Alex's PovPagmulat ko ng mga mata ay nasa loob na ako ng ospital at nakahiga sa hospital bed. Mukha ng nag-aalalang mga magulang ko ang agad kong nabungaran pagdilat ko ng mga mata."Alex! Diyos ko samalat naman at gising ka na. Alam mo ba na sobrang alalang-alala kami sa'yo? Tatlong araw kang walang malay at hindi namin alam kung ano ang gagawin namin," umiiyak na kausap sa akin ng Mama na biglang napayakap sa akin. "Ma, okay lang po ako," mabilis kong sagot para hindi na siya mag-alala pa at umiyak."Okay lang ba iyang may nakalagay na cervical neck brace siyan sa leeg mo?" ani Mama na patuloy sa pag-iyak. Saka ko lang napansin na may nakaharang pala sa leeg ko kaya pala hindi ko maigalaw pababa ang aking ulo. Naalala ko na bumangga ang ulo ko sa manibela bago ako nawalan ng malay. Maliban sa neck brace ay may benda rin ang aking ulo. Ito siguro ang dahilan kung bakit tatlong araw akong comatose.Bahagya akong ngumiti para ipakita kay Mama na okay lang talaga ako. Ngunit biglang n
Alex's PovPagkalabas ko sa ospital ay nagpahinga lamang ako ng isang Linggo at pagkatapos ay lumipad ako papuntang Spain kasama ang mga magulang ko. Nagpaiwan si Alexa na sa bahay na ni Uriel muling tumira. May mga bodyguard naman na kasama ang kakambal ko kaya kahit paano ay panatag ang loob namin nina Daddy at Mama na maiiwan namin siya. At saka nakatitiyak ako na hindi siya pababayaan ni Uriel. Ang sabi sa akin ni Alexa sa una ay hindi raw makapaniwala si Uriel nang makausap niya ito lalo na at wala naman ako sa harapan nito para maniwala itong magkambal nga kaming dalawa ni Alexa. Ngunit sapat na ang video na nakuhanan ko at pati na rin ang statement ni Myrna. Ngayon ay naniwala na ang lalaki na hindi si Alexa ang pumatay sa kanyang ina kundi ang mag-inang nakatira sa bahay niya. Sa malas ay nakatunog si Aling Lorena kaya bago pa makauwi sa bahay niya si Uriel na may mga kasamang pulis para ipadampot ang pinagkakatiwalaan niyang mayordoma ay mabilis nang nakatakas ang matanda a
Alex's PovParang may tambol sa loob ng aking dibdib sa sobrang lakas ng pagtibok ng aking puso habang naglalakad ako papasok sa gate ng malaking bahay ni Uriel. Sobra akong kinakabahan. Mahigit isang buwan ko siyang hindi nakita at wala rin akong balita sa kanya dahil iniiwasan kong magtanong sa kakambal ko kapag tumatawag siya sa akin. Way ko iyon para mabilis kong makalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Ngunit sayang lang pala ang effort ko na makalimutan siya dahil heto at papasok ulit ako sa buhay niya bilang substitute wife. Hindi ko naman magawang tanggihan si Alexa dahil nakikita kong desperada na talaga siya. Kaya isinantabi ko ang sarili kong damdamin para sa kanya.Saglit akong huminto sa paglalakad nang malapit na ako sa may pintuan. Alam kong nakauwi na siya dahil nakagarahe na sa loob ng gate ang kanyang kotse. Huminga ako ng malalim para alisin ang kabang nararamdaman ko. Kinakabahan ako sa muli naming pagkikita ni Uriel. Nag-aalala ako na baka makahalata siya na hind
Alex's PovPakiramdam ko ay saglit na huminto ang aking paghinga nang marinig ko ang itinawag ni Uriel sa akin. Nahalata kaya niya na ako si Alex at hindi si Alexa? Malakas ang kabog ng dibdib na nilingon ko siya."A-Anong -sabi mo?" bahagya tuloy akong nautal dahil sa sobrang kaba. Kapag sinabi niyang alam niya na ako si Alex at hindi si Alexa ay talagang tatakbo agad ako palabas sa bahay niya. Bahalang maglakad ako pauwi sa bahay namin ang importante ay makalayo ako sa harapan niya."Ang sabi ko ay kumusta na ang kakambal mong si Alex?" bahagyang nakataas ang kilay na sagot ni Uriel. "Hindi ba may kakambal kang Alex ang pangalan?"Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang sinabi niya. "Ah, oo. Kinukumusta mo pala ang kakambal kong si Alex. Akala ko ay—""Akala mo ay iniisip kong ikaw si Alex?" aniya na inunahan ako sa aking sasabihin. "Of course not. Bakit ko naman iisipin iyon? Akala ko ay sasabihin mong imbitagan ko siyang dito mag-dinner sa bahay. Iyan sana ang
