nagtatanong pa s'ya kung bakit ko yun ginawa e malamang dinukot n'ya ako, anong gusto n'yang gawin ko? Yakapin ko s'ya sa tuwa?!

"I want to talk to you.." masuyo ang kanyang tono. "I want to be with you. Gusto kitang makasama ulit. I'm sorry for what I've done before."

Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanyang sinabi, kaya n'ya ako dinukot dahil gusto n'ya akong makasama? Patawa sya!

Hindi ako makapaniwalang tiningnan s'ya. "Baliw ka ba?! Dinukot mo ako dahil gusto mo akong makasama?!" Pagak akong natawa. "Baka nakakalimutan mo ang ginawa mo saakin, Leonel? Baka nakakalimutan mong pinag mukha mo akong tanga at kawawa sa harapan mo at sa harapan ng babae mo! Baka nakakalimutan mo na may resposibilidad kang tinakbuhan saakin tapos ngayon dudukutin mo ako para makasama ako?! What kind of  reason is that?! Tangina naman, Leonel! Walong taon na tayong hindi nagkikita hanggang ngayon selfish ka pa din?!" Galit na galit kong sabi sa kanya, tumaas na din ang tono ng aking boses.

Hindi ako nagmumura pero ngayon ay parang lahat ng frustrations ko ay nailabas ko na dahil sa galit ko sa kanya. Ang kapal kapal ng mukha n'yang gawin saakin to 

Napapahiya s'yang napayuko.

"Alam mo bang pwede akong mawalan ng lisensya dahil sayo?! Dahil sayo  masisira nanaman ang buhay ko! Nawala akong bigla habang mayroon akong walong pasyenteng kailangang operahan, nag iisip ka ba?! Maayos na ang buhay ko ngayon, masaya na! Tapos ngayon babalik ka para sirain ulit? Saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha mo?!" Napabuga ako ng marahas dahil sa galit at gigil na nararamdaman ko ngayon para sa kanya.

"I-i'm sorry.." nanatiling nakayuko ang kanyang ulo.

"Ganyan ka ba talaga ka makasarili? Leonel, tapos na tayo! Tayo na ang relasyon nating ikaw mismo ang sumira tapos bigla kang susulpot parang nag cool off lang tayo?! Ganyan ka ba talaga ka-boring sa buhay mo at buhay ko ang ginugulo mo?" Sumbat ko sa kanya, nanatili pa ding nakayuko ang kanyang ulo. "Ah! Baka naman naapakan ko nanaman yang ego mo nung sabihin kong hindi kita kilala? Kung sabagay masyadong mataas ang ego mo para matanggap na hindi ka makilala ng ex mo na niloko mo 8 years ago. Si Leonel ka eh, of course, egotistic ka." Inis at sarcastic ko saad. Hindi pa din s'ya nagsasalita.

Galit akong tumingin sa kanya,"Gusto mong aminin ko na kilala talaga kita?! Pwes, sige! Sino ba namang makakalimutan ka, Leonel! B bo lang ang makakalimot sayo! Pagkatapos ng ginawa mo saakin sa tingin mo makakalimutan kita?! Pinagtabuyan mo ako! pinahiya! At ginawang kawawa sa harapan ng babae mo tapos ngayong nagkita tayo ganito ang gagawin mo?! Can't you just let me live my life now?! Kakagaling ko sa sakit na pinaranas mo saakin, baka naman pwedeng hayaan mo na akong mabuhay ng matiwasay.." my voice cracked and my eyes began to watered. "Hindi madaling gumaling sa sakit na pinarasan mo sa--saakin, Leonel.. ang hirap maka- move on, baka pwede namang..baka pwede namang.." 

Hindi ko na naituloy ang aking gustong sabihin dahil tuluyan nang nabasag ang aking boses, sunod-sunod ang pag tulo ng aking mga hula at sunod sunod din ang hikbing aking pinapakawalan.

"Christelle.." sinubukan n'ya akong hawakan pero tinabig ko ang kanyang kamay.

Pinalis ko ang luha sa aking mata pero kahit ganun ay parang water falls ang aking mga luha dahil hindi ito nauubos. Tumingin ako sa kanya. 

"Akala mo ba ikaw lang ang may buhay sa syudad? Leonel, meron din ako.." malungkot at basag ang boses kong sabi sa kanya. "May mga naghihintay din saakin, may pamilya din ako. May pamilya din akong naghihintay saakin para makauwi ako, Leonel.." napahikbi ako nang maalala ko ang hitsura ng aking mga anak na naghihintay saakin na makauwi sa harapan ng bahay namin. 

