Share

Chapter Twenty Nine

Hindi ako kaagad nakapag-react sa sinabi ni Sir Preston dahil naka-focus ako sa ekspresyon niya sa mukha. Alam ko na naman noon pa na hindi talaga siya ‘mabait’ at minsan ay nakakatakot lalo pa kapag wala siya sa mood o kaya naman ay kapag may problema siya.

Pero ngayon, masasabi kong mas matindi ang galit niya dahil sa panlilisik ng mga mata niyang nakatingin sa estrangherong lalaki na hindi ko na natandaan pa ang pangalan dahil hindi naman ako nag-abala pang tandaan.

Mahinang tumawa ang lalaki at itinaas ang kaniyang dalawang kamay na animo’y sumusuko kay Sir Preston ngunit hindi pa rin naaalis ang mapaglarong ngisi sa kaniyang labi. “Chill. Ano ka ba naman, masyadong mainit ang ulo mo,” tila nang-aasar pang sabi niya kay Sir Preston.

“Talagang iinit ang ulo ko kapag nakikita ko ‘yang pagmumukha mo.”

Natahimik ako at hindi na nagtangka pang awatin sila dahil mukha namang kaya na ni Sir Preston ang sarili niya. Hindi rin naman ako tanga para hindi mapansin na ginagamit lamang ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status