“Oh, Lyana? Hindi mo pa ba susunduin si Ma’am Chantal? Lalabas na ‘yon sa school niya mayamaya.” Napatigil ako sa pagtingin ng mga litratong nakahanay sa cabinet ng mga amo ko nang marinig ko ang boses ni Manang Lerma. Tumingin ako sa gawi niya at sakto namang naglalakad na pala siya palapit sa akin. Ngumiti ako sa kaniya. “Mayamaya pa ho, Manang. Saka susunduin ko muna si Jarvis sa school niya bago ako dumaan sa school ni Ma’am Chantal. Sabi kasi sa akin ni Ma’am Chantal ay maglalaro pa sila ng mga kaibigan niya kaya medyo late ko siyang sunduin,” sagot ko. Marahang napailing si Manang Lerma kaya’t bahagyang kumunot ang aking noo. “Nako, Lyana. Kapag nalaman ni Sir Preston na hinahayaan mong maglaro si Ma’am Chantal, ikaw naman ang malalagot doon. Hindi ‘yon pwedeng maglaro sa labas,” naiiling na sambit niya. Agad namang nagsalubong aking aking mga kilay matapos marinig ang sinabi niya. Wala sa sarili akong nag-iwas ng tingin at napaisip. Bakit naman hindi niya papayagang maglaro
“Bakit hindi pa ikaw nakain, Chanty? Hindi ba ikaw gutom?” Ibinaling ko ang aking paningin kay Ma’am Chantal nang marinig ang tanong sa kaniya ni Jarvis. Naka-krus ang kaniyang dalawang braso habang nakasimangot na nakatingin sa pagkain. “’Di ba I told you that I don’t want to eat here?” Nag-angat siya ng tingin sa akin at masama akong tiningnan. “Then what is this? You should have just follow me so I won’t get mad.” Bahagyang umawang ang aking mga labi dahil sa kung gaano siya ka-fluent sa pagsasalita ng Ingles. Kahit yata ilang taon akong mag-aral, hindi ako makakapagsalita nang ganoon samantalang siya, para bang sa ibang bansa tumira. Nang tingnan ko si Jarvis ay tulad ko ay nakaawang din ang kaniyang mga labi na animo’y manghang-mangha sa narinig. Peke akong umubo bago pilit na ngumiti kay Ma’am Chantal. “Kasi Ma’am, may ulam naman po rito sa bahay saka nakakahiyang humingi sa Daddy mo—“ “Ayoko nga sabi rito!” Malakas na sigaw niya at nagpapadyak. Dahil malapit siya sa mesa a
“’Nak, bakit ka naman kasi pumayag na magpagupit kay Ma’am Chantal? Tingnan mo tuloy ang nangyari riyan sa buhok mo, oh.” Malakas akong bumuntong hininga at napasimangot habang inaayos ang hindi pantay-pantay at magulong buhok ni Jarvis. “Nasira tuloy ‘yang buhok mo.” Gusto ko mang magalit kay Ma’am Chantal dahil pinakialaman niya ang buhok ni Jarvis, hindi ko naman magawa dahil kitang-kita sa kaniyang repleksyon sa salamin malapad niyang ngiti na animo’y nagustuhan pa ang ginawa sa kaniya ng kalaro. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago siya iniharap sa akin. “’Nak, ‘di ba sabi mo kay Mama, huwag kong papaputulan ‘yang buhok mo kasi gusto mo ng mahaba? Hindi pa kita pinapagupitan mula nang ipanganak kita tapos…” Nangilid ang luha ko habang hinahaplos ang kaniyang buhok. Ang tagal-tagal ko siyang kinumbinsi para magpagupit pero sabi niya ay ayaw niya kaya hindi ko na siya pinilit tapos ngayon, ni hindi ko man lamang nakita ang paggupit ng
“Mama, pogi pa rin po ba ako?” paiyak nang tanong ni Jarvis habang ginugupitan siya ng barber. Sinubukan kong huwag tumawa ngunit nang makita ko ang paiyak na niyang mukha, hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Sinamaan niya ako ng tingin mula sa salamin ngunit nagkibit-balikat lamang ako sa kaniya at hindi na sumagot. Tumingin ako kay Ma’am Chantal na nakaupo sa tabi ko ngunit abala ang mga mata sa pagtingin-tingin sa paligid na animo’y ito ang unang beses niyang makalabas sa tunay na mundo. “Bagay naman kay Jarvis, ‘di ba, Ma’am Chantal?” tanong ko. Humarap siya sa akin nang marinig ang tanong ko. Sunod niya namang ibinaling ang kaniyang mga mata kay Jarvis at marahang tumango bilang sagot. “Hindi ka ba mad kasi I cut his hair?” “Ha?” takang tanong ko sa kaniya pabalik. Hindi siya sumagot at sa halip ay nakasimangot lamang akong tiningnan na animo’y hinihintay ang sagot ko sa tanong niya. Malakas akong bumuntong hininga a
