Share

Chapter 51

Alex's Pov

Pakiramdam ko ay saglit na huminto ang aking paghinga nang marinig ko ang itinawag ni Uriel sa akin. Nahalata kaya niya na ako si Alex at hindi si Alexa? Malakas ang kabog ng dibdib na nilingon ko siya.

"A-Anong -sabi mo?" bahagya tuloy akong nautal dahil sa sobrang kaba. Kapag sinabi niyang alam niya na ako si Alex at hindi si Alexa ay talagang tatakbo agad ako palabas sa bahay niya. Bahalang maglakad ako pauwi sa bahay namin ang importante ay makalayo ako sa harapan niya.

"Ang sabi ko ay kumusta na ang kakambal mong si Alex?" bahagyang nakataas ang kilay na sagot ni Uriel. "Hindi ba may kakambal kang Alex ang pangalan?"

Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang sinabi niya. "Ah, oo. Kinukumusta mo pala ang kakambal kong si Alex. Akala ko ay—"

"Akala mo ay iniisip kong ikaw si Alex?" aniya na inunahan ako sa aking sasabihin.

"Of course not. Bakit ko naman iisipin iyon? Akala ko ay sasabihin mong imbitagan ko siyang dito mag-dinner sa bahay. Iyan sana ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status