Share

Chapter 30

SIYA ang nagmaneho sa wrangler jeep. May kalayuan ang pinakasentro ng planta at kahit papaano, gamay ni Ffion ang daan papunta roon.

Sa tabing daan, kumakaway sa kanila ang nga nadadaanan nila. Tanging tango at ngiti lang ang kaniyang tugon. Mababait ang mga taong nasa Villa at halos mga nakatira roon ay sa pamilya Villanueva nagtatrabaho.

Swerte lang talaga ng pamilya ni Audric dahil mababait at mapapagkatiwalaan ang mga tauhan nito na nagtatrabaho sa planta.

Dalawampung minuto siyang nagmaneho sa sementong daan bago nila narating ang sentro ng pagawaan kung saan binibilad ang mga cacao na nakuha. Maraming mga tauhan nandoon at kaniya-kaniya ang mga ito sa ginagawa. Pero nung makita siya, lalo na ang kaniyang asawa kaagad na nagsitigil ang mga ito sa ginagawa. Lumapit ito sa kanilang gawi at nagbigay galang.

"Magandang araw Seniorito Audric, Ma'm Ffion."

Naasiwa naman siya sa paraan ng pagtawag ng mga tauhan sa kaniya ng Ma'm Ffion. Hindi siya sanay sa gano'n tawag.

"M-magandang a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status