Share

Chapter 42

Alex's Pov

Gusto ko nang mawalan ng malay habang nakatingin sa lalaking puno ng pagnanasa ang mga mata habang nakatingin sa akin. Kung ito man ay isang masamang bangungot ay gusto ko nang magising. Nang lumundag papunta sa akin ang lalaki ay isang napakalakas na tili ang kumawala sa aking lalamunan. At kasabay ng aking tili ay ang pagbungad naman ni Uriel sa nakabukas na pintuan. Agad itong lumapit sa nabiglang tauhan at inundayan ng magkakasunod na suntok. Hindi tinigilan ni Uriel ang lalaki hangga't hindi ito nakagulapay sa sahig habang duguan ang mukha.

"Walang hiya ka, Dado! Ang lakas ng loob mong tarantaduhin ako!" pulang-pula sa galit ang mukha na sigaw ni Uriel. Pagkatapos ay inundayan nito ng malakas na tadyak sa tagiliran ang lalaking pumasok sa kuwarto na Dado pala ang pangalan

"Tama na, boss. Baka mapatay mo si Dado," awat ng isa pang lalaki na kasunod ni Uriel na pumasok sa kuwarto ko. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang tauhan nitong pumansin sa akin kanina.

"Talagang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status