Share

Chapter 6

Kathyrn POV

"Ito ba talaga ang gusto mo, Kath?" tanong nito sa akin.

"Nandito na ako, Analyn. Hindi na ako pwedeng umatras," saad ko kay Analyn.

"I know Daniel, baka naghihigante iyan sa iyo. Alam kong siya ang ex mo na iniwan mo noon."

"Alam ko, kung paghihigante man ang pakay niya ay sige. Tatanggapin ko iyon," naluluha kong saad. "Tatanggapin ko ng buong puso, mabayaran ko lang ang utang ni Marco."

"Do you still love, Marco?" tanong nito sa akin.

Ngumiti ako, "I do, I still do love him. Pero hindi ibig sabihin noon ay babalik ako sa kanya. No, Analyn. Ayaw ko nang maging tanga."

"Ready na ang lahat," sumungaw ang ulo ni Hanilyn sa pinto ng kwarto.

"Okay, Han. Lalabas na kami ngayon."

Lumabas na kami. Ikakasal akong muli. Pero hindi sa simbahan. Kundi sa huwes lang, minadali namin ni Daniel ang kasal na ito. Upang makabayad na ako sa mga utang na hindi ako ang gumamit. Hindi ko alam kong saan dinala ni Marco ang mga pera. Dahil wala talaga akong alam sa perang iyon.

Alam ko, nasa isip ko na din na baka paghihigante ang gusto ni Daniel, kaya inayaya niya akong pakasalan. Kahit na kaka divorse lang namin ni Marco. Ayaw ko mang magpakasal sa lalaki na iniwan ko noon. Pero kailangan kong sumugal. Kailangan kong kumapit sa patalim. Nasa harapan na kami ngayon ng mayor, ang magkakasal sa aming dalawa ni Daniel. Piling mga kaibigan lang na inimbitahan ko. Dahil nakakahiya na kay Daniel.

Nasa isang restaurant na kami para kumain. Hindi na din kami nag organize ng reception. Dahil iilan lang din naman ang imbitado.

"Look who's there," napapikit ako.

Dahil kilalang kilala ko ang boses na iyon. Hindi ko makakalimutan ang boses na iyon.

"May dinner party pala kayo. Di nyo man lang kami inimbitahan ni Marco."

Tumayo ako. Hinarap ko ito. "Wag kang mag-eskandalo, Ailyn. Matuto kang rumespeto."

Tumawa ang babae. "Respeto? Sino ang ire-respeto ko? Ikaw?" turo nito sa akin.

Lumapit ito sa akin. Ramdam ko ang tensyon na namamagitan sa amin.

"Tumigil ka na, Ailyn. Madaming tao." Saway ni Hanilyn kay Ailyn.

"Nakakahiya ba? O nahihiya kayo sa kasama ninyo, Kathryn? Ikaw pala iyan Mr. De silva. Ang ex ni Kathryn." Napapikit na lang ako. Dahil gusto kong pigilan ang galit ko.

"Nagkita na pala kayo, hindi man lang ako na-inform. Sana ay sinabihan mo ako, Kath, ng ma-welcome ko si Daniel."

Nilapitan ko si Ailyn. "Stop it!" madiin ngunit may babala sa tinig ko. "Wag mong sagarin ang pasensya ko, Ailyn. Dahil baka magsisisi ka. Inagaw mo na ang asawa ko. Sinira mo na kaming dalawa. Pati ba naman itong dinner namin. Sisirain mo."

"Oo! Dahil ayaw kong maging masaya ka. Lahat ng nakapaligid sa iyo. Gusto ka. Ako ang kasama ni Marco, pero ayon, ikaw ang iniisip."

Nagulat ako sa sinabi ni Ailyn. Dahil hindi ko naman akalain na may ganito pa lang nangyayari sa dalawa.

"Masaya ka na ba, Kathryn? Masaya ka na ba, ano mang araw ay hihiwalayan ako ni Marco."

"Marco is inlove with you, Ailyn. Alam ko iyan. Hindi ko nga alam, kung bakit ako ang pinakasalan niya. Instead na ikaw. Hindi naman naging kami talaga. Gawa-gawa lang namin ang mga iyon. Pero dahil siguro sa nakita niya. Kaya napagdesisyonan naming dalawa na magpakasal. Hanggang sa mainlove kami sa isa't-isa. Pero kung kailan na okay na kami. Saka ka. . . Saka ka, pumasok sa eksena," lumuluha kong sabi sa kanya.

