Share

Chapter Sixty-three

NAGMAMADALING pumasok sa kotse nito si Russel at nagmaneho pauwi sa kanila. In-off na niya ang kaniyang cell phone. Ni wala na siyang pakialam sa mga importanteng taong tatawag sa kaniya.

Ayaw na niyang umeksena pa muli si Narissa sa pagitan nila ni Meg. Ngayon pa na nagiging maayos na sila ng asawa, hindi siya papayag na hadlangan nito ang kanilang kaligayahan.

Malayo pa lang ay makikita na ang malapad niyang ngiti sa mukha habang iniisip ang mangyayari mamaya. Paniguradong matutuwa ang asawa kapag nakita ang mga pasalubong niya. Appreciative si Meg sa lahat ng bagay, kahit gaano pa ito kaliit. Kaya gustong-gusto niyang binibigyan ito ng mga pasalubong.

Subalit ang malapad na ngiti sa kaniyang mga labi, mabilis na napalitan ng pag-aalala nang makita ang babaeng nakatayo sa labas ng kanilang tarangkahan.

Agad niyang inapakan ang break at malakas ang kabog ng dibdib na pinasadahan ng tingin ang dalaga. Nakasuot ito ng simple at kulay puting dress na hangga

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status