Share

Chapter 42

Third person point of view

Sabay na naglakad palabas ng kwarto si Connor at Florence ng magkahawak ang kamay. Napagdesisyunan ng dalawa na ituloy ang naudlot nilang date sa kabila ng naging pagtatalo nila.

"Do you think papayag ang parents mo na isama kita sa US?" Nababahalang tanong ni Connor.

Napaisip si Florence at maging siya ay kaagad ding nabahala dahil kapag nagkataon kasi ay ito ang unang beses na talagang lalayo siya sa pamilya niya ng hindi trabaho ang dahilan.

Nagpatuloy ang dalawa sa pag-uusap hanggang sa makarating sila sa sala ng bahay sa first floor.

"So, okay na kayong dalawa? Mukhang blooming ka ah, Florence!"

Napatigil sila sa pag-uusap ni Connor at sabay na napatingin kay Brent na nakataas ang kilay habang may nang-aasar na ngisi.

Kaagad na nag-init ang buong mukha niya at pakiramdam niya ay umakayat sa ulo niya ang lahat ng dugo niya dahil may ibang kahulugan ang mga ngisi nito.

Pinandilatan niya si Brent na bigla nalang humalakhak. Nagtatakang nagpabalik-balik ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status