Share

Chapter 41

Alex's Pov

Bigla akong nagising nang tumama sa mukha ko ang isang bagay. Pagmulat ko ng aking mga mata ay damit pala ni Uriel na itinapon sa mukha ko.

"Gumising ka na at labhan mo ang marurumi kong damit. Kamayin mo lang dahil sira ang washing machine ko," parang hari na utos sa akin ni Uriel habang nakatayo siya sa paanan ng kama. Muli niyang initsa sa mukha ko ang iba pa niyang maruruming damit kaya mabilos na akong napabangon sa higaan.

"Ano ba, Uriel?! Hindi mo naman kailangang ibato sa akin ang mga marurumi mong damit," inis na sabi ko sa kanya. Ang sarap ng tulog ko tapos iniistorbo niya ako. Ang sarap niyang ipasok sa washing machine at paikutin. Sinira niya ang tulog ko.

"Gusto kong ibato sa mukha, bakit? Magagawa ka ba?"

"Isip-bata," mahinang bulong ko. Hindi ito narinig ng lalaki dahil mahina lamang ang aking boses. Tiningnan niya lamang ako ng masama na tila ba nahuhulaan niyang patungkol sa kanya ang sinambit ko. Pagkatapos niya akong tapunan ng masamang tingin ay walang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status