Share

Chapter 4

Napatingin ako sa kabuoan ng bahay. Napangiti na lang ako, dahil nabalik na sa original ang mga furniture na kinuha ng magaling kong biyanan.

Umakyat na ako sa itaas para magpahinga. Bukas ay panibagong umaga na naman ang kakaharapin ko. Dahil sa pagod ay nakatulog ako agad.  Nagising ako, bumaba ako sa sala at nang biglang may kumatok.

Kumunot ang noo ko. Dahil alam ko na wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Mamaya pang hapon, darating si Analyn. Kaya pumunta ako sa main door at binuksan iyon.

Umawang ang bibig ko, dahil isang batang babae ang nasa harapan ng pintuan ng bahay ko.

Lumuhod ako para magpantay kami. Ngayon ko lang napagtanto na umiiyak pala ang batang babae.

"Nawawala ka ba?" tanong ko sa kanya.

Pero hindi ito nagsalita. Nagulat na lang ako ng yakapin niya ako bigla. Umiiyak sa aking balikat.

Napangiti ako at hinahaplos ang buhok ng batang babae.

"Tahan na. Sino ba ang magu—"

"Bayaran mo ang utang sa amin."

Hindi agad ako makagalaw. Dahil hindi ko alam kong saan napulot iyon ng bata.

Inihiwalay ko siya sa akin. Hinawakan ko ang kanyang balikat at inilayo sa akin ng kaunti.

"Anong pinagsasabi mo?" takang tanong ko.

Nagpumiglas ito sa akin at galit niya akong tinignan.

"Magbayad ka ng utang, kung hindi. . .baka mamatay kami sa gutom!" sigaw nito.

Tinitigan ko lang ang bata. Hindi ko alam kong ano ang sinasabi niya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Ayaw mo lang magbayad, kaya ka ganyan!" sigaw muli ng bata.

Tumayo ako at galit siyang tinignan. "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Umalis ka na!" sigaw ko.

"Tignan mo ito." May kinuha ang bata at ibinigay nito sa kanya ang isang papel.

Napatakip ako sa aking nakita. Hindi ako makapaniwala na naghiram ang dati kong asawa gamit ang aking pangalan.

Naninikip ang dibdib ko, dahil sa nalaman. Hindi ko alam ang gagawin. Pumasok akong muli sa bahay at isinara ang pinto. Napasandal ako sa pinto ng bahay ko. Isinuklay ko na lang ang aking buhok gamit ang kamay ko.

Nagsusumigaw ang batang babae sa labas.

"Magabayad ka. Maaawa ka sa amin," umiiyak na d***g ng bata.

Pero hindi ko ito nilabas muli. Tumayo ako ay umupo sa sofa. Gusto kong lumayo muna dito pansamantala. Gusto kong huminga.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Analyn at Hanelyn. Sila na lang ang natitira sa akin.

"Samahan nyo ako. Gusto kong magbar."

Napasinghap ang dalawa, dahil first time nilang marinig mula sa aking bibig.

Nagbihis na ako. Naghanda. Nasa baba na sila Analyn at Hanelyn ng bumaba na ako.

"Bakit nagyaya ka yata ngayon?"

"Gusto kong makalimot. Kahit sandali."

"Tara, I know the place."

Sumunod na ako sa kanilang dalawa. Tama kaya itong ginagawa ko?

"May party ngayon si Maneth, you know her Kath?"

"Who's Maneth?" Wala sa sarili kong tanong.

"Duh! Iyong enemy mo sa high school."

"Ano namang problema doon."

"Doon tayo, aattend."

Napatingin ako kay Hanelyn. Parang iba ang kutob ko sa party na ito.

Nakarating kami sa isang yatch. Alam kong mayaman si Maneth, spoiled kasi sa magulang.

"Analyn, Hanelyn. . . Welcome!" nakangiting sambit ng isang babae sa amin. Dahil nasa likuran ako ay di nito ako napanansin.

"Thank, Maneth. And, we bring a friend."

Nanlaki ang mga mata ng babae. Para bang di makapaniwala sa sinabi ng dalawa kong kaibigan.

Tumabi silang dalawa at nanlaki ang mga mata ni Maneth ng makita ako.

"Oh my, Kathryn?" Napahawak pa ito sa kanyang dibdib. Dahil hindi nito akalain na makikita niya ako.

"Kathryn, I am so glad na nandito ka." Lumapit ito sa akin at nakipagbeso.

"Yeah!"

"Buti at pinayagan ka ni Marco, I still remember the day when we were in college. He is so territorial toward in you. Para bang takot agawan."

