Share

Chapter Twenty Five

Naging normal ang mga sumunod na araw matapos naming mag-usap ni Sir Preston tungkol sa ‘asawa’ niya. Hindi na niya ako kinulit pa tungkol doon at parang normal lamang ang lahat dahil sinesermonan niya pa rin ako.

Iyon naman ang normal sa akin—ang panenermon niya.

“Ang galing naman, Ma’am Chantal! Saulo mo na lahat?” Pumalakpak ako habang nakatingin kay Ma’am Chantal matapos niyang kumpletong bigkasin ang speech na ipinapasaulo ng ama.

Tumango si Ma’am Chantal at tipid na ngumiti sa akin. “Easy lang naman… po,” mahinang sagot niya.

Tumaas ang gilid ng labi ko matapos marinig ang sinabi niya. Nakahinga ako nang maluwag dahil kahit papaano ay naiimpluwensiyahan din anman pala ni Jarvis si Ma’am Chantal. Parang kailan lang nang punahin ni Jarvis ang hindi paggamit ng po ni Ma’am Chantal sa matatanda tapos ngayon, heto at unti-unti na siyang nasasanay.

Lumingon ako kay Jarvis na ngayon ay abala sa pangangalikot ng school bag ni Ma’am Chantal. “Jarvis ‘nak, gayahin mo nga ‘yong speech
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status