Sigurado akong nagaalala na ang mga yun saakin, hindi pa naman nila kayang matulog ng hindi naririnig ang boses ko. Ang kawawang mga anak ko..

"Kung naapakan ko ang ego mo sa sinabi ko, I'm sorry. Pasensya na pero ibalik mo na ako, please lang.." nagmamakaawa kong sabi sa kanya habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata.

Mas lalo pang lumakas ang aking pag iyak nang makita ko ang langit na madilim at siguradong naghihintay pa din saakin ang mga anak ko. Kilalang-kilala ko ang aking triplets, alam kong kahit maging 5 or 10 hours late ako ay hihintayin nila ako sa labas ng bahay namin, I have already proved that. Hindi din ako makakapag sabi na male late ako dahil wala naman akong phone kaya isa na lang ang pag asa ko upang hindi maghintay ng matagal ang aking mga anak at yun ay ang maka uwi na ngayong araw.

Kakaiyak ko ay hindi ko na namalayan na nakalapit na pala saakin si Leonel, inilibot n'ya saakin ang isang tuwalya at saka ako ikinulong sa kanyang yakap. 

"I'm.. sorry.. I'm sorry, baby.. I'm really am but this is the only thing I know para makasama ka. I'm sorry.." ramdam ko ang paulit-ulit na paghalik n'ya sa aking ulo pero dahil busy ako sa pag iyak ay hindi ko ito pinansin.

"I'm sorry if I am being selfish, Christelle. I'm sorry.. I'm sorry, baby.." malambot na aabi n'ya saakin habang patuloy s'ya sa paghalik sa aking ulo habang hinahaplos ang aking likuran upang patahanin ako.

"P-please.. ibalik mo na ako.. k-kahit ano gagawin ko i-ibalik mo lang ako.." umiiyak kong sabi

Ang aking dalawang tuhod ay nakatupi habang yakap ito ng dalawa kong braso. Nasa gilid ko naman si Leonel na patuloy sa paghingi saakin ng patawad.

"You would anything?" Mahina n'yang tanong at mahina naman akong tumango.

"Kahit.. k-kahit ano.."

"Then, stay with me for a week, Christelle. Let me enjoy the moment with you for a week." Seryoso n'yang sabi, naghihintay akong sabihin n'ya na biro lang ito pero iba ang sunod n'yang sinabi.

"Stay with me for a week, forget everything and act like we never parted ways. I've been longing for you ever since, Christelle. Gusto ko ulit maramdaman na ako lang ang mahal mo." Seryoso nitong bulong saakin.

Kung papayag ako, paano naman ang mga anak ko?..

"H-hindi ko kaya, Leonel.. may naghihintay saakin.." muling tumulo ang aking luha.

"Then, I'm sorry. That's the last thing that I want. Kung hindi ka papayag, hindi din ako papayag na makaalis ka dito."

Gulat akong napatingin sa kanya. "What do you mean? Ikukulong mo lang ako dito?!"

He nodded. "At least you are with me." Kibit balikat n'yang sagot.

Mariin akong napapikit, I don't have a choice but to stay with him? Either for a week or for my whole life? Pero paano naman ang mga anak ko, hindi pa ako nakakapag paalam sa kanila ng maayos. Siguradong magsisi-iyak ang tatlong iyon lalo pa't biglaan akong nawala at paano na ang mga pasyente ko, madami akong pasyenteng kailangang operahan, lahat sila ay kailangan ako.

Ilang minuto akong natahimik, nag iisip at tinitimbang ang bawat pasya na aking gagawin. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako kumawala kay Leonel at hinarap s'ya. I don't have any choice but to choose what's better for everyone.

"I just have to stay with you for a week, right?" Seryoso kong tanong dito

"Yes, a week. But you have to treat me like how you treat me before."

"How can I be so sure that you will do what you said?" Paninigurado ko

"May isang salita ako, Christelle. Hindi ako sinungaling na tao."

Muntikan na akong matawa sa sinabi n'ya. 

"Fine. Payag na ako. One week and then let me go. Titigilan mo na din ako at hindi na guguluhin pa kahit kailan." I extended my hand

Malawak s'yang ngumiti. "Deal." And we shake each other hand

Ano bang pwedeng mangyari sa loob ng isang linggo, diba? I'm sure magiging mabilis lang ang mga araw.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status