Share

CHAPTER 46 (CONFUSED?)

“’Y O U . . . don’t go around wearing this’... ano nga tawag dito, ‘te?,” tanong ni Aira habang ginagaya nito ang linyahan niya sa harap nina Atheena kanina.

“Brooch,” simple niya namang sagot habang patuloy na nililigpit ang mga pinamili nila.

“’Ayun, ‘You don’t go around wearing this brooch and getting into lowly cat fights, Atheena. I worked so hard to earn the reputation of Queens. I cannot let a mere social climber ruin it’, ta’s pang!” pang-gagaya ulit nito sa kanya pati kung paano niya hinablot ang brooch kay Atheena kanina.

“Iba talaga ‘yong linyahan mo d’on kanina ‘te Jade e! Para akong nanonood ng pelikula. Gan’on pala mag-away ang mga sosyal. Kahit minumura ka na ang sarap pa rin sa tenga,” natatawa pa nitong komento.

Isang simple at pilit na ngiti lang ang isinagot niya.

Mukhang napansin naman ng dalagita ang pananahimik niya.

“Ay, ba’t parang sad ka pa din Ate? Ang galing-galing mo nga d’on kanina e. Bilib na bilib kaya kami nina Kuya Macoy sa’yo kanina!” wika pa ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status