Share

Kabanata 22: Free

MASAYA NILANG pinasok ang kainang lugar na hindi sikat sa mga tao. Simple lamang iyon pero kumpleto naman sa alak at mga pagkaing gusto nila. Ayaw nila sa magarbo dahil kontento na ang mga ito sa gano'n lang.

Hinayaan na ni Nathan ang kaniyang mga empleyado na mag-order ng pagsasaluhan nila. Hindi naman siya mapili pagdating sa mga pagkain pero ang ulam niya ay iyong adobong niluto ni Lola Pasing sa kaniya.

Hindi rin naman nagtagal ay unti-unti na nilang inilapag ang mga pagkain at alak sa mahabang lamesa na nasa kanilang harapan. Niramihan nila 'yon dahil susulitin na nila ang pagkakataon. Baka raw kasi bumalik na ulit bukas sa dating masungit ang kanilang boss.

Mapapansing wala si May dahil may urgent daw itong inasikaso nang siya ay tawagan ni Xandra kanina. Maging si Caroline ay hindi rin nakadalo dahil abala raw ito sa kanilang bahay. Silang dalawa lang naman ang hindi kasama, lahat ay present na.

"Para sa pagsanib ng mabuting espiritu sa kaluluwa ni Sir Nathan!" pangunguna ng i
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Wala Kang alam sa totoong nangyari Nathan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status