Share

Chapter 6 - Anniversary

Christelle's POV 

Humihingal akong humiwalay sa kanya at umusog paatras ng lalapit sana ulit s'ya para muling humalik.

".. enough." Hingal kong sabi sabay dampot ng glass of water na nasa table para inumin.

Nakanguso n'ya akong tiningnan. "I want more, love.." saad nito habang nagbu-beautiful eyes pa 

Parang ewan.

Umiling ako. "Enough. Hindi ako makapanood ng maayos dahil sayo." Sagot ko naman sa kanya.

"Fine.." paawa nitong sabi saka yumakap saakin.

Natatawa akong yumakap pabalik sa kanya. "Enough, big boy. You had enough, manood na lang muna tayo." Sabi ko sa kanya habang yakap yakap ito.

Ramdam ko ang kanyang pag tango, hindi nag salita o umimik man lang tanda na nagtatampo talaga si Leonel dahil hindi na muling napag bigyan sa gusto n'ya.

"I'll just cuddle you, 'kay?" Naaawa kong sabi sa kanya matapos n'yang mag buntong hininga ng ilang ulit, ramdam ko ang mabilis n'yang pag tango.

Natatawa ako humiwalay sa kanya at muling nahiga sa couch para manood, mabilis naman syang humiga rin sa aking gilid at agad ibinaon ang kanyang mukha sa aking leeg. I gasped secretly.

"I'll just sleep, baby. I don't like to watch.." ungot nito sa aking leeg habang nakasiksik saaking leeg, naramdaman ko pa ang kanyang labi sa aking leeg.

" 'kay." I nodded and continued to watch the movie while letting him rest on my neck.

I shut my eyes tightly, alam kong hindi ko dapat hinahayaan si Leonel na gawin ang mga bagay na ito sa akin. Galit ako sa kanya at hindi iyon mababago dahil sa lahat ng hirap na naranasan ko matapos n'ya akong ipagtabuyan ay walang silbi kahit pa ilang milyon ang sorry na ibigay n'ya saakin. 

I've experienced hell when I was alone, my father disowned me because I tried to protect Leonel by lying about my triplets father even though he cheated on me; I had to flew to Miami where I experienced the most traumatic experience that I've ever imagined. Muntikan na akong ma-rape sa Miami dahil sa taong akala ko ay tunay na mabait pero hindi iyon nabigyan ng hustisya dahil mayaman sila, bagkus ay bumaliktad pa at ako pa ang nag bayad sa kanila, ako pa ang sinisi ng pamilya nila na inakit ko daw ang taong iyon at kagustuhan ko ang nangyari. My whole savings got washed up because of that incident that I ended up almost homeless if it weren't for my cousin, Diem, who saved me. I had to work multiple jobs para may makain kami ng mga anak ko at para mabigyan sila ng maayos na buhay at ang pinaka matinding kasalanan na nagawa saakin ni Leonel, ay ang pagtakbo n'ya sa responsibilidad n'ya saamin ng mga anak ko na sa tuwing may nakikitang buong pamilya ang mga anak ko ay bakas ang inggit sa kanilang mga mata. Lahat iyon ay dahil sa kanya, dahil kay Leonel, kaya walang lugar ang pagiging malambot sa aking puso dahil hindi mababawi ng sorry n'ya ang lahat ng nangyari saakin--- saamin ng mga anak ko.

Hindi pwedeng bumalik ang nararamdaman ko sa kanya dahil nakakasiguro ako na sa oras na malaman n'yang may nararamdaman pa ako sa kanya at tiyak na sakit nanamang muli ang ipaparamdam n'ya saakin. Hindi ako nag trabaho at nagpayaman para lang masaktan ulit at katulad ng pinangako ko sa kanya bago kami maghiwalay, ay sisiguraduhin kong s'ya naman ang maghahabol, luluha, luluhod, at magmamakaawa saakin. Sisiguraduhin kong pagkatapos ng isang linggong saya na ipaparamdam ko sa kanya ay sakit naman ang aking sunod na ipararanas, ang sakit na hihigitan ang sakit na pinaramdam n'ya saakin noon.

So sorry, Leonel, but... You can't get me hurt anymore. And I promise you that you will never eve see my triplets, not even their shadows. I will hide them from you to protect them from any harm you can cause them.

•×•×•×•×••×•×•×•×•×•× LEONEL'S POV •×•×•×•×•×•×•×•×•

Nagising akong mag isa na lang sa sofa, Christelle is already gone. Dali-dali akong tumayo para hanapin s'ya, natatakot ako kasi baka wala na s'ya, baka iniwan na n'ya ako dito sa yate.

Dumeretso ako sa kusina pero wala si Christelle duon sunod naman akong pumunta sa kwarto pero wala din s'ya, mas lalong tumindi ang kabog ng aking dibdib kaya tumakbo ako papunta sa swim platform to check if there's any trace of Christelle but none. Sunod ako pumunta sa parte ng yate kung nasaan ang sun deck part pero wala din si Christelle, wala din s'ya sa cockpit. Unting unti namuo ang luha sa aking mga mata, is she really gone?.. f ck, please no..

