Lahat ay hanggang pangarap na lang muna. Libre namang mangarap. Wala namang masama and besides, Sandra is still by her side. And he smiled. Nilapitan ni Milo si Monarch habang ngkukuwentuhan sina Sandra at Olivia kasama ng ilan nitong kaibigan na kakilala rin ng babae. Iniabot ni Milo ang baso ng alak. “We are in trouble.” Sinabi nilang ilihim muna ang lahat kay Sandra dahil tiyak na siya ang unang magagalit sa mga nalaman niya ang buong katotohanan. Lihim na nakipagtulungan si Milo dahil madadamay siya sa kasong kidnapping na isinampa ni Sandra laban sa kapatid. Hindi nagpahalata si Olivia. Ngumiti lang siya kay Sandra. Kahit mababa ang sintensiya sa mga kasabwat, damay pa rin siya. Hindi muna niya kinumpronta si Olivia. Matagal na niyang alam na nagkikita ang dalawa doon ngunit wala siyang alam sa ginawa nila kay Sandra. Hindi niya naisip na may masamang plano ang dalawa sa babae. Sinabi ni Milo kay Monarch na type ni Olivia si Sandra ngunit kaibigan lang ang turing nito sa kanya
Mahimbing na nakatulog si Sandra sa sobrang pagod. Hindi siya magawang gisingin ng lalaki. “Mas makakabuti po siguro na maipasailalim sa isang witness-protection program si Gibo.” “Ha, bakit?” Pinuntahan ni Monarch si Rico at sinabi nito ang posibleng sitwasyon. “Hindi iyan magagawa ni Chandler sa kanyang kapatid. Saksi tayo sa hindi nila pagkakaunawaan pero ang pumatay ay hindi ko kayang tanggapin.” Hindi makapaniwala si Monarch sa naging tugon ni Rico. Ipagtatanggol nito si Chandler. Tiyak na magagalit si Sandra kapag narinig ito sa ama. “Kung nakaligtas si Gibo ngayon, maaaring bukas o sa isang araw ay hindi. Ang taong may balak na masama ay makakagawa ng paraan upang patahimikin ang mga taong magbubunyag ng totoo sa lahat.” babala ni Monarch. Nagalit na si Rico kay Monarch. “Hindi ito ang inaasahan ko s aiyo, Monarch. Itikom mo ang bibig mo. Ayokong makakarinig pa ng isang salita sa iyo laban sa aking anak.” “But I will protect Sandra at all cost. Kahit buhay ko pa ang kapal
After three years, bumalik sina Montague at Chandler sa Pilipinas but something is wrong in their relationship. Hindi pa lang sila nagsisimula sa Amerika ng bagong buhay ay nagkaroon na kaagad sila ng problema. Ibinagsak ni Montague ang kanyang gamit sa kama. Hinarap niya kaagad ang asawa. Umuusok ang ilong nito sa galit. “Ilang beses ba akong nakatanggap ng mga sex scandal mo, Chandler? What are these? IPALIWANAG MO SA AKIN ITO!” “WALA AKONG DAPAT IPALIWANAG! Hindi ko alam kung sino ang nagpapadala niyan sa iyo. Wala akong sex scandal na ganyan. Those are all fabricated!” “Ah, talaga! Damn it. Siguraduhin mo lang na fabricated lang ang mga ito, Chandler. SIGURADUHIN MO LANG! HINDI AKO MANGINGIMING PALAYASIN KA SA MANSION KAPAG NAPATUNAYAN KONG TOTOO ANG LAHAT NG ITO!” “Isasama ko si Monty! Hindi mo na kami makikita.” “HINDI MO ISASAMA ANG ANAK KO, CHANDLER. IKAW LANG ANG AALIS SA BAHAY NA ITO AT HINDING-HINDI KA NA MAKAKATAPAK PA SA BAHAY NA ITO, TANDAAN MO IYAN!” Idinuro siya n
Gumawa ng paraan si Chandler na makaalis ng bahay upang makipagkita kay Olivia. Kailangan na rin niyang komprontahin ang babae. Sa loob ng tatlong taon ay ngayon lang sila muling magkakaharap. Iniwan niya ang bata sa yaya tulad ng madalas nitong gawin sa America. Mas madalas ay yaya ang nag-aalaga rito. Kapag nasa bahay si Montague ay doon lang niya hinahawakan at inaalagaan si Monty. “Kapag tinanong ni Sir Montague mo kung saan ako pumunta, tell him na dadalawin ko lang si Mama,” pagsisinungaling pa nito. Taas-noong sabi ng babae habang kausap ang kasambahay na hindi naman tumingin sa kanya bagkus ay nakayuko sa takot. “Yes, Ma’am.” Nagmadaling lumakad si Chandler patungong garahe. “Siguraduhin ninyong ligtas si Monty. Ayokong masasaktan siya pagbalik ko dahil kayo ang masasaktan sa akin, naiintindihan mo ba? Huwag kayong tatanga-tanga ha!” sigaw pa nito. Hindi malaman ng kasambahay kung paano sasagot sa babae. Nakahinga ito ng maluwag mg umalis ang sasakyan. “Simula na naman n
