NAGKASYA na lamang si Ffion na titigan ang lalaki hanggang sa hindi niya namalayan nakatulog siya sa tabi nito. Sa unang pagkakataon, nakadama siya ng tunay na pahinga sa tabi ng lalaking mahal niya. Kung dati, hindi niya ito abot kahit magkatabi sila sa iisang kama, ngayon, abot na abot niya ito.Sa panaginip niya, hinaplos daw ni Audric ang kaniyang pisngi at hinayaan siya nitong matulog sa balikat nito. Sa panaginip niya, hindi galit ang lalaki... "Ffion...?""Hmm?" "Inaantok ka pa rin ba?""Yes..." At hindi niya na narinig ang boses ni Audric. Ang sarap ng kaniyang panaginip. Ayaw niya ng maputol ito... gusto niya ang lambing sa boses ng lalaki at ang ginawa nitong paghaplos sa kaniyang pisngi at buhok. Gusto niya ang pagmamahal na nararamdaman niya mula sa asawa. Hindi niya alam kung ilan oras siyang nakatulog. Basta nung magising siya, nakatayo na si Audric at nakaharap ito sa kanan bahagi ng planta. Pansin din niyang tanghali na at sa isipin na gutom na ang asawa, kaagad siya
"GOOD MORNING."Biglang napalingon si Ffion, nakita niya sa bukana ng pintuan ang asawa niya. Parang may kung anong mga paru-paro na nagsiliparan sa kaniyang sikmura nang makita ang maaliwalas na mukha ni Audric. "G-good morning!" Ngumiti siya kahit hindi naman nito nakikita. Nasa kusina siya at at naghahanda ng almusal nila mag-asawa sa umagang iyon. "Let me guess, bacon and egg?"Natawa siya ng mahina. Tama ang hingala ni Audric. Bacon and egg nga ito pero hindi na sunog. Pinag-aralan niya na kung paano magluto ng tama. Ayaw niya ng mapahiya kay Manang. Kahit sa almusal man lang, mapasaya niya sa mesa ang asawa."Oo. Kain na tayo, tapos na ito. May gatas na rin sa mesa.""Okay," anas nito. Humakbang ito papalapit sa mesa.Habang siya ay kumukuha ng kutsara at baso. Nilagay niya ito sa mesa. Hinubad niya rin ang suot na apron at umupo paharap kay Audric sa bilogang mesa. Masaya siya na kahit papaano, kinakausap siya ngayon ng normal ng lalaki. Tinikman din nito ang luto niya at tum
PERO ANG plano nilang mamasyal ay napurnada nang umulan ng malakas sa hapon iyon. Walang magawa si Ffion kundi ang mapalupaypay habang nakamasid sa labas ng bintana. Nagpalit pa siya ng damit at sinigurado niya na talagang dinala ang kaniyang cellphone para makunan at ma-record niya ang pamamasyal nila ni Audric sa araw na ito.Hindi ka naman nakisama, ulan... Napasimangot siya habang nakatingin pa rin sa may bintana."Malakas yata ang ulan." Nagsalita si Audric. Nasa dulo ng hagdanan ito. Kakababa lang."Oo. M-malakas talaga.""Pero gusto mo pa rin mamasyal?""Ha?" Napalingon siya rito nang wala sa oras. Paano sila mamasyal sa labas kung ganitong malakas ang ulan? Sinasabayan pa ito ng malakas na hangin kaya alam niyang mangangatal lang sila kapag lumabas sila."I'm thinking to play in the rain."Nalaglag ang kaniyang puso sa sinabi ng lalaki. Kung alam lang nito na matagal niya ng gustong maligo ng ulan pero dahil natatakot siyang pagagalitan nito kaya hindi niya magawang maligo ng u
AT ANG buong inakala ni Ffion na iyon na ang simula ng magandang pagsasama nila ni Audric, nagkamali siya. Dahil kinaumagan, tumawag ang kaniyang Amain na nasa Hospital ang kaniyang Ina. Kaya kahit ayaw niyang iwanan ang lalaki na mag-isa sa Villa, wala siyang magawa kundi ang bumalik ng Maynila.Pinakiusapan niya si Manang Minda at Manong Lito na ang mga ito muna ang bahala sa asawa niya. Naiintindihan naman siya ng mag-asawa at sinabihan mag-ingat siya sa byahe. Kahit mabigat ang kaniyang dibdib, nagpaalam siya kay Audric. Wala naman sagot mula sa lalaki. Tinalikuran lang siya nito at nagtungo sa kusina. Nasaktan siya sa malamig na pakitungo nito sa kaniya. Kahapon lang ay masaya silang naglalaro sa ilalim ng ulan. Kahapon lang ay para silang batang bumalik sa nakaraan pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Pinapangako ni Ffion na babalik siya agad. Mahalaga rin ang kaniyang Ina at nag-iisang kamag-anak lang siya nito kaya kailangan niyang bumalik ng Maynila. Personal niyang kukusmut