Pinahid ko ang mga luha ko na nag-uunahan sa pagtalon, mula sa mga mata ko.

"Hindi ko alam, Ailyn. Kung ano ang problema ninyo ni Marco, labas na ako doon. Ayaw ko nang makialam sa inyo. Ayaw ko nanggulo."

"Kathryn, alis na tayo dito. Lipat na lang tayo."

Nilingon ko si Daniel. "No, love." Nabigla ito sa tinawag ko sa kanya. Dahil sa 15 years na paghihiwalay namin ay ngayon lang nito narinig iyon. "Dito lang tayo, it's our wedding day. Ayaw kong sirain iyon."

Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Ailyn.

"What with the face, Ailyn? Did I suprise you?" tanong ko sa babaeng nasa harapan ko.

"D-did you two married."

"Yes, Ailyn. Pasensya na at hindi kita inimbitahan. Baka kasi mainggit ka at mang-agaw ka na naman."

Rinig kong tumawa si Analyn. "Ang sabihin mo, Kathryn, baka ilayo niya si Daniel sa iyo."

"Hindi ko hahayaang mangyari iyon."

Galit akong tinignan ni Ailyn, tapos ay umalis ito. Saka ko lang pinakawalan ang aking hininga.

Umupo ako sa upuan ko. Dahil hindi ko kinaya ang paghaharap namin ni Ailyn. Nilingon ko ang lalaking nasa kaliwa ko.

"I am sorry, Daniel, that I used you."

"It's okay, tama din naman ang ginawa mo. Lumaban ka lang naman. I understand."

Pumasok kami sa isang gate. Sabi ni Daniel ay dito daw ang bahay namin. Napatingin ako sa kabuoan ng bahay. Napatakip ako sa aking bibig.

"I full filled your dream house. Tinupad ko ang bahay na gustong gusto mo. Remember, I am now an architect."

Hinarap ko siya. "Bakit mo ginagawa ito, Daniel? You help me, ang bahay na gusto ko. Pinagawa mo."

"Ang gusto ay makasama ka, dito sa tabi ko."

Umiling ako. "This isn't happening. Alam kong naghihigante ka sa akin."

"No, I am not. Hindi paghihigante ang gigagawa ko, Kath. I still love you. Hindi ka maalis sa isipan ko. Kahit anong pilit kong kalimutan ka ay hindi ko magawa."

Nanatili akong umiling-iling. "Mahirap ba akong paniwalaan, Kath?" tanong nito sa akin.

"Kung di kita iniwan. Hindi mahirap, Daniel. Pero iniwan kita. Iniwan kita, Daniel. Alam mo iyan."

"Oo, wag mo nang ipaalala, I am a failure, Kathryn. Walang direksyon sa buhay noon. May pera kami, mayaman kami, oo. Pero noong iwan mo ako. Doon ko na realize na dapat ay pinahalagahan kita. Nang iwan mo ako, doon ko narealize na kung gaano ako kagago, Kath. Kaya nagbago ako. Nag-aral ng mabuti. Dahil pag nakita tayong muli ay karapat dapat na ako sa iyo."

Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko. Oo aaminin ko, kaya iniwan ko si Daniel noon ay dahil, hindi ko nakikita ang sarili ko na masaya sa piling niya. Masaya ako noong una. Pero pag nagtagal ay hindi na ako masaya. Lalo na ay madami itong ginagawang di dapat noon. Bisyo, babae. Kahit ano ang ginawa nito sa buhay nito. Kaya nagpagdesisyonan kong iwan siya. Dahil kung magpapatuloy kaming dalawa ay baka magkasakitan lang kaming dalawa.

Hinawakan nito ang mga kamay ko. "I am here, Kath. Ready to start a new with you. Handang handa na ako, Kath."

Hinawakan nito ang mukha ko. Siniil nito ng halik ang mga labi ko. Napapikit na lang ako, dahil ninanam nam ko ang tamis ng labi nito.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Eden
thanks author mga ganitong kwento ang gusto q ei hehe
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status