Share

Chapter 3

KINABUKASAN ay maagang akong nagising. Kahit na madaling araw na akong nakatulog. Dahil sa kakaiyak. Bumaba na ako sa sala at may kumatok sa pinto ng bahay ko.

Pinagbuksan ko iyon at nagulat ako ng isa-isang ipinasok ng mga kalalakihan ang mga furniture ko na kinuha ng mother-in-law ko.

Agad kong tinawagan si Ailyn.

"Yes,"

"Nasa bahay na ang mga furniture. Ibinalik na nila," maluha-luha kong pagbabalita sa bestfriend ko.

"Good to heard that. Kaya kakain tayo ngayon. Let's celebrate, let's eat to our favorite restaurant," yaya sa akin ni Ailyn.

"Okay," pagpayag ko.

Masaya ako. Dahil kahit papaano naibalik sa akin ang mga gamit ko. Nang makaalis na ang  mga kalalakihan na may dala ng mga gamit ko  ay umakyat naman ako sa itaas ay naligo. Pagkatapos maligo ay nagbihis ako dahil magkikita kami ngayon ni Analyn. Para kumain sa labas.

Inilock ko ng mabuti ang bahay at pumunta sa lugar kung saan kami madalas na kumain ni Ailyn at iba pa naming kaibigan. Busy si Hanilyn kaya kaming dalawa na lang ni Analyn. Since wala na din si Ailyn, dahil sa ginawa nito sa akin at parang malabo na mapatawad kong muli si Analyn.

Dumating si Kathryn sa lugar kung saan sila magtatagpu ni Ailyn. Bumaba siya sa kotse niya at pumasok sa isang restaurant. Nandoon na si Ailyn. Kinawayan siya nito. Agad siyang lumapit sa kaibigan niya. Nag-order naman si Ailyn.

Pero natigil si Kathryn sa pagkain ng tumunog ang cellphone niya. To her surprise, her ex-husband called. Agad naman itong sinagot ni Kathryn.

"Hello," masayang bati ni Kathryn sa dating asawa.

Kailangang pasiglahin ni Kathryn ang boses. Dahil baka kasi bumalik sa kanya si Marco. Pero napagtanto niyang kahit kailan ay hindi na babalik sa kanya ang kanyang asawa.

"Where are you? I want to meet you," sambit nito.

Nabigla ako sa sinabi ni Marco. Hindi agad ako nakapagsalita.

"Ahm," nagdadalawang-isip na saad ni Kathryn. "Pwede next time na lang?"

Since, nasa iisang restaurant din kami ni Analyn ay wala talaga akong balak na siputin si Marco.

"I am sorry busy ako, Marco."

"This important."

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Next time na lang talaga."

"Sobrang importante nito, Kathryn at hindi na pwedeng ipagpaliban."

Huminga ng malamin si Kathryn. "Okay," pagpayag niya.

Ibinaba nito ang cellphone.

"Sana hindi ka pumayag. Baka anong gawin sa iyo noon."

"Gusto ko ng matapos ito. Para matanggap ko na wala na talaga kami."

Nagtext siya kay Marco at ibinigay ko ang address ng restaurant kung saan magkikita kami. Since nandito na lang din kami ni Analyn ay dito ko na lang papapuntahin si Marco.

Nang makita ko si Marco na papasok sa restuarant ay agad ko siyang nilapitan, para sana yayain na umupo para pag-usapan namin ang gusto nitong pag-usapan.

"What's wrong with you?" tanong ng lalaki kay Kathryn.

Pero ang hindi napaghandaan ni Kathryn ay ang sampalin siya ng kanyang dating asawa. Natabingi ang kanyang mukha, dahil sa lakas ng pagkakasampal nito sa akin.

Hindi agad nakagalaw si Kathryn sa kinatayuan nito. Dahil sa ginawa ng dating asawa nito sa kanya. Sa loob ng maraming taon na nagsama sila ni Daniel. Ngayon lang siya nito pinagbuhatan ng kamay. Sinampal. Hindi din sila nag-away.