“Nako, Lyana, pinapatawag ka na naman ni Sir Preston sa opisina niya. Ano na naman bang ginawa mo?” Agad na nawala ang ngiti ko at napalitan ng pagsimangot nang marinig ang sinabi ni Manang Lerma. Ibinigay ko kay Ma’am Chantal ang manika niya bago ako tumayo mula sa aking kinauupuan. “Ngayon na raw po ba, Manang?” tanong ko pabalik. Tumango si Manang Lerma at mukhang nag-aalala akong tiningnan. Napalabi naman ako at nagkibit-balikat na lamang sa kaniya. Humarap ako kina Ma’am Chantal at kay Jarvis na abala sa paglalaro ng manika. “Pupunta lang ako sa opisina ni Sir. Babalik din ako kaagad tapos pagbalik ko, saka na ulit tayo maglaro. Magpahinga muna kayo, mukhang napagod din naman kayo sa paglalaro niyo sa playground.” “Yaya Lyana?” “Hmm?” Mahinahong tanong ko kay Ma’am Chantal habang itinatabi ang ilang manika na nakakalat sa daraanan. “My Daddy will scold you again, right?” Humarap ako sa kaniya at pilit na ngumiti. Gusto ko mang sabihin na oo, nagsinungaling pa rin ako at ma
“Sinasabi ko na nga ba!” Agad akong ngumiwi matapos marinig ang malakas na boses ni Manang Lerma. Sinenyasan ko siyang tumahimik dahil baka magising pa ang ibang mga tao sa bahay. Pasado ala-una na ng madaling araw kaya naman kanina ko pa napatulog sina Jarvis at si Ma’am Chantal. Tutulog na rin sana ako para naman makapagpahinga ako ngunit tila ayaw namang magpahinga ng utak ko. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at sumimangot. “Manang Lerma, hindi naman kasi ganoon iyon. Iba naman ‘yong sinasabi niyo sa tinutukoy ko,” reklamo ko. “Anong magkaiba? Aba, sabi mo kaya sa akin ay niyayaya kang makipag-date! Naku! Sa panahon namin, kapag may nag-aaya sa aming mag-date, ay aba’y ipinagpapaalam pa kami sa tatay namin kahit na kami’y matatanda na. Oh ‘di ba? Buti nga ngayon ay hindi na iyon ginagawa dahil nako, pahirapan pa namang papayagin ang mga magulang lalo pa’t babae ang anak.” Umiling ako bilang tanda ng hindi pagsang-ayon sa sinabi niya. “Manang, hindi naman ho kasi date n
Naging normal ang mga sumunod na araw matapos naming mag-usap ni Sir Preston tungkol sa ‘asawa’ niya. Hindi na niya ako kinulit pa tungkol doon at parang normal lamang ang lahat dahil sinesermonan niya pa rin ako. Iyon naman ang normal sa akin—ang panenermon niya. “Ang galing naman, Ma’am Chantal! Saulo mo na lahat?” Pumalakpak ako habang nakatingin kay Ma’am Chantal matapos niyang kumpletong bigkasin ang speech na ipinapasaulo ng ama. Tumango si Ma’am Chantal at tipid na ngumiti sa akin. “Easy lang naman… po,” mahinang sagot niya. Tumaas ang gilid ng labi ko matapos marinig ang sinabi niya. Nakahinga ako nang maluwag dahil kahit papaano ay naiimpluwensiyahan din anman pala ni Jarvis si Ma’am Chantal. Parang kailan lang nang punahin ni Jarvis ang hindi paggamit ng po ni Ma’am Chantal sa matatanda tapos ngayon, heto at unti-unti na siyang nasasanay. Lumingon ako kay Jarvis na ngayon ay abala sa pangangalikot ng school bag ni Ma’am Chantal. “Jarvis ‘nak, gayahin mo nga ‘yong speech
Pagdating ng Linggo, maingay na ang mansion ng mga Tejada lalo na noong sumapit na ang gabi. Mula sa balkonahe ng kuwarto namin ni Jarvis ay tanaw na tanaw na ang mag nagpapasukang bisita sa loob ng mansion kaya naman hindi ko mapigilang mas lalong kabahan. “Mama, paayos po.” Bumalik lamang ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Jarvis. Hindi na ako tumingin pa sa labas at sa halip ay ibinaling na lamang ang aking atensiyon kay Jarvis na ngayon ay nagsusuot na ng neck tie. Pinadala iyon ni Sir Preston kagabi sa kuwarto namin dahil iyon daw ang isusuot ni Jarvis ngayon. Nakakagulat nga dahil tamang-tama ang sukat ng damit kay Jarvis. Inayos ko ang suot na neck tie ni Jarvis. “Kinakabahan ka, ‘nak?” tanong ko sa kaniya. “Bakit po, Mama? Dapat po ba kabahan ako?” tanong niya pabalik sa akin. “’Di ba po ‘di anman po ako magsspeech tulad ni Chanty?” Mahina akong tumawa at marahang tumango. Sabagay. Hindi nga pala takot si Jarvis sa pakikisalamuha sa ibang tao. Ang ikinakatakot niy