Share

Chapter Sixty-two

NGUMITI si Megara sa babaeng naghahanda ng almusal sa loob ng kusina at binati pa ito bago umupo sa harap ng kitchen island.

May nakahanda nang sinangag sa ibabaw ng counter, may scrambled egg, hotdogs, tuyo sa isang plato na may kasamang mga hiniwang kamatis na pula, at pandesal. Napangiti pa siya habang nilalanghap ang mabangong amoy ng kasalukuyan nitong pinipritong marinated na bangus.

"Ang bango naman, manang! The best talaga ang mga luto mo," puri niya sa babae nang humarap ito sa kaniya para ibigay ang kaniyang hot chocolate.

Malapad pa itong ngumiti. "Ikaw talaga. Kabago-bago ko lang dito, e. Impressed ka na masiyado sa akin?"

Natawa siya bigla sa narinig. Humigop siya nang mainit na tsokolate bago kumuha ng hotdog at diretsong sinubo ang kalahati.

Hindi naman siya masarap magluto. Si Russel lang naman ang gustong-gusto ang mga niluluto niya. At simula nang magkaroon sila ng problema, mas lalo yatang sumama ang lasa ng mga pagkaing niluluto

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status