First time nilang makitang mainit ang ulo ng dalawa. Mas madalas ay nakikita nilang sweet ang mga ito. Alam ni Monarch na hindi iyon ang tamang panahon para gawin ang kanyang plano.Nakausap na niya ang isang French Restaurant to be the exact place of dropping the bomb to her. He was trying to look for a nice set-up. Pati nga ang kanyang ina ay hiningian na niya ng tulong. Hayaan na lang daw sa kanya ang detalye at siya na ang bahala.“Let her go, Monarch kung ayaw pa rin niyang magpakasal kayo. Ofcourse, I greatly disapprove your living together without the grace of marriage. We are not so modern people. I still believe in the Sacrament of marriage. Mahalaga pa rin sa babae ang kasal.”“I just can’t, Mama. I love her so much!”“But if you truly love her, you will let her go even if it hurts.”Parang batang nagdabog ang babae pagpasok niya sa elevator. Sumunod lang si Monarch. Alam naman ng operator kung anong floor sila lalabas. Napapatingin na lang ang operator sa kanila sa nakakabi
Oras na upang magbayad sa kanilang pagkakautang bago sila singilin ng mahal ng karma. Matagal ding hindi pinatahimik si Montague ng kanyang konsensiya. Sa pagdaan ng mga araw, lalo siyang nalulunod sa sarili niyang kalungkutan.“Daddy…” dinig ni Montague ang boses ng kanyang anak. Niyakap niya ang bata ng mahigpit. Naalimpungatan yata ito at lumabas ng kuwarto. He loved the boy so much.“Should be sleeping early, Monty?”“Where is mommy?”Gabing-gabi na ngunit wala pa si Chandler. Nasanay naman ang bata na sila lang dalawa ngunit hinahanap pa rin niya ito.Walang nagawa ang lalaki kundi tumayo at siya mismo ang nagpatulog sa bata.“Sleep tight!”“I love you, Daddy.” Hindi siya nahihiyang magsabi ng I love you bago matulog.Dahan-dahang lumabas si Montague at itinuloy ang kanyang pag-inom. Walang bakas ng pag-aalala sa mukha ni Chandler ng dumating ito sa mansion.“Saan ka galing? Hindi mo ba alam kung anong oras na?”“Don’t start the fight, Montague. Hanggang sa Pilipinas ba naman, ma
Inabutan ni Monarch si Sandra na naglalakad patungo ng elevator. Lahat ng mga staff ay nagkatinginan na naman. Mas happy silang makitang magkasundo sina Sandra at Monarch. Pati ang elevator operator ay nakangiti ng pumasok silang dalawa, naghaharutan at nagtatawanan sa loob.“Mas maganda po kapag palagi kayong masaya.”Napangiti na lang silang pareho paglabas ng elevator.Naupo sina Monarch at Sandra sa kanilang sopa. Pinaharap nila ito sa malaking salamin tanaw ang buong lugar sa kanilang condo unit. Naka-back hug ang lalaki kay Sandra.“Sandra, may family dinner kina Montague. Pupunta rin si Mama. Would you mind coming with me?”“Oo naman.” Masayang tugon nito sa lalaki. “Monarch sinabi ko na pala kay Papa na umoo na akong magpakasal sa iyo. They are happy about it. Hindi muna daw sila uuwi hanggang hindi tayo nakakapagpakasal. Saan mo ba ako balak pakasalan?”“Sa St. Gabriel Church sa Barangay San Isidro.”“Uhm, okay!”“Then ang reception natin, sa Tagaytay Highlands and Country Cl
“Ihahatid na kita sa Club Rama then I’ll fetch you.”“Alright!”“Bakuran mong mabuti si Sandra, Monarch. Kaiingat ka sa kapatid mo. Matinik ‘yan sa kahit na sinong babaeng matipuhan niya.” babala ni Bulldog ng malaman nitong dumating na ang kapatid.Sa kabila nagpaaalala ng lalaki ay tiwala siya na hindi rin hahayaan ni Sandra na malagay siya sa alanganin. Si Sandra ang mismong nagtungo sa opisina ni Monarch ng kailangan na nitong umalis.“Honey, ihatid mo na ako. Baka naghihintay na si Olivia.” Pangungulit ng babae.Ibinaba ni Monarch ang kanyang salamin at binigyan ng mabilis ng dampi ng labi sa pisngi ng babae.Matapos niyang i-shutdown ang computer ay halos hilahin siya ni Sandra sa baba. Nananadya ang lalaki na bagalan ang kilos kaya naiinis ang babae sa kanya.“I’ll send you a message if everything is okay ha! Don’t be late to fetch me.”“Be careful.”“Yeah! I’ll miss you!” saglit lang silang maghihiwalay ni Monarch ngunit nami-miss niya kaagad ang binata.Nadatnan niyang namumu