Share

KABANATA 003

Umuwi ako sa bahay pagkatapos akong iwan ni Blaze sa opisina niya. I was expecting na uuwi siya dito, pero mukhang wala na siyang balak na magpakita pa sakin. Sino ba naman ang gugustuhing makita ang asawa niya pagkatapos malaman na nagtaksil ito?

I went to our room and started to pack my things. Gusto kong magpakalayo muna habang magulo pa ang utak ni Blaze. Kailangan niyang kumalma muna para pakinggan niya ako dahil alam kong labis na nakapagpagalit sa kanya ang mga litratong ipinakita niya sakin kanina. Saka ko na lang siya kakausapin kapag ayos na ang lahat. 

Abala ako sa pag-aayos ng mga gamit nang bigla na lamang akong makarinig ng ilang kalabog sa sala. “ERIS! NASAAN KA!?”

Napatayo ako nang marinig ko ang sigaw ni Mom. Kaagad kong tinungo ang sala at bumungad sakin ang aking ina, kasama ang kapatid kong si Gina. “A-Ano po ang ginagawa—”

Hindi pa ako nakapagsalita ng tapos nang bigla akong nilapitan ng kapatid ko at sinabunutan sa buhok. “HOW DARE YOU MESSED WITH YOUR HUSBAND? ALAM MO BA KUNG ANONG KLASENG KAT-NGAHAN ANG GINAWA MO?” galit na galit siya at iningudngod ang mukha ko sa center table dahilan para mapaupo ako. “DO YOU KNOW THAT THE COMPANY IS EXPERIENCING TROUBLE BECAUSE OF YOUR HUSBAND? YOU KNOW HOW INFLUENTIAL HE IS, PERO BAKIT MO NAGAWA ANG KALAND-ANG ‘YON?” napabitaw siya sakin at kinakapos ang hininga na napaupo sa sofa.

Alam na din pala nila ang nangyari sa’min. Maniniwala ba sila sakin kapag sinabi ko ang totoo? O magiging kagaya din kay Blaze na sarado ang isipan at tenga sa paliwanag ko?

“Ang b-bo mo talagang bata ka. Magpapaka-asawa lang naman sana ang gagawin mo, Eris. Mahirap bang gawin ‘yon?” puno ng pangungutyang sambit sa akin ni mama. “Wala kang kwentang anak. Napakasimple lang ng gagawin mo para matulungan kami ng ama mo, pero isa kang malaking palpak.”

Naikuyom ko ang mga kamao ko at dahan dahang tumayo. Napatingin ako sa kisame para pigilan ang mga luhang nagbabalak na kumawala. Ayokong makita nila ako na umiiyak.

“Sinubukan ko naman, ma—”

*PAK*

Napaawang ang bibig ko nang dumapo ang mabigat na kamay ni mama sa pisnge ko. “Magdadahilan ka pa? Ang sabihin mo, puro kaland-an lang ang inaatupag mo kaya hindi mo magampanan ang pagiging asawa mo!” dinuro-duro niya ako. “Dahil sa ginawa mo, nadadamay kami ng ama mo. Magmula ngayon, huwag na huwag ka ng magpapakita sa’min. Pinuputol ko na din ang ugnayan natin bilang mag-ina.” Tinalikuran niya ako pero kaagad ko siyang hinawakan sa braso.

“Teka lang, ma. Nagbibiro ka lang di’ba?” sinubukan kong magpakawala ng maliit na tawa kahit na namamanhid pa din ang pisnge kong nasampal niya.

“Why would I be kidding?” iwinaksi niya ang mga kamay ko. Muli siyang tumalikod at tuluyan na ngang lumabas sa bahay.

“Ampon ka lang, Eris. Alam mo naman ‘yon di’ba? Kaya hindi malabong tatanggalin ka na ni Mom sa family registry,” ngisi sakin ni Gina habang nakahalukipkip. “Finally, at natauhan na din si Mom. See you never, my dear ex-sister.” Panunukso niya at kumaripas ng alis.

Una, si Blaze. Pangalawa, yung pamilya ko. Sino pa ba ang sunod na tatalikod sakin?

Napaupo ako sa sofa at nag-uunahang kumawala ang luha kong kaninang pa gustong lumabas. Sunod-sunod na nagsi-agusan ito sa aking pisnge at hindi ko mapigilang magpakawala ng kaunting hikbi.

Kahit anong gawin ko, puro mali na lang ang nakikita nila sa akin. Ginawa ko naman lahat ng gusto nila, pero bakit pakiramdam ko hindi ako karapat-dapat na mapabilang sa pamilya nila? Ni minsan hindi ko naramdaman na tanggap nila ako. Magmula pagkabata, isang outsider ang turing nila sakin at hanggang ngayon.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iyak nang marinig ko ang pagtunog ng telepono dito sa bahay. Pinahid ko ang mga luha sa pisnge at sinubukang pakalmahin ang sarili bago nagtungo sa telepono at sinagot ito.

“H-Hello?”

Wala akong nakuhang sagot mula sa kabilang linya kaya muli akong nagsalita. “Hello?”

