Share

Chapter Fifty-nine

AGAD na nagkamay sina Russel at Kane nang makarating sila sa hotel room kung saan ito naghihintay. Nagkasundo silang tatlo na magkita na lamang sa labas sa halip na sa bahay nila. Mas ligtas kung hindi sila makikitang magkasama.

Umupo sa magkaharap na armchair ang dalawang lalaki habang siya ay nagtungo sa labas ng balkonahe. Hinayaan niyang tangayin ng hangin ang mahaba niyang buhok at dinama ang lamig nito.

Sa gitna ng problema, minsan, masarap kalimutan muna ang lahat at piliing magpahinga pansamantala. Sa mga nagdaang araw, wala siyang ibang ginawa kundi manatili sa bahay nila, pero pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Pagod ang isip at puso niya sa mga nangyayari.

Naramdaman niya ang presensiya ng isang tao sa kaniyang likuran, kasunod roon ang pagpisil ng mainit na palad sa kanan niyang balikat.

Nilingon niya kung sino ito at nakita ang asawang si Russel. Sumilay ang banayad na ngiti sa mga labi ng lalaki. Ibinaba nito ang isang baso ng orange ju

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status