"OKAY ka lang? May nangyari ba?" bungad sa kaniya ni Amazi. Nagtatakang napatingin ito sa kaniya na parang hinabol siya ng limang demonyo.Mabilis siyang umiling sa naging tanong ni Amazi. Inayos niya ang sarili at sinuklay ang buhok gamit ang kamay. "Salamat sa pagbantay. Pwede ka ng bumalik sa trabaho mo. Pasensya ka na at masyado akong nakaabala, Amazi."Ngumiti lang ito at namulsa ang isang kamay. "Sige, kailangan ko na talagang umalis. Mamaya pag-uwi ko ay dadaan ako rito para makipagkwentuhan at 'di ka ma-bore."Tango lang ang kaniyang sinagot at umalis na ang binata. Naligo rin siya sa banyo na nandoon at simpleng bestida na kulay pastel yellow ang kaniyang suot. Inayos niya ang kaniyang buhok at kahit basa pa ito, pinusod niya na iyon at nilagyan ng ribbon.Nagpasalamat siya kahit papaano nq hindi lumitaw si Lorenzo. Alam niya na kung bakit hindi at kumalma siya sandali sa parteng iyon."F-ffion...""My!" Kaagad siyang dumalo sa kaniyang Ina nang tawagin nito ang kaniyang pang
"Malinis ba ang pagkakaligpit sa kaniya?" Humithit ng sigarilyo ang taong nakaupo sa swivel chair. May suot itong maskara. Binuga nito sa hangin ang usok."Malinis, Boss. Kung titingnan, namatay siya dahil sa stress lang. Walang makikitang lason sa kaniyang katawan.""Mabuti. Kailangan niya na rin magpahinga." Ngumisi ito. "Tawagan niyo ang numerong ito." May binigay itong numero. Ang numero ito ng babaeng nagngangalang Ffion. "Kayo na ang bahala kung paano niyo takutin iyan para hindi magsalita. Baka may nakanta ang kaniyang Ina sa kaniya, mahirap na at magkaletse-letse.""Yes, Boss." Sabay-sabay na sagot ng dalawang lalaki at umalis.Ngumisi naman ang taong nagsisigarilyo. Tinanggal nito ang suot na maskara at tinago iyon sa ilalim ng desk. Pinatay nito ang hindi pa ubos na sigarilyo at natawa. Ang mahinang tawa nito ay nauwi sa malakas na halakhak...HINDI NA nagkaroon ng lamay. Kaagad na pinalibing ng kaniyang Amain ang kaniyang Ina kinabukasan matapos makuha ang katawan nito sa m
Nagising lang si Ffion nung tapikin ni Amazi ang kaniyang pisngi. Doon lang niya napansin na nasa San Mateo na sila ng binata. Hindi man lang niya nagawang kainin ang binili ni Amazi na pagkain para sa kaniya."Sorry! Sorry nakatulog ako."Ginulo lang nito ang kaniyang buhok at tumango. "Naghihintay na sila kuya sa loob."Naguguluhan napatingin naman siya sa lalaki. Naunang lumabas ito sa sasakyan at ito na ang nagbukas ng gate papasok sa malaking bakuran ng Villa kung saan, kahit gabi na, nagkikislapan ang ganda ng kaniyang mga bulaklak. Kahit papaano, napangiti siya nang masilayan ang mga iyon."Sorry, ha? Kung sinabi ko kay kuya ang totoong nangyari. Alam din ni kuya na pauwi tayo kaya alam kong naghihintay siya sa sala panigurado," anas nito nung bumalik ito sa passenger seat. Muli nitong minaneho ang sasakyan papasok sa loob."Salamat." Tipid niyang sagot. Dahil ang totoo, nasira ng tuluyan ang kaniyang cellphone kaya hindi niya magawang tumawag pa sa asawa at kay Lucas nung nama
-MARAHANG hinaplos ni Audric ang buhok ng asawang si Ffion. Nakatulog na ito sa silid nilang mag-asawa. Nagpaalam na rin ang kaniyang kapatid at kaibigang si Lucas. Hindi niya na pinigilan ang mga ito dahil ligtas naman bumyahe kahit gabi.Kahit hindi niya nakikita ang mukha ni Ffion sa mga sandaling ito, alam niyang binabalot ng sakit at lungkot ang puso nito ngayon. Alam niya kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng taong mahalaga sa buhay. Nasa tabi siya ng asawa. Nakayakap ito sa kaniya at nakaunan sa kaniyang braso. Ang tanging nararamdaman lamang ni Audric ay ang init na nagpapatunay na katabi niya ang babae. Dalawang gabi lang ito nawala pero parang may parte ng kaniyang puso ang nawala.Marahan siyang napabuga ng hangin at napailing. Galit siya sa mundo pero hindi niya nararamdaman ang galit niya para kay Ffion. Her sweet innocent Ffion. Kanina lang niya nalaman nung tumawag ang kaniyang kapatid na si Amazi, na pumanaw na ang Ina nito at pauwi ang mga ito sa San Mateo.Awa ang
