MATAGAL na tinitigan ni Megara ang nangingislap na mga mata ni Russel. Puno ng emosiyon ang mga iyon at nagsusumamo sa kaniya.
Sa loob nang ilang segundo, aaminin niyang gusto niyang bumigay sa mga sinabi nito. Ramdam niya ang sinseridad sa tinig ng lalaki, pero hindi niya magawang tanggapin na lang ang lahat. Hindi niya kayang sabihin at aminin dito ang mga itinatago ng puso niya.
Huminga siya nang malalim at mariin na lumunok. "I-I need to go."
Akmang tatayo siya subalit mabilis siyang pinigilan ni Russel. "No, Meg. Stay. Hangga't hindi natin napag-uusapan ito, hindi ka puwedeng umalis."
"Puwede ba, Russel? G-gusto ko nang maligo! Nagugutom na rin ako!"
"May shower dito! If you want, we can just order foods!"
Mariin siyang lumunok habang nakatitig sa mukha ni Russel. Ayaw niyang tuluyang pumayag sa gusto nitong mangyari. Nararamdaman niyang ilang sandali na lang, bibigay na siya rito.
Ayaw niya. Hindi na kakampi kundi kalaban ang tu
NAKANGITING ibinaba ni Megara ang dalawang plato ng fried shrimp at grilled chicken breast, saka tuluyang umupo sa upuang katapat ng lalaking si Kane.Katatapos niya lang magluto para sa lunch. Doon kakain ang imbistigador dahil may pag-uusapang mahalaga ang dalawa. Ayon kay Russel, may binabalak ang mga itong gawin para mahuli ang lalaking si Rinhu Tianok. Napag-alaman niyang iyon pala ang pangalan ng lalaking sumusunod at nagmamatyag sa kaniya.Nag-umpisa silang kumain habang nag-uusapan sina Russel at Kane. Hindi siya sumingit sa usapan ng mga ito. Nanatili siyang tahimik habang may sariling iniisip."Ano? May hinala ka na kung sino ang nasa likod nito?" nakuha ng imbistigador ang atensiyon niya nang marinig ang sinabi ng lalaki.Nabungaran niya itong seryosong nakatingin sa asawa niya. Nang balingan naman niya si Russel, tumingin din ito sa kaniya at may maliit na ngiti sa mga labi nang hawakan ang kamay niya.Muli itong bumaling sa imbistigado
NAGPAKAWALA siya ng hangin matapos maghila ng upuan para umupo. Halata nang may itinatago ito, pero nagagawa pa ring mag-deny ng babae. Naiinis siya lalo sa ipinapakita ni Megara. Ano bang mayroon sa ex nito at ayaw pang sabihin sa kaniya ng asawa ang pangalan? Mariin siyang pumikit at may ilang minutong nanatili sa ganoong ayos para mag-isip. Kung sasabihin lang sana nito ang pangalan ng dati nitong karelasiyon, mas madali nilang mareresolbahan ang problema nila. Tumayo siya saka mabilis na humakbang paakyat sa kuwarto nila. Nagdesisiyon siyang puntahan na ito at piliting magsalita. Paano nila aayusin ang pagsasama nila kung patuloy pa rin itong maglilihim sa kaniya? Nang maabot niya ang tapat ng pinto, bigla siyang natigilan nang maisip ang dalagang si Narissa. Pakiramdam niya, bumabalik sa kaniya ang ginawa niya sa asawa. Pilit niyang inililihim ang pangalan ng kabit niya rito, dahil ayaw niyang magtagpo ang mga ito. Ngayon naman, ginagawa na rin iyon sa k
NAKATAPIS ng puting tuwalya ang buong katawan ni Megara nang muli siyang lumabas ng banyo. Tumutulo pa ang tubig mula sa ulo niya pababa sa kaniyang katawan nang tumigil siya sa tapat ng kama."Megara!"Mataman niyang pinagmasdan ang lalaking nakagapos pa rin sa ibabaw ng kama at nakapiring ang mga mata. Hubo't hubad pa rin ito habang tayung-tayo pa rin ang alaga.Kumuyom ang mga kamao niya nang maisip na baka ganito ang ginagawa ni Russel at ng kabit nito sa tuwing nilulukuban ng libog ang lalaki.Mapait siyang ngumiti. Ilang ulit siyang umiling bago maagap na humakbang patungo sa loob ng walk-in closet. Naghanap siya ng damit na maisusuot bago kinuha ang leather sling bag niya."Meg, baby! Where are you? Kalasin mo na ito. Get this off, Megara!"Muli siyang lumabas at tumayo sa harap ng kama habang suot ang floral pearl suspender dress. Nakasukbit na sa kabilang balikat niya ang dalang sling bag."I know you're there, Megara. I can
