Share

KABANATA 002

I slowly regain consciousness. My eyelids fluttering open to the sterile, white surroundings of the room. Hindi pamilyar sakin ang kwartong ito. Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam na naman ako ng kaunting pagkahilo.

Anong nangyari? Nasaan ako?

As my gaze shifted around the room, the door suddenly swung open, revealing a doctor clad in a white coat. “You’re finally awake, Eris. How are you feeling?” tanong sakin ng doctor atsaka chineck ang vital signs ko.

Paunti-unting rumehistro sa utak ko ang nangyari kung bakit ako nandirito ngayon sa hospital kasabay no’n ang paunti-unti ding pagtulo ng mga luha ko. Kahit na nasasaktan ako sa pagtrato ni Blaze sakin, hindi ko pa din maiwasan na mag-alala sa kanya lalo na at niloloko siya ng babaeng tingin niya ay mahal siya.

“Yesterday, your helper, Manang Loring rushed you to the hospital after you suffered significant blood loss.” Nag-aalalang sambit ng doctor.

Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa dibdib pagkarinig na si Manang Loring ang nagdala sakin sa Hospital. I was expecting na si Blaze ang magdadala sakin dito.

“Despite the blood loss, your baby is still alive. We need to closely monitor your condition and might need to consider a blood transfusion to stabilize your condition and provide adequate oxygen to the baby.” Halos hindi ako makapagsalita sa paliwanag ng doctor.

Anong baby ang pinagsasabi niya? Sinasabi niya bang buntis ako?

“N-Nagkakamali po yata kayo. Hindi po ako buntis.” Sagot ko.

I have a polycystic ovary syndrome, dahilan para hindi kami magkaanak ni Blaze. Masyadong malabong mangyari ang sinasabi ng doctor sakin.

Nginitian ako ng doctor bago muling magsalita. “I have conducted some tests, and based on the results, I can confirm that you are currently in your first trimester of pregnancy.”

Gulong gulo ang utak ko. Gusto kong paniwalaan ang sinasabi sakin ng doctor, kaso may parte sa utak ko na baka nagkakamali na naman sila.

Sa loob ng apat na taon magmula noong ikasal ako kay Blaze, dalawang beses akong umasa na baka buntis ako pagkatapos kong makaranas ng sintomas ng pagiging buntis, but in the end, hindi naman pala totoo.

“Maiwan na muna kita. Just press this button if you need something else.” Turo niya sakin sa maliit na button na naka-attached sa bed frame. May kaunti pa siyang ipinaliwanag patungkol sa button na ‘yon bago ako iniwan.

***

Kinaumagahan napagpasyahan kong umuwi pagkatapos ng ilang test kahapon at kinumpirma ng doctor na maayos na din naman ang kalagayan ko at ng baby. Natapos na lang ang buong araw kahapon at ni isang anino ng pamilya ko ay hindi ko nakitang dumalaw sakin.

“You need to take good care of yourself. Tandaan mo, dalawang buhay na ang dinadala mo. Yung sa’yo, at sa baby mo, kaya dapat doble ingat ka na din sa lahat ng mga bagay na gagawin mo.” Paalala sakin ng doctor kaya nagpasalamat na din ako tsaka nagpaalam.

Napahawak ako sa aking tiyan saka napaisip. Will Blaze change his mind if ever I tell him na magkakaanak kami? Pero magkakaanak din sila ni Ivee. Hys, bahala na.

Napatingin ako sa wristwatch at nang makitang mag-aalas kwatro pa lang ng hapon, napagpasyahan kong dumiretso na lang sa opisina ng asawa ko para doon na lang din ibalita sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Sigurado akong hindi pa siya nakakauwi sa bahay dahil pasado alas syete madalas ang uwian niya.

“Magandang hapon po, Madam.” Binati ako ng security guard pagkapasok ko mismo sa main building ng Apex Enterprise.

“Good afternoon po,” pagbati ko pabalik sabay ngiti at dumiretso na sa loob.

Kilala ako ng mga security guard dito, not as the wife of their big boss, but his cousin instead. Funny right? I’ve been married to Blaze for four years, pero ni minsan hindi niya isinapubliko ang pagpapakasal niya sakin. Wala din naman akong choice dahil ‘yon ang kagustuhan niya, at siya ang masusunod.

Sumakay ako sa elevator at bumungad sakin ang iilang empleyado. Pinindot ko ang ikasampung palapag, kung nasaan ang opisina ng asawa ko.

“Narinig mo na ba ang balita? Ikakasal na daw si Sir Blaze,”

Halos magpintig ang dalawa kong tenga pagkarinig sa sinabi ng isang babae sa likuran ko.

“Edi totoo pala ang kumakalat na balita sa department namin? Gosh, akala ko fake news.” Sabat naman ng isa.

Naikuyom ko ang aking kamay at kinagat ang ibabang labi para pigilan ang luhang gustong kumawala. We are not divorced yet, but why is there rumors like this spreading?

“And who’s the lucky girl?”