Natigilan si Ffion nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Audric. Sandaling huminto ang kaniyang mundo sa ginawa nito. Napatanong siya sa kaniyang isipan pero wala siyang makuhang sagot kung bakit siya niyakap nito ngayon."O-okay ka lang?""Where have you been? Pinag-alala mo 'ko!" May galit ang boses nito nang dumestansya sa kaniya. Tagos ang tingin nito sa kaniya."D-diyan sa labas kasi—""Akala ko umalis ka ng tuluyan."Parang may kung anong paru-paro ang dumaan sa kaniyang harapan. Hindi niya makapa ang kaniyang puso. Nag-alala sa kaniya si Audric? Ito na ba 'yong hinihintay niya? Napangiti siya kahit nalulungkot ang kaniyang puso. "Hindi ako umalis. Tulog ka pa kasi nung magising ako. Maaga rin akong nagising kaya...""Okay-okay. Let's eat, please? Timplahan mo rin ako ng kape, ha?"Tuluyan nahulog ang kaniyang puso sa malambing na boses ng asawa niya. Parang siyang dinuyan sa alapaap kahit napupuno ng lungkot ang kaniyang puso dahil sa pagkawala ng babaeng importante s
SIYA ang nagmaneho sa wrangler jeep. May kalayuan ang pinakasentro ng planta at kahit papaano, gamay ni Ffion ang daan papunta roon. Sa tabing daan, kumakaway sa kanila ang nga nadadaanan nila. Tanging tango at ngiti lang ang kaniyang tugon. Mababait ang mga taong nasa Villa at halos mga nakatira roon ay sa pamilya Villanueva nagtatrabaho.Swerte lang talaga ng pamilya ni Audric dahil mababait at mapapagkatiwalaan ang mga tauhan nito na nagtatrabaho sa planta. Dalawampung minuto siyang nagmaneho sa sementong daan bago nila narating ang sentro ng pagawaan kung saan binibilad ang mga cacao na nakuha. Maraming mga tauhan nandoon at kaniya-kaniya ang mga ito sa ginagawa. Pero nung makita siya, lalo na ang kaniyang asawa kaagad na nagsitigil ang mga ito sa ginagawa. Lumapit ito sa kanilang gawi at nagbigay galang."Magandang araw Seniorito Audric, Ma'm Ffion."Naasiwa naman siya sa paraan ng pagtawag ng mga tauhan sa kaniya ng Ma'm Ffion. Hindi siya sanay sa gano'n tawag. "M-magandang a
"I'm... I'm sorry, Ffion.""No-no. Hindi mo kasalanan iyon, Audric. S-saka nagbago na rin sila. Okay na kami nila Lorenzo at Rhinz. T-totoo nga niyan, mabait na sila sa 'kin and in good terms na. Lalo na at wala na 'ko sa poder nila at wala na rin si M-mommy..." Pumiyok ang kaniyang boses. Nagbawi siya ng tingin. Hindi niya mapigilan mapaluha."Hey Ffion, wife, look at me."Napatingin naman kay Adi. Nagulat siya nang ibuka nito ang kamay sa kaniya. Inanyayahan siyang yumakap dito pero nagdalawang isip siya."Come, let me hug you."Napaiyak siya lalo. Ang planong huwag ng iiyak at isipin ang sinapit ng Ina ay naging malabo sa kaniya. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya at mabilis na yumakap sa lalaki.Habang si Audric ay parang sinasakal ang puso sa naririnig na hikbi ng babaeng yakap nito ngayon...MATIIM NA pinagmasdan ng isang lalaki ang larawan ni Ffion. Napangiti ito at pinunit iyon hangang sa magkapira-piraso. Kaagad nitong tinawag ang dalawang tauhan."Nasaan si Ffion?"
Naiinis na pinagmasdan ni Ivony ang pregnancy test na hawak. Tatlong buwan na ang nagdaan at hindi na siya dinadatnan! Kaya naging alerto siya at kinabahan. Gustuhin niyang bumisita sa Obgyne, o kahit sinong Doctor pero natatakot siyang ipagkalat ang kaniyang mukha. Mabenta siya sa madla at sa mga paparazzi na panay sunod sa kaniya kahit saan siya magpunta. "Do I really need to do this? This is bullshit!" Napairap siya sa hangin. Naging pahirapan pa ang pagbili niya nitong pregnancy test. Kinailangan pa niyang mag-disguise at bumili sa hindi kilalang mga pharmacists.Supposedly, nung nakaraan buwan niya pa ito gawin pero sobrang busy niya. Nasa Paris siya for two damn months. Busy sa kaniyang career. She love spotlights! Ayaw niyang may umagaw sa kaniyang pwesto. She's an international model and at dating sumasali sa nga pageant. Marami siyang mga projects at halos mukha niya ang nasa media. She's a walking diamond to be exact. Binaba niya ang undies at umihi sa isang plastic cup. K