Share

Chapter Thirty One

Hindi na nakapagspeech pa si Chantal. Sumunod sa amin si Sir Preston matapos kong buhatin si Chantal at dalhin sa loob ng bahay. Alam kong nag-aalala siya sa anak pero wala siyang kahit na anong sinabi at nakatingin lamang sa amin.

Hindi nagtagal si Sir Preston sa kuwarto ni Chantal at agad ding lumabas, marahil ay para kausapin ang mga bisita at humingi ng paumanhin dahil sa ginawa ko.

Malakas akong bumuntong hininga. Alam ko naman na mali ang ginawa ko dahil dinaan ko ang lahat sa dahas sa halip na kausapin na lamang nang mahinahon ang matapobreng babaeng iyon. Pero kahit na alam kong mali ang ginawa ko, hindi ako nagsisisi na ginawa ko iyon.

Dapat lang sa kaniya iyon dahil sa ginawa niya kina Chantal at kay Jarvis kaya’t hahayaan ko siyang mabulok doon sa bodega. Bahala siya sa buhay niya. Sigurado akong walang spare key sa bodegang iyon at tanging ang hawak kong susi ang kaisa-isahang susi na makakapagbukas doon. Alam kong walang spare key dahil muntik nang maiwala ng hardinero
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status