Share

Chapter 28

-

MARAHANG hinaplos ni Audric ang buhok ng asawang si Ffion. Nakatulog na ito sa silid nilang mag-asawa. Nagpaalam na rin ang kaniyang kapatid at kaibigang si Lucas. Hindi niya na pinigilan ang mga ito dahil ligtas naman bumyahe kahit gabi.

Kahit hindi niya nakikita ang mukha ni Ffion sa mga sandaling ito, alam niyang binabalot ng sakit at lungkot ang puso nito ngayon. Alam niya kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng taong mahalaga sa buhay.

Nasa tabi siya ng asawa. Nakayakap ito sa kaniya at nakaunan sa kaniyang braso. Ang tanging nararamdaman lamang ni Audric ay ang init na nagpapatunay na katabi niya ang babae. Dalawang gabi lang ito nawala pero parang may parte ng kaniyang puso ang nawala.

Marahan siyang napabuga ng hangin at napailing. Galit siya sa mundo pero hindi niya nararamdaman ang galit niya para kay Ffion. Her sweet innocent Ffion. Kanina lang niya nalaman nung tumawag ang kaniyang kapatid na si Amazi, na pumanaw na ang Ina nito at pauwi ang mga ito sa San Mateo.

Awa ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status