“I’m not sure about the name but it sounds like Ailee,”

Naipikit ko ang mga mata ko, hinihiling na sana makarating na ako sa ikasampung palapag. Patuloy lang akong masasaktan sa tuwing maririnig ko ang pinag-uusapan nila.

How unlucky. I have no idea that my first marriage would hurt me this much. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang mahalin lamang ang asawa ko, pero bakit ganito ang natatanggap ko? Wala ba akong karapatang maging masaya bilang maybahay? I kept asking myself kung may nagawa ba akong mali sa past life ko to deserve this kind of treatment.

*ting*

Bumukas ang elevator pagkarating sa tenth floor. Pinahid ko ang maliliit na butil ng luha sa mga mata ko saka lumabas. Tinungo ko ang hallway papunta sa opisina ni Blaze. Napadaan ako sa opisina ng sekretarya niya at nahagilap ng mga mata ko si Eugene.

“Eris? What brings you here?” kaagad niyang tanong.

Siya lang ang kaisa-isang tao na malapit sa’min ni Blaze na alam ang tungkol sa kasal namin. He calls me by name dahil mas komportable ako sa ganun, at ilang taon na din kaming magkaibigan.

“I’m here to talk to Blaze. Nandito pa ba siya?” I asked him while giving the best smile that I could offer.

I don’t want him to worry about me.

“He’s still here. Alam ba niyang pupunta ka dito?”

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa opisina ni Blaze. “Nope. I just want to surprise him, hehe.” I fake laughed.

Tumigil siya at humarap sakin. “Tell me. Nag-away na naman ba kayo?”

Umiling ako bilang sagot.

Alam niya ang bawat ganap sa buhay namin ng asawa ko. Alam niya din ang tungkol sa kabit ni Blaze na si Ivee.

“Come, on! Sabihin mo na.” pagpupumilit pa niya.

Nginitian ko lang siya at tinapik sa balikat. “I gotta go.” Pagkatapos no’n ay iniwan ko na siya at dumiretso sa opisina ni Blaze.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto bago pumasok.

“Anong ginagawa mo dito?” his eyes narrowed and brows furrowed.

He’s not happy to see me here, that’s for sure.

Naglakad ako papunta sa sofa saka umupo. “I have something to tell you,” baling ko sa kanya.

May hindi kalayuan ang table niya sa sofa na inuupuan ko ngayon. “Can you spare me a moment?”

I can see the frustration in his face. Ayaw na ayaw niya talaga na makita ako. Punong puno ng galit ang mga mata niya na para bang may ginawa akong masama para pakatitigan niya ako ng ganyan.

How do I supposed to tell him about our baby if he keeps treating me this way?

Nakita kong tumayo siya at kinuha ang brown envelop sa mesa niya. Lumakad siya palapit sakin at pabagsak na pinatong sa center table ang sobre.

“Care to explain to me these?”

Feeling puzzled about the situation, I shifted my gaze towards the envelope that he had placed on the table. I couldn’t help but wonder what was inside the envelope.

“A-Anong gagawin ko diyan?” pagtataka ko.

“Open it!” pasigaw niyang utos dahilan para natataranta kong binuksan ang sobre.

Halos magsitayuan ang mga balahibo ko nang makita ang iilang mga litrato na nakapaloob sa envelope.

Totoo ba ‘to? Papanong nangyari ‘to?

“For four years? Ngayon mo pa talagang naisipang magloko? Ha, Eris?”

Nanginginig ang mga kamay kong binuklat ang bawat litrato. Unti-unting nag-flashback sakin ang kausap ni Eris sa phone noong isang araw. This was her plan all along to make Blaze mad at me even more.

“Hindi mo man lang hinintay na maka-file ako ng divorce para gawin ang bagay na ‘to. Paano na lang kung makita ni Dad ang mga ginawa mo? Malilintikan ako, Eris! Alam mo ba ‘yon?”

“No, Blaze! Please listen to me,” napatayo ako saka hinawakan ang kamay niya. I shook my head in disbelief as tears streaming down my face. “It was Ivee’s scheme. I was drugged that night and when I woke up—”

Hindi ko na nagawang tapusin ang paliwanag ko nang biglang dumapo ang mga palad ni Blaze sa aking mukha. “ENOUGH! I’VE HAD ENOUGH OF YOU, ERIS. I DON’T WANT TO HEAR YOUR EXCUSES AND THOSE PICTURES SPEAK FOR THEMSELVES!” itinuro niya ang mga nagkalat na litrato sa mesa habang diring-diri na may halong galit na pinakatitigan ako. “Itong tatandaan mo, you won’t receive any financial support from me after the divorce.,” he asserted firmly, his voice filled with determination. He looked directly into my eyes, emphasizing the seriousness of the situation. “Your family is at stake, so don’t hold me responsible if something unfortunate happens to your family’s business.” He warned, his tone unwavering.

Napahagulhol na lang ako sa kadahilanang hindi ko alam kung papano sasabihin sa kanya ang lahat kasi kahit anong gawin ko, ayaw na niyang maniwala sakin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status