Share

Chapter Fifteen

“Dito ang kuwarto niyong dalawa. May kasama ka kasing bata kaya hindi na tayo kasya sa maid’s quarter kaya sinuhestiyon ko kay Sir na rito na lamang kayo dahil wala namang tumutuloy sa kuwartong ‘to.”

Marahan akong tumango bilang sagot kay Manang Lerma habang iniikot ang paningin ko sa silid kung saan kami matutulog ni Jarvis. Agad namang binitiwan ni Jarvis ang aking kamay at nagtatakbo patungo sa kama. Ibinagsak niya ang katawan doon kaya’t nanlaki ang aking mga mata sa gulat at pag-aalala na baka nasaktan siya ngunit laking pasasalamat ko nang magpakawala siya ng mahinang tawa habang nakahiga.

“Mama… lambot…” tumatawang sambit niya.

Hindi ko naman mapigilang mapangiti matapos marinig ang sinabi niya. Maliit kasi at medyo matigas ang kamang hinihigaan namin sa bahay noon kaya marahil ay excited na excited si Jarvis dahil sa wakas ay kahit papaano, maluwang at malambot na ang kamang hihigaan namin gabi-gabi.

Sumulyap ako kay Manang Lerma na ngayon ay tipid na nakangiti habang pin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status