“Umalis ka! Anong pinagsasabi mong ako ang may gusto sa lahat ng 'to?! Wala akong naaalalang nakipagsunduan ako sa taong tulad mo, Lorenzo!”Napuno naman ng halakhak nito ang buong sulok ng silid. “Gano'n ba? Ang naaalala ko ay nagkaroon tayo ng kasunduan noon o nanaginip lang ako.” Nagkibit ito ng balikat. “Sino nga pala kasama ng pinakamamahal mong asawa, ha, Ffion? Mag-isa lang sa Villa?”“Binabalaan kita, Lorenzo! Huwag na huwag mong tatangkain ang buhay ng asawa ko! Dahil oras na may mangyaring masama sa kaniya, ipapabulok kita sa kulungan at alam mong kayang-kaya kong gawin iyon!”“Tumapatapang ka na Ffion. Gusto ko 'yan. I like the Ffion I'm seeing. Ganiyan, ganiyan ka dapat. Fierce ba!” “Alis!” Tinuro niya ang pintuan. “Umalis ka kung ayaw mo ako mismo ang magkakaladkad sa'yo papalabas sa silid na ito!”Tumawa ito nang malakas sa kaniyang sinabi. “Wait, papaalisin mo na ako? Inutusan ako ni Papa na magbantay rito sa Ina mo. Sorry sis, dito lang ako hanggang sa magising ang ba
Lumabas na ang test results, over stress lang daw ang ito at kailangan ng pahinga. Magigising daw ito any moment at huwag daw siya masyadong mag-alala. Nagkaroon din siya ng pagkataon na tangunin ang Doctor kung ano ang mga pasa sa braso ng Mommy niya. Nakahinga siya ng maluwang nung sinabi nitong ang mga pasa ay galing lang sa over stress at mismong katawan na nito ang bumitaw.Tinawagan niya rin ang Amain at sinabi rito ang resulta. Ang sabi nito ay bukas na ulit ito dadalaw at marami raw itong inasikaso. Gusto niya sanang banggitin sa Amain na huwag ng papuntahin si Lorenzo sa Hospital pero hanggang lalamunan lang iyon.Saka lang din lumabas si Ffion ng silid para bumili ng pagkain nung totoong umalis na si Lorenzo. Natatakot siyang iwan na mag-isa ang Ina at iniisip niyang may gagawin itong masama kapag nasa paligid ito. Doon din siya natulog kinagabihan sa tabi ng Ina niya. Binabantayan niya ito.Kinabukasan, nagising siya sa tawag ni Amazi. Napahaba ang kaniyang tulog dahil nung
"OKAY ka lang? May nangyari ba?" bungad sa kaniya ni Amazi. Nagtatakang napatingin ito sa kaniya na parang hinabol siya ng limang demonyo.Mabilis siyang umiling sa naging tanong ni Amazi. Inayos niya ang sarili at sinuklay ang buhok gamit ang kamay. "Salamat sa pagbantay. Pwede ka ng bumalik sa trabaho mo. Pasensya ka na at masyado akong nakaabala, Amazi."Ngumiti lang ito at namulsa ang isang kamay. "Sige, kailangan ko na talagang umalis. Mamaya pag-uwi ko ay dadaan ako rito para makipagkwentuhan at 'di ka ma-bore."Tango lang ang kaniyang sinagot at umalis na ang binata. Naligo rin siya sa banyo na nandoon at simpleng bestida na kulay pastel yellow ang kaniyang suot. Inayos niya ang kaniyang buhok at kahit basa pa ito, pinusod niya na iyon at nilagyan ng ribbon.Nagpasalamat siya kahit papaano nq hindi lumitaw si Lorenzo. Alam niya na kung bakit hindi at kumalma siya sandali sa parteng iyon."F-ffion...""My!" Kaagad siyang dumalo sa kaniyang Ina nang tawagin nito ang kaniyang pang
"Malinis ba ang pagkakaligpit sa kaniya?" Humithit ng sigarilyo ang taong nakaupo sa swivel chair. May suot itong maskara. Binuga nito sa hangin ang usok."Malinis, Boss. Kung titingnan, namatay siya dahil sa stress lang. Walang makikitang lason sa kaniyang katawan.""Mabuti. Kailangan niya na rin magpahinga." Ngumisi ito. "Tawagan niyo ang numerong ito." May binigay itong numero. Ang numero ito ng babaeng nagngangalang Ffion. "Kayo na ang bahala kung paano niyo takutin iyan para hindi magsalita. Baka may nakanta ang kaniyang Ina sa kaniya, mahirap na at magkaletse-letse.""Yes, Boss." Sabay-sabay na sagot ng dalawang lalaki at umalis.Ngumisi naman ang taong nagsisigarilyo. Tinanggal nito ang suot na maskara at tinago iyon sa ilalim ng desk. Pinatay nito ang hindi pa ubos na sigarilyo at natawa. Ang mahinang tawa nito ay nauwi sa malakas na halakhak...HINDI NA nagkaroon ng lamay. Kaagad na pinalibing ng kaniyang Amain ang kaniyang Ina kinabukasan matapos makuha ang katawan nito sa m