Alex's PovPaglabas ko sa bahay ni Uriel ay nasa tabi na siya ng sasakyan niya at naghihintay sa akin. Agad na namutawi sa kanyang mga labi ang isang matamis na ngiti nang makita niya akong naglalakad palapit sa kanya. "You're so beautiful, Alex," humahangang puri niya sa akin nang makalapit na ako sa kanya. Hindi ko maiwasan ang pamulahan ng magkabilang pisngi sa kanyang papuri kahit na ang pagkakaalam niya ay ako si si Alexa. Ngunit dahil totoong pangalan ko ang binanggit niya kaya pakiramdam ko ay ako ang pinupuri niya at hindi si Alexa."Simple lang naman ay ayos ko at saka konting baby powder at lipstick lang naman ang inilagay ko sa mukha ko tapos ang ganda ko na agad?" nakangiti kong biro sa kanya ngunit ang kalooban ko ay nininerbyos. Lagi na lang akong kinakabahan kapag kasama ko siya. Pakiramdam ko ay mabubuko niya anumang oras na nagpapanggap lamang ako."Your simplicity makes you more beautiful, Alex," sagot niya sa akin. Damang-dama ko na sinsero siya sa kanyang papuri s
Alex's PovPagkapasok ko sa loob ng bahay namin ay nagulat si Alexa nang makita niya akong pumasok sa pintuan ng bahay namin. Agad niya akong sinalubong para usisain kung bakit ako narito sa bahay."O bakit ka nandito, Alex? Nabuko ba ni Uriel na nagpapanggap ka lamang at pinalayas ka niya?" nag-aalalang tanong sa akin ni Alexa sa mahinang boses. Nagpalingon-lingon pa ito sa paligid at siniguro na walang nakarinig sa kanyang sinabi maski si Mama. Inilihim lang kasi namin sa mga magulang namin ang ginawa naming pagapalit muli ni Alexa dahil siguradong hindi nila kami papayagan lalong-lalo na si Mama."Siyempre, hindi. Nagpunta ako rito para sabihin sa'yo ang good news na dala ko," nakangiti kong sagot sa kanya. Ayokong mahalata niya na hindi ako masaya kaya sinigurado ko na masaya ang ekspresyon na nakalarawan sa mukha ko kahit na ang totoo ay nagdurugo ang puso ko."Talaga? Ano ang good news na dala mo?" nanlalaki ang mga mata na tanong ni Alexa. Halatado sa mukha nito ang excitement
Alex's Pov"Ano ang gagawin natin, Alex?" kinakabahang tanong sa akin ni Alexa na bigla pang napahawak sa aking siko.Bago ko pa masagot ang tanong niya ay nakalapit na sa amin ang dalawang lalaki. "Sumama kayo sa amin ng maayos kung ayaw ninyong masaktan," mapanganib ang boses na kausap sa amin ng isa sa dalawang lalaki. Walang sumagot sa amin ni Alexa sa halip ay nagkatinginan lamang kami. "Takbo, Alexa!" sigaw ko sa kakambal ko nang makita kong sumenyas ang lalaki sa kasamahan niya na lapitan kami. Nang marinig naman ng kakambal ko ang sigaw ko ay agad itong kumaripas ng takbo kasabay ko. Ngunit mas mabilis tumakbo sa amin ang dalawang lalaki kaya agad nila kaming naabutan."Akala niyo ay makakatakas kayo sa amin, ha? Pwes! Nagkakamali kayo. Dahil mananagot kami sa boss namin kapag hindi namin kayo naisama ngayon," mariing kausap sa amin ng isa sa dalawang lalaking kidnapper."Bitiwan mo ako!" malakas kong sigaw habang pilit na kumakawala sa lalaking nakahawal ng mahigpit sa mga
Alex's PovWala imikan kaming tatlo habang nagbibiyahe kami pabalik sa bahay namin. Si Alexa ay takot pa rin hanggang ngayon kaya nananahimik lamang sa kinauupuan niya. Ako naman ay okupado ang isip ko sa mga salitang binitawan ni Uriel kanina. Madalas ko siyang mahuli na nakatingin sa akin sa rear view mirror at kapag nagtatagpo ang mga paningin namin sa salamin ay mabilis akong nag-iiwas ng tingin. Mahirap na at baka mahuli pa kami ni Alexa na nagkakatitigan sa salamin ay baka kung ano pa ang isipin niya sa amin. "Uriel," tawag ko sa kanya. Bahagya lamang niya akong sinulyapan sa may salamin at muling itinuon ang paningin sa kalsada. "Nakikiusap ako na sana ay huwag mo nang iparating sa mga magulang namin ang nangyari. Ayaw namin na mag-alala pa sila sa amin," pakiusap ko sa kanya. Ayoko sanang ako ang bumasag sa katahimikang namamagitan sa aming tatlo ngunit hindi maaaring makarating sa mga magulang namin ang nangyaring ito kaya napilitan na akong magsalita."Magkakilala na ba ka