Share

DOS 23

YUJI

NAKAUPO ako sa sahig at nakayakap sa mga binti ko. Nakatulala ako habang malalim ang iniisip. Gusto kong umiyak pero wala nang lumalabas na luha mula sa mga mata ko. Ubos na. Said na said.

Ni sa hinagap, hindi ko naisip na magagawa sa akin ni Dos ang bagay na ito. Siya na pinagkatiwalaan at minahal ko. Bakit kailangan ikulong pa niya ako rito kung wala naman siyang pagmamahal para sa akin! Dahil ba sa deal nila ni Mommy?

Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ang pagbukas ng pinto at ang mga yabag na papalapit sa akin. Galit akong bumaling sa malayo para makaiwas sa kaniya.

"Wife, I brought you breakfast."

"I'm not hungry."

Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. "Yuji, dalawang araw ka nang hindi kumakain. Ni tubig, ayaw mong uminom. Please, stop this. Sarili mo lang ang pinapahirapan mo."

Naniningkit ang mga matang nilingon ko siya. "Gusto mo akong kumain? Palabasin mo ako rito!"

"I can't."

Akala ko kanina, ubos na ang mga luha ko. Pero heto't bumubuhos na naman sila habang nak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status