Share

Chapter 2

Nagising ako na para bang sobrang sakit ng aking ulo. Namamaga na din ang mga mata ko. Dahil sa kakaiyak ko. Bumangon ako at umupo sa kama.

Huminga ako ng malalim. Para ibsan ang sakit sa aking dibdib. Tumayo ako at bumaba. Tumungo ako sa kusina. Bubuksan ko na sana ang refrigerator ng maalala ko na naman ang nangyari. Buntis ang bestfriend ko at maaaring ang ex-husband ko ang ama noon.  Sobrang sakit lang dahil talagang iniwan na ako ng tuluyan ni Marco.

Tumulo ang na naman ang luha ko. Dahil naramdaman ko na naman ang sakit. May kumakatok sa pinto ng bahay namin kaya pinuntahan ko iyon at pinagbuksan iyon, kung sino man ang nandoon.

It's one of my best friends, Analyn. I smiled at her. Pero ang ngiti niya ay hindi umabot sa mga mata niya.

Agad na iginala ni Analyn ang paningin sa bahay niya.

"Anong nangyari?" tanong nito.

"Kinuha ng mother-in-law ko ang mga gamit," sabi ko sa kanya.

Pumunta kami sa kusina para doon umupo at mag-usap.

"Alam mo sumusobra na talaga iyang biyenan mong hilaw. Pati ba naman gamit. Hindi niya pinatawad."

"Okay lang iyon. Mas mabuti nga iyon at hindi ang bahay at kotse ko ang kinuha niya."

Napatingin siya sa bestfriend niya. May awa sa mga mata nito para sa kanya. Tumulo na naman ang luha niya.

"You know what? It's useless to cry if you have something to do; the worst is to fight with others with a kitchen knife!"

Bigla akong natakot sa sinabi ni Analyn sa akin. Lalo na't nababanaag ko sa mga mata niya ang isang galit.

Naghanap siya ng mapag-uusapan nila.

"Paano mo nalaman na nasa iisang bahay si Ailyn at Marco?"

"Iyon nga, kilala mo naman si Aunte Mayla di ba? Yaya kasi siya ng isang bata, at katabi lang ng unit ng amo ni Aunte Mayla ang unit n'yang ex-husband mo. And nakita din niya si Ailyn kasama ang bruha mong mother-in-law at nakalagay pa sa braso ng mother-in-law mo ang kamay ni Ailyn. And Aunte Mayla was surprised by what she heard about the divorce you and Marco had. Iyon ang pinag-uusapan nila ng bruha mong mother-in-law at ni Ailyn."

Nalungkot ako, dahil sa nangyayari sa pagkakaibigan namin. We are college buddies, we're also a roommate back in college. Doon na nagsimula ang pagkakaibigan namin.

Aminin ko. Ailyn is a beautiful woman. Sexy kung manamit din ang dati kong kaibigan. Kaya siguro, nakuha nito si Marco, napaibig niya. Umalis na din ito sa group chat namin at di na kami kinakausap.

"Kailangan nating mabawi iyong mga gamit mo, Kathryn. Sobrang unfair naman noon."

"Hayaan na iyon."

"Hindi!" sigaw nito. "Kaya ka inaapak-apakan dahil sa sobrang bait mo. Kahit minsan naman, Kathryn. Maging m*****a ka. Ilabas mo ang saloobin mo!" galit na galit na sambit ni Analyn.

Lumabas na si Analyn para pumunta sa bahay ng ex-husband niya. Kailangan niyang samahan ang kaibigan. Dahil baka ano pa ang gawin nito doon. Alam niya ang ugali ng kaibigan niya.

Nakarating na sila sa isang unit. Agad na inilibot ni Kathryn ang paningin sa paligid. Di niya akalain na dito ibabahay ni Marco ang babae niya, na kaibigan niya.

"Hey, buksan nyo ito!" sigaw ni Analyn, mula sa labas.

Pinigilan niya ang kaibigan. Dahil nag-eskandalo na ito. Pero kahit anong katok ng kaibigan niyang si Analyn ay walang nagbubukas ng pinto. Hanggang sa lumabas na ang mga kapitbahay ng ex-husband niya at tila nanonood.