Kahit si Analyn ay nabigla at di agad nakapag react. Pero alam ni Ailyn na kaya ni Kathryn ang asawa nito.

"Shit!" mura nito sabay tingin sa cellphone. "Bakit mo ginawa iyon kay Ailyn? Alam mo bang buntis si Ailyn at pwede siyang makunan. Palibhasa, hindi ka mabuntis-buntis. Gaya ka lang ng isang manok na hindi mapaitlog."

Alam ni Kathryn, kung sino ang nagsumbong dito. Alam niyang nagsumbong na ang dating kong mother-in-law at kaibigan kay Marco. Hinawakan ko ang pisngi ko na nasaktan. Tinignan ko din si Analyn. Biglang tumulo ang luha sa aking mga mata. Dahil sa ginawa nito. Naiintindihan niya kung bakit nagawa ito ni Marco sa kanya. Dahil mali din naman ang ginawa namin. Maaaring mawala ang anak ni Ailyn sa kanya, dahil sa ginawa naming pagsugod sa unit ni Marco. Pero hindi niya naman ako masisisi.

Sobra akong nasaktan sa pag iwan nito sa akin. Alam ko ding ang dalawang iyon ang nag utos kay Marco.

Tinignan ko si Marco. Naikuyom ko ang aking mga kamay. Dahil sa binitawan nitong salita at sinampal ko ito ng dalawang beses sa magkabilang pisngi.

Ibinaling ni Marco ang tingin sa akin na may galit sa mga mata. Hindi ako umiwas.

"Really, Marco? Nagpunta ka pa dito. Para lang dyan? Ano ba ang pinaglalaban mo? Tanggap ko naman na hindi ako magkakaanak. Pero sana wag mo namang ipagmukha sa akin ang pagkukulang ko. Dahil sobrang sakit eh, mismo galing pa talaga sa iyo?" tumulo ang luha ko.

Hindi ito nagsalita. Nanatili ang titig nito sa akin. May galit sa mga mata nito.

"I am not like you, Marco. You're a cheater. Nakipagrelasyon ka sa kaibigan ko na akala ko ay mabait. Ginawa mo akong gaga. Pinaikot nyo akong dalawa. Mga hayop kayo!" sigaw ko.

Di ko napigilan ang mapaluha. Dahil sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Akala ko wala ng sasakit pa sa ginawa ni Marco. Mayroon pa pala. Tagos hanggang buto ko ang binitawan nitong salita ss akin. Tanggap ko naman na hindi na ako magkakaanak. Alam ko iyon. Di kailangan na ipamukha sa akin.

Naririnig ko ang nasa paligid ko.

"Cheater, dapat makulong iyan."

"Akala mo kung sinong mabait. Hindi naman pala. Cheater. Manloloko."

Ilan lang iyan sa mga sinasabi ng nasa paligid ko.

Tanggap ko naman, Marco na wala na tayo. Alam ko na may pagkukulang din ako sa iyo. Hindi kita mabigyan ng anak. Kaya sa iba ka naghanap. I tried so many times, Marco na magkaanak tayo. Dahil gusto kong buo ng pamilya na ikaw ang kasama." Hindi nagpapigil ang mga luha ko sa pag tulo.

Pinahiran ko ang mga luha ko. Dahil nanlalabo na din ang mga mata ko.

"Ang hindi ko lang matanggap at sa mismong pagmumukha ko pa, sinasabi mo na hindi ako magkakaanak kahit kailan. Tanggap ko iyon, Marco. Sobrang tanggap ko iyon."

Dahil sa kahihiyan at sinabi ko ay umalis si Marco. Napaupo na lang ako sa upuan na nandito. Habang si Ailyn naman ay tahimik lang na nagmamasid sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status