Share

Chapter Seventeen

“’Nak, sa susunod, huwag mo nang uulitin ‘yon, ha? Dapat sabihin mo nalang sa akin para ako na ang gagawa. Hindi ’yong padalos-dalos ka palagi sa mga ginagawa mo. Ayan tuloy…”

“Mama?” Ibinaling ko ang aking atensiyon kay Jarvis nang tawagin niya ako. Nag-angat siya ng tingin sa akin habang nakasimangot. “Wala ka na po bang work dahil sa akin?”

Ilang beses akong napakurap dahil sa tanong niya ngunit kalaunan ay saka malakas na bumuntong hininga. Tipid akong ngumiti sa kaniya at dahan-dahang umiling. Tila nakahinga naman siya nang maluwag nang marinig ang sinabi ko at agad na umaliwalas ang mukha.

“May trabaho pa rin si Mama, Jarvis. Pero kapag nagalit ulit sa atin si Sir Preston, baka mawalan na talaga ako ng trabaho. Kaya huwag makulit, ha? Dapat huwag makulit para hindi na siya magalit sa atin at hindi ako mawalan ng trabaho, okay?”

Tumango si Jarvis at yumakap sa aking hita dahil hanggang doon lamang ang laki niya. “’Di na po ako kulit, Mama, promise. ‘Di na po ako makikisali sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marissa Lopez
bkit po iba tong kwento yong kwento ni Mia Rivamonte dpat.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status