Share

Kabanata 21: Surprise

HINDI MATIGIL sa pag-iyak si Xander at maging ang kapatid nitong apat na taong gulang na si Sarah ay napapaluha na rin. Si May na ang umalo sa bunsong anak ni Xandra.

Nasasaktan ito na makitang nasa gano'ng kalagayan sila. Masakit iyon para sa bawat ina dahil hangga't maaari ay mas gugustuhin nilang maging masaya ang kanilang mga anak. Ang mga ngiti ng mga ito ay sapat na bilang gamot nila o 'di kaya naman ay pampatanggal ng kanilang pagod.

"Here. Take this, kid." Napalingon si Sarah sa kadarating lang na si Nathan matapos nitong umalis kanina. Naglaho na ang kalungkutan nito at napalitan ng kaligayahan nang abutin niya ang malaking teddy bear na kulay pink. May disenyo pa itong ribbon na nakalagay sa bandang leeg niyon. Niyakap niya ito nang mahigpit.

Ngumiti ang bata sa kaniya. "Tensu po!" nagagalak nitong sambit. Lumapit si Xandra sa kanila pati na rin ang anak nitong si Xander nang medyo tumahan na.

"Sir Nathan..."

"How about you, kid? Ano'ng gusto mo?" nakangiting baling nito sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status