[Eris? Nasaan ka ngayon?] nabosesan ko kaagad si Eugene, sekretarya ni Blaze.

“Nandito sa bahay. Bakit?”

[Listen to me. Mag-impake ka na ngayon at umalis diyan,] his voice seemed he’s in trouble. [Magkita tayo sa NAIA bago ka pa nila maabutan.] dagdag pa niya.

Kumunot ang noo ko at hindi maintindihan ang pinagsasabi niya. Sinong “nila” ? At bakit ko siya kikitain sa airport?

[Eris? Nakikinig ka ba?]

Natigil ako sa pag-iisip at sinagot siya. “Bakit ako pupuntang airport? At pwede bang kumalma ka? Wala naman sigurong may humahabol sa’yo diba?”

[I heard from Blaze that his Dad will try to get rid of you. Alam na niya ang dahilan kung bakit makikipaghiwalay si Blaze sa’yo at alam mo naman kung paano magalit si Chairman,]

Saglit akong napahinto at hindi makapagsalita. Sinabi ba ni Blaze na nabuntis niya si Ivee kaya siya makikipaghiwalay sakin? And why would his Dad try to get rid of me? Wala naman akong kasalanan at desisyon ‘yon ni Blaze.

[He knew about the photo of you, sleeping with a random guy in a hotel.]

Nanginginig ang mga kamay kong pinatay ang tawag. Dali-dali akong dumiretso sa kwarto para kunin ang mga gamit ko. Kailangan kong makaalis dito nang hindi naabutan ng mga tauhan ni Mister Chairman. He’s the real definition of the word ‘devil’ and when says, he’ll do it for sure.

Kinuha ko ang maleta at hindi na nag-aksaya ng panahon at nag-book kaagad ng taxi na masasakyan. Mas matatagalan pa ako kung lalakarin ko lang palabas ng subdivision dahil medyo malayo ‘tong bahay namin sa main entrance.

Nasa labas na ako ng bahay nang makatanggap na naman ako ng tawag mula kay Eugene. Balak ko pa sanang sagutin ito nang bigla akong mawalan ng baterya at namatay ang phone ko.

Kung minamalas ka nga naman. Bakit ngayon pa?

Hindi katagalan ay dumating na din ang binook kong taxi. Ipinasok ko ang maleta sa compartment at pumasok sa passenger’s seat. “Pakibilisan na lang po papuntang airport.” Utos ko sa driver at pinaharurot naman nito nang mabilis ang kotse.

Napasandal ako sa inuupuan at napahawak sa aking dibdib. Mas dumoble pa ang kaba na nararamdaman ko ngayon kumpara kanina. Hindi ako pwedeng mamatay lalo pa’t may dinadala akong anak— anak namin ni Blaze.

“A-Ano po ang nangyari?” napatanong ako sa driver nang biglang huminto ang kotse sa gitna ng highway.

Sinubukan niyang muling paandarin ang engine pero ayaw gumana. “Takte! Ngayon pa nagkaaberya.” Pabulong na usal ng driver pero dinig ko pa din.

Makailang beses niyang sinubukan ulit, pero wala talaga. “Ano na po?” muli kong tanong. Habang tumatagal kami dito, mas lalo lang akong nababalisa. “Pwede ba akong makahiram ng cellphone?” suyo ko sa driver.

Kinapa ng driver ang cellphone niya sa bulsa at agarang ibinigay ito sakin.

Kaagad kong idinial ang numero ni Blaze dahil iyon lang ang saulado ko sa lahat ng contact list na nandun sa phone kong walang baterya. Wala na din naman akong mahingan ng ibang tulong kundi siya lang.

Itinipa ko ang kanyang numero at tinawagan ito. Tatlong beses itong mag-ring bago sinagot ng nasa kabilang linya. Magsasalita pa sana ako nang bigla akong makarinig ng malakas na busina kasabay ng pagtama ng mabigat na bagay sa aking likuran. Nasaksihan ko kung paano sumemplang ang sinasakyan kong taxi and because of the earth-shattering force, it causes metal to crumple and glass to shatter.

[Who’s this?] I heard Blaze voice from the other end of the line, making me shed in tears.

Napatingin ako sa driver na walang malay na halos maligo sa sariling dugo. Iginala ko ang paningin at nakita ang mga basag na bintana ang nakakalat habang unti-unti kaming nababalot ng usok.

Hindi ko maigalaw ang katawan ko and I can feel my blood dripping down from my head. Namamanhid ang buong katawan ko. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong, pero hindi ko kayang gawin. Sa halip, muli naman akong nagpakawala ng ilang luha.

“Yes, boss. Malinis ang pagkakagawa and everything is done according to your plan.”

Napabaling ang tingin ko sa isang estrangherong lalaki na nakatayo sa labas. Hindi ko makita ang mukha niya, pero alam kong may kausap siya.

Unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Sinubukan kong labanan ito, pero bigo ako at tuluyan ng dumilim ang paningin ko. Sunod ko na lang narinig ang malakas na pagsabog.

“Blaze…”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status