Share

Chapter 46

ISA

DUMATING ang mga Cavallaro pagsapit ng gabi. Hindi makapaniwalang napangiti ako habang tinitingnan si Senyora Celestia. Taas-noo pa rin itong pumasok na parang hindi lumuhod sa amin kanina.

Inihatid sila ng mga katulong sa kanilang kuwarto. Nagpahanda naman ng maraming pagkain si Inay sa chef.

Wala pang limang minuto mula nang makaupo kami sa harap ng hapag, pumasok sa dining room si Senyora Celestia at naupo sa kabilang dulo ng lamesa.

"Anong ginagawa mo?" Umarko ang mga kilay ni Inay.

Umikot ang mga mata ni Senyora Celestia. "Hindi ba halata? Seriously, Minerva, akala ko pa naman, matalino ka."

Tumawa si Inay. "Alam kong makapal ang mukha mo, pero hindi ko inaasahan na ganito na kakapal. Oo nga't pinayagan ko kayong tumira sa pamamahay ko, pero hindi ibig sabihin no'n, libre ang lahat ng gagawin at kakainin n'yo rito."

Natigilan ito sa narinig. "At anong ibig mong sabihin?"

Sakto naman na dumating sina Uno at Gwen sa dining, kaya narinig ng mga ito ang lahat.

"Kung gusto mong ku
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status