Share

Chapter Sixteen

Dali-dali akong tumakbo palapit sa kanila at hinila palayo sa Jarvis. Itinago ko siya sa likod ko bago ako humarap sa amo ko. “S-Sir, pasensiya na po. Kakapasok lang namin saka—“

“This is a family matter, Miss Dela Merced.” Tila natulos ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang boses niya at ang paraan ng pagtawag niya sa akin. “And you should teach your son some manners, too. He shouldn’t interfere to other people’s conversation like that. “

Kinagat ko ang aking ibabang labi bago nahihiyang yumuko. “Pasensiya na po ulit, Sir. H-Hindi na po mauulit. Pangako po ‘yan.”

“You may leave—“

“Mama, bakit ka nagsosorry?”

Ipinikit ko ang aking mga mata upang kahit papaano ay pakalmahin ang aking sarili nang marinig ko ang tanong ni Jarvis. Alam kong pabulong iyon at mahina ngunit sapat pa rin para marinig nina Ma’am Chantal at Sir Preston.

“Jarvis,” suway ko sa kaniya nang lumingon ako sa gawi niya.

Inosente niya akong tiningnan. “E-Eh kasi Mama, ‘di ba dapat ‘yong nang-aaway ang nagsos
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status