"We're done. Hiwalay na kami."

"Oh my gosh!" Napatakip ito sa kanyang bibig.

"I am sorry. I didnt know. Kulang yata kayo ng isa?"

"Wag mo ng hanapin."

"Okay, sige. Pasok na tayo."

Pumasok kami sa loob ng Yate, sobrang laki ng yate na ito. Sobrang lawak.

Pumunta agad ako sa counter para uminom. Gusto kong magpakalasing.

"Girl, stop. Ginawa mong tubig ang alak."

"I need to get away. Kahit kaunti lang."

"Ano ba ang problema? Ginugulo ka ba ng biyenan mong hilaw?"

"No, hindi ko na alam ang gagawin ko. Si Marco, kasi. . .nag-iwan ng malaking utang gamit ang pangalan ko."

"That jerk!" sabay nilang sambit.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. May pumunta sa bahay kanina. Nakita ko 500,000 ng nakalagay ko. Saan ako hahanap ng 500,000."

"Ang bobo naman ng ex-husband mo. Saan kaya niya ginamit ang pera."

"Saan pa ba, Hane. Di sa kabit niya."

Nilapitan ako ng dalawa kong kaibigan. "Tama na, tahan na. Gagaw ako ng paraan."

Hindi ko alam kung paano mag reak. Sobrang thankful ako kasi nandyan pa ang mga kaibigan ako.

Lumalalim na ang gabi, mas lalong dumadami ang naiinom ko. Nagsasayaw ako sa dance floor ng may humawak sa aking baywang. Humarap ako ay giniling ko ang aking balakang.

Mas gina-nahan ako sa pagsasayaw ng gumiling din ito. Tumalikod ako sa lalaki at ikinawit ang kamay ko sa batok nito para gumiling.

I grain to his crotch. Dahil pagod na ako at may tama na rin ay hinanap ko ang cabin ng yate na ito.

May nabungo akong lalaki. "Easy."

Tinignan ko siya. He is familiar to me. Naramdaman kong hinaplos nito ang aking pisngi.

"Finally, you are mine."

Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa aking ulo. Dahil sa sobrang sakit. Napatingin ako sa paligid and I see the naked man beside me.

'What did I do?' tanong ko sa sarili ko.

Shit, triple killed yata ako. Sobrang sakit ng buo kong katawan. Kahit ang pagkababae ko ay sobrang hapdi.

Napatakip ako sa aking baba. 'Shit, nakipagtalik ako sa isang lalaki na di ko kilala.'

Dali-dali akong tumayo at nagbihis. Ayaw kong maabutan ng lalaking ito. Baka wala akong mukhang ihaharap sa kanya.

Dali-dali ako lumabas ng makapagbihis na ako. Napatingin ako sa labas, nakadaong na pala ang yate. Di ko na hinintay ang mga kaibigan ko. I need to get away from here.

Agad akong sumakay sa kotse ko. Thank, God at dala ko ang kotse ko. Huminto muna ako sa gilid ng kalsada. Para ihinahon ang sarili ko.

"God, paano ko nagawa iyon?"

Binuhay ko na ulit ang makina ng kotse ko papunta sa bahay ko.

Hindi pa ako nakapagpark ng maayos ng makitang maraming tao sa labas ng bahay ko.

"Ikaw ba si Mrs. Alcantara?" tanong ng isang matandang lalaki.

"Yes? Why?"

"Please, bayaran mo ako sa inutang mo."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Sir, anong pinagsasabi mo, wala po akong utang."

Gaya noong batang babae ay may ipinakita din sa akin ang matandang lalaki. Lahat sila.

Mas lalong lumala ang problema ko ng malaman na nasa Five million iyon lahat.

"Matagal na kaming hiwalay ng asawa ko. Sa kanya kayo manghingi ng pambayad at hindi sa akin."

"Pero sabi niya ay saiyo kami manghingi ng bayad."

"Kailangan mo kaming bayaran, kundi magkakagulo tayo dito. Maaari ka naming pakulong at ipagiba itong bahay mo."

Nanlaki ang mga mata ni Kathryn, dahil sa sinabi ng matandang lalaki.

"Wag please."

"Magbayad ka!"

"Sa ngayon, wala pa ang pera. Pero promise. Ibabalik ko ang pera nyo, bigyan nyo ako ng palugit."

"Sige," sabi nito.

Umalis na ang lahat. Napaluhod na lang ako dahil sa mga pangyayari. Sobrang dami na ng iniisip ko. Isama pa ang kadahilanan na may nakatalik akong lalaki kagabi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status