Share

Chapter Sixty-one

MALAPIT nang sumapit ang alas-otso ng gabi, at kahit pa sinabi ni Russel sa asawa na aalis siya, ang totoo ay hindi pa siya sigurado kung pupunta siya.

Ayaw na niyang magpatali sa leeg. Kung noon, nagagawa siyang takutin ni Narissa, ngayon ay hindi na niya hahayaang mangyari ang bagay na iyon.

Nilapag niya ang cell phone sa ibabaw ng coffee table at sinandal ang likod sa sandalan ng sofa. Pumikit siya at pinag-isipang mabuti ang mga nangyayari. Sakaling mawala ang problema nila sa lalaking si Rinhu, kailangan na niyang harapin ang isa pang pagsubok na pinagdadaanan.

Ipapaalam na niya kay Megara ang nangyari sa Las Vegas, at kung paano siya natali kay Megara dahil sa takot niyang ibunyag siya ng babae sa lahat. At pagkatapos, saka niya pagtutuunan ng pansin ang huling dagok sa buhay nilang mag-asawa.

Napamulat siya ng mga mata nang marinig ang mga hakbang ni Megara sa hagdan. Bumaling siya sa pintuan ng sala at nakita itong tumayo roon.

Bigla siyang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status