AGAD na nagkamay sina Russel at Kane nang makarating sila sa hotel room kung saan ito naghihintay. Nagkasundo silang tatlo na magkita na lamang sa labas sa halip na sa bahay nila. Mas ligtas kung hindi sila makikitang magkasama.Umupo sa magkaharap na armchair ang dalawang lalaki habang siya ay nagtungo sa labas ng balkonahe. Hinayaan niyang tangayin ng hangin ang mahaba niyang buhok at dinama ang lamig nito.Sa gitna ng problema, minsan, masarap kalimutan muna ang lahat at piliing magpahinga pansamantala. Sa mga nagdaang araw, wala siyang ibang ginawa kundi manatili sa bahay nila, pero pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Pagod ang isip at puso niya sa mga nangyayari.Naramdaman niya ang presensiya ng isang tao sa kaniyang likuran, kasunod roon ang pagpisil ng mainit na palad sa kanan niyang balikat.Nilingon niya kung sino ito at nakita ang asawang si Russel. Sumilay ang banayad na ngiti sa mga labi ng lalaki. Ibinaba nito ang isang baso ng orange ju
NAGMAMADALING lumabas ng bahay si Russel at lumapit sa mataas na tarangkahan. Binuksan niya ito at natatarantang hinila palayo ang babae. Pilit naman kumakawala mula sa mahigpit niyang pagkakahawak si Narissa sa braso nito."Russel, nasasaktan ako!" malakas nitong reklamo.Marahas niyang itinulak at masamang tinitigan ang babae nang makalayo sila sa gate. "Bakit ka nandito! Ano na naman bang kailangan mo!""Ikaw! Ikaw ang kailangan ko! Kailangan kitang makausap!"Mariin niyang kinuyom ang mga kamao bago nilingon ang pinto ng bahay nila. Nang masigurong wala roon si Meg, galit niyang binalingan si Narissa at muling hinawakan sa braso nito."Umalis ka na! Umalis ka at huwag nang bumalik dito!" sigaw niya na ikinatigil ng babae.Halata sa mukha na nasasaktan ito sa pakikitungo niya, pero hindi iyon binigyan ng pansin ng dalaga. Nag-aapoy naman sa galit ang mga mata niya. Sa labis na inis, pakiramdam niya ay masasaktan niya ito.Masiyado
MALAPIT nang sumapit ang alas-otso ng gabi, at kahit pa sinabi ni Russel sa asawa na aalis siya, ang totoo ay hindi pa siya sigurado kung pupunta siya.Ayaw na niyang magpatali sa leeg. Kung noon, nagagawa siyang takutin ni Narissa, ngayon ay hindi na niya hahayaang mangyari ang bagay na iyon.Nilapag niya ang cell phone sa ibabaw ng coffee table at sinandal ang likod sa sandalan ng sofa. Pumikit siya at pinag-isipang mabuti ang mga nangyayari. Sakaling mawala ang problema nila sa lalaking si Rinhu, kailangan na niyang harapin ang isa pang pagsubok na pinagdadaanan.Ipapaalam na niya kay Megara ang nangyari sa Las Vegas, at kung paano siya natali kay Megara dahil sa takot niyang ibunyag siya ng babae sa lahat. At pagkatapos, saka niya pagtutuunan ng pansin ang huling dagok sa buhay nilang mag-asawa.Napamulat siya ng mga mata nang marinig ang mga hakbang ni Megara sa hagdan. Bumaling siya sa pintuan ng sala at nakita itong tumayo roon.Bigla siyang
NGUMITI si Megara sa babaeng naghahanda ng almusal sa loob ng kusina at binati pa ito bago umupo sa harap ng kitchen island.May nakahanda nang sinangag sa ibabaw ng counter, may scrambled egg, hotdogs, tuyo sa isang plato na may kasamang mga hiniwang kamatis na pula, at pandesal. Napangiti pa siya habang nilalanghap ang mabangong amoy ng kasalukuyan nitong pinipritong marinated na bangus."Ang bango naman, manang! The best talaga ang mga luto mo," puri niya sa babae nang humarap ito sa kaniya para ibigay ang kaniyang hot chocolate.Malapad pa itong ngumiti. "Ikaw talaga. Kabago-bago ko lang dito, e. Impressed ka na masiyado sa akin?"Natawa siya bigla sa narinig. Humigop siya nang mainit na tsokolate bago kumuha ng hotdog at diretsong sinubo ang kalahati.Hindi naman siya masarap magluto. Si Russel lang naman ang gustong-gusto ang mga niluluto niya. At simula nang magkaroon sila ng problema, mas lalo yatang sumama ang lasa ng mga pagkaing niluluto
NAGMAMADALING pumasok sa kotse nito si Russel at nagmaneho pauwi sa kanila. In-off na niya ang kaniyang cell phone. Ni wala na siyang pakialam sa mga importanteng taong tatawag sa kaniya.Ayaw na niyang umeksena pa muli si Narissa sa pagitan nila ni Meg. Ngayon pa na nagiging maayos na sila ng asawa, hindi siya papayag na hadlangan nito ang kanilang kaligayahan.Malayo pa lang ay makikita na ang malapad niyang ngiti sa mukha habang iniisip ang mangyayari mamaya. Paniguradong matutuwa ang asawa kapag nakita ang mga pasalubong niya. Appreciative si Meg sa lahat ng bagay, kahit gaano pa ito kaliit. Kaya gustong-gusto niyang binibigyan ito ng mga pasalubong.Subalit ang malapad na ngiti sa kaniyang mga labi, mabilis na napalitan ng pag-aalala nang makita ang babaeng nakatayo sa labas ng kanilang tarangkahan.Agad niyang inapakan ang break at malakas ang kabog ng dibdib na pinasadahan ng tingin ang dalaga. Nakasuot ito ng simple at kulay puting dress na hangga