Napatingala ako sa aking kinatatayuan habang nakahilamos ang aking mga palad sa aking mukha, pinipigilan ang pag tulo ng aking mga luha.  I thought we already had the agreement of one week? Mahirap ba yun? Gusto ko lang naman s'ya makasama, ngayong may pera na ako ay may mukha na akong ihaharap sa tatay n'ya. This is my chance to make everything right, this time I have to make everything right but how can I do that if she's already gone? Paano ko mapapatunayan ang sarili ko kung umalis na s'ya?.. paano ako makakabawi kung wala na s'ya?

"Leonel, what are you doing there?"

Naibaba ko ang aking mga palad at gulat na napatingin sa top deck, fucking hell! How can I forget the most important part of a yatch! Stupid, Leonel!

Malalaki ang mga mata akong tumingin sa nag salita at ganun na lang ang tuwa sa aking puso nang makitang si Christelle iyon at hindi n'ya ako iniwan. Malalaki at mabibilis ang aking hakbang papunta sa kanya at nang makapunta na ako sa top deck at patakbo akong pumunta kay Christelle at niyakap s'ya ng mahigpit.

"Fuck, baby! Akala ko iniwan mo na ako.." mahina kong sabi habang yakap yakap ko s'ya ng mahigpit.

Rinig ko ang mahinang pag tawa ni Christelle, "saan naman ako pupunta?"

"I don't know pero pagkagising ko kasi wala ka na eh." Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.

"Oh, that.. umalis ako kasi I want to surprise you, baby." 

Humiwalay ako sa kanya at tumingin, nagtataka.

Ngumit s'ya saakin ng malawak. "Happy anniversary, Leonel." Malamlam ang kanyang mga mata parang anumang oras ay maiiyak s'ya.

Gumilid s'ya at sa likuran n'ya ang isang mesang bilog na kulay Pula ang table cloth, may kandila sa gitna at roses petals na nakakalat hanggang sa sahig, may iilan ding kandila na nasa lapag. The atmosphere is so romantic, isali pa na ala sais na nang hapon at pagabi na din.

Dun ko lang naalala na 14th pala ngayon, masyado akong na-overwhelm sa ideyang kasama ko si Christelle kaya nawala sa isip ko iyon but for the past nine years ay walang taon na hindi ako nagse-celebrate ng anniversary namin.

"B-baby.." nabasag ang aking boses, hindi ako makapag salita ng ayos dahil sa sobrang saya at guilt na nararamdaman ko.

This day of the year is the most important yet sad event in my life dahil sa araw na to nag simula at natapos ang lahat saamin ni Christelle.

"Won't you greet me too?.." tanong saakin ni Christelle habang namumuo din ang luha sa kanyang mata.

Nakagat ko ang aking labi habang pinipigilan ang pag iyak. "H-happy.. happy 12th anniversary, my l-love.." naiiyak kong sabi sa kanya, punong puno ng saya ang puso ko pero yung guilt na nararamdaman ko hanggang ngayon ay parang bubble gum na nakadikit din saaking puso at hindi maalis.

"A-ako dapat ang gagawa nito eh.." lumuluha kong sabi sa kanya habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.

Maliit s'yang natawa pero namumuo pa din ang luha sa kanyang mga mata. "Sorry ka na lang, naunahan kita.." biro n'ya saakin.

Alam kong nakakabakla para sa isang lalaki ang umiyak pero wala akong pakialam, I'm happy that she still remembers our day but of course how can she forget the most painful day in her life. I'm so sorry baby .

"I'm so sorry.. I'm sorry.. sorry for what I've done.." sinsero kong sabi sa kanya. Ngumiti lamang s'ya at pinunasan ang aking mga mata.

"Stop crying and let's enjoy the night, baby. I cooked your favourite food." Malambing n'yang sabi saakin at pinatakan ako ng isang halik sa labi.

"More please.." lumuluhang ungot ko sa kanya 

"Enough, let's eat." Nakatawang sagot n'ya saakin

"More, please baby.. just one hard kiss.." malambing kong sabi kay Christelle habang naka hawak ang dalawa kong kamay sa kanyang bewang.

"Okay---

She didn't finished her word because I already crashed my lips on her.

Matagal ko s'yang hinalikan dahil nung bitawan ko s'ya ay hingal na hingal s'yang nakatingin saakin, ganun din ako. 

"That's a whole 5 minutes, Leonel!" My baby said after she regain her breaths.

Malakas akong natawa dahil nakaawangi ang pulang pulang labi n'ya, bahagya pa itong namamaga habang ang cute n'yang mga kilay ay magkasalubong, masama din ang tingin n'ya saakin. Such a cutie.

"Sorry, baby. I just missed you lips." Sagot ko sabay kindat sa kanya.

Mabilis s'yang namula.

Nanggigigil ako sa sobrang cute n'ya kaya para matakpan iyon ay binigyan ko na lang ng halik ang kany

ang noo at dalawang pisngi.

"Ang cute mo, baby.." nanggigigil kong bulong sa kanya habang nakatawa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status