Ngumisi bigla si Analyn at nabigla ako sa sinabi nito. 

"Forget about picking up unwanted men, just return all the furniture!" sigaw ni Analyn mula sa labas. "Otherwise, people will think you are a slut who picks up unwanted."

Madami ng nag-uusisa dito. Dahil sa pagsisigaw ni Analyn.

Bumukas ang pinto at galit na galit ang ina ni Daniel na nakatingin sa amin. Nakasunod dito si Ailyn na umiiyak. Naawa na sana ako sa kaibigan ko. Pero dahil sa ginawa niya ay para bang nawalan ako ng respeto sa kanya.

"Bakit ang ingay-ingay nyo? Hindi palengke itong unit ng anak ko!" sigaw nito sa amin.

"Ayaw nyo kasing pagbuksan kami ng pinto. Kailangan pa na sigawan kayo at ikaw Ailyn, ang kapal-kapal ng mukha mo. Tinuring kang kaibigan ni Kathryn, pero ano ang ginawa mo!" sigaw ni Analyn dito. "Inagaw mo lang naman ang asawa ni Kathryn."

Nanatili lang itong umiiyak. Walang imik.

"Umalis na kayo. Di kayo welcome dito!" sigaw  ng ina ni Marco. "Hindi maganda sa bata ang ginagawa nyo. Na e-stres si Ailyn. Dahil sa inyo."

"Wow, nagsalita ang kunsentidor."

"Let's go, Analyn," yaya ko sa kanya.

Nakarinig na din ako  ng mga bulong-bulungan sa kapitbahay ni Marco.

"Teka lang, Kath. May gagawin pa ako."

Lumapit si Analyn, kay Ailyn. Nabigla ako ng bigla na lang nitong sinampal si Ailyn. Napatakip na lang ako sa aking bibig.

"Analyn, enough. Tama na. Baka makasama sa bata ang ginawa mo."

Hinarap ako si Analyn. "Really, Kath? Habang ikaw ay nagdurusa? Habang ang babaeng iyan nagpapakasasa? Hello, wag kang martyr!" sigaw nito.

"Halika na kasi. Tama na."

 Nilingon ko ang paningin ko sa paligid, madami ng tao nakikiusyuso.

"Umalia na kayong dalawa dito. Kung ayaw nyong ipa police ko kayo!" sigaw muli ng biyenan ko.

Biglang tumahip ang kaba sa aking dibdib.

"Police? Sa tingin mo matatakot ako sa police nyo? Baka kayo ang makulong.  Dahil sa ginawa nyo kay Kathryn."

"Halika na."

Hinila ko si Ailyn. Nagtagumpay ako sa paghila sa kanya. Nasa kotse na kami.

"Sana ay hindi mo ako pinigilan. Nang gigigil talaga ako sa babaeng iyon. Ang kapal ng mukha niya ah, talagang nagpabuntis pa."

"Tama na, Ailyn. Nangyari na ang nangyari. Wala tayong dapat sisisihin. Kundi ako lang. Hindi maghahanap ng iba si Marco. Kung nabigyan ko sana siya ng anak."

Hinagod ni Ailyn ang aking likuran. Dahil hindi ko mapigilan ang umiyak dahil ss problema ko.

"Siguro kong nabuntis ako ay baka hindi ako iwanan ni Marco. Kaso, hindi ako mabuntis-buntis. May deperesa kasi ang matress ko."

"Tahan na. Nandito lang kami para sa iyo."

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung wala si Ailyn ay baka kung saan na ako ngayon. Sobrang sakit lang talaga ang nangyari sa akin. Akala ko magsasama pa kami ng asawa habang buhay. Pero ngayon wala na. Hiniwalayan na niya ako.

Sobrang sakit lang. Hanggang gabi ay magkasama kami ni Ailyn. Hindi niya ako iniwang mag-isa.

Nasa kama na ako ngayon dahil matutulog na sana. Pipilitin kong matulog ngayon. Kahit na imposible talaga akong makatulog.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status