"ISUSUNOD ko ang tiyohin mo." Nakangisi na bulong ni Tony kay Cloud nang magtapat sila sa pintuan. Lalong lumawak ang ngiti sa labi nang napatda sa kinatayuan ang lalaki at nilingon siya."Gaano mo kamahal ang iniingatan mong anak?" Siya naman ang napatda nang marinig ang sinabi ni Cloud. Bigla siyang kinabahan lalo na nang magsalita itong muli.He grinned while looking at his face. Woried was written all over on Tony's face. "Or should I say—" luminga muna siya sa paligid bago inilapit ang bibig sa tainga ni Tony. " Paano nagkaroon ng anak ang isang baog?"Nakapamulsa ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng suot na slack pants habang naglalakad palayo kay Tony. Daig pa ng lalaki ang natuklaw ng ahas sa hitsura nito ngayon."Ano ang sinabi mo roon at nagkulay suka na ang mukha niya?" Siniko ni Micko sa tagiliran si Cloud. Nilingon niya si Tony na nanatili pa rin sa kinatayuan nito."Hayaan natin na mabaliw siya sa pag-iisip." Makahulogang tugon ni Cloud sa kaibigan.Sabay na napai
HUMIGPIT ang bantay ng kalaban sa paligid," paanas na ani ni Micko kay Cloud. Ang balak niya ay puntahan sina Ashton sa pinagtaguan nito ng tatlong bihag."Marahil ay alam na niya ang nangyari sa tatlo niyang tauhan." Matalim ang tingin sa malayo ni Cloud habang nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng suot na short. Gabi na at bukas ay mayroon na muling hearing sa kaniyang kaso."Narinig ko nga pala kanina na kausap ng asawa mo sa cellphone nito ang iyong ina. Kailangan na mag-ingat siya dahil baka may tao si Tony dito sa loob ng bahay.""Pagsabihan ko siya," maiksing tugon ni Cloud sa kaibigan. Maraming katulong sa loob ng bahay at tama ang kaibigan, hindi niya kilala ang mga ito lalo na at ang ilan ay galing kay Conrad noon."Matulog ka na at maaga pa tayo bukas. Ako na muna bahala magmatyag sa paligid." Patulak niyang pinaalis si Cloud. Si Dexter ay nagpapahinga na rin sa silid nito kasama si Jeydon. Bago pumasok sa silid nilang mag-asawa ay sinilip muna ni Cloud ang dalawa. Alam n
KINABUKASAN ay maagang naghanda sina Cloud upang dumalo sa hearing. "Mag-ingat kayo lalo ka na." Paalala ni Ellah sa asawa habang inaayos ang necktie nito."I will, huwag ka rin lumabas ng bahay at takasan ang iyong bantay." Napangiti si Ellah nang makitang seryuso ang asawa at ang lambong na naman ng aura nito. Pero mas okay na ang ganito kaysa noong hindi pa niya asawa ito, lagi na ang dilim ng aura ng mukha nito."Kailangan ko nang umalis." Mabilis at magaan na halik ang iginawad ni Cloud sa labi ng asawa.Hinatid ni Ellah ang asawa hanggang sa labas ng pintuan. Nakita niya sina Jeydon na papasok na rin ng kotse. Napalingon si Jeydonsa gawi nila Cloud. Napangisi siya nang mapagmasdan ang kaibigang abogado. Muli siyang napatitig sa kaibigan nang ngumiti ito sa asawa nito. Hindi niya akalain na makapag-asawa ito. Sa lahat sa kanilang magkakaibigan ay ito ay mahirap pakibagayan. Ito rin ay may pinaka matigas ang kalooban sa kanila."Let's go." Tawag ni Dexter sa dalawa.Pinapasok n
MABILIS na pinatay ng judge ang television matapos mapanuod ang balita. Iginala niya ang tingin sa mga naroon at lahat ang mga ito ay mukhang mga malulungkot."Kailangan pagbigyan ang request nila dahil taong bayan ang makakalaban natin kung magkataon." Lakas loob na turan ng isa sa hurado at sinang-ayunan ng karamihan.Kampanting bumalik sa kinaupuan sina Cloud nang muling humarap sila sa pagdinig.Nangangalit ang bagang ni Tony habang yakap ng mahigpit ang anak na umiiyak nang marinig ang pasya ng taga hukom. "Minumungkahi ko rin na isa sa doctor namin ang magsagawa ng DNA test upang masiguro na walang mangyaring dayaan." Pagbigay imporma muli ni Jeydon.Nag-igtingan ang mga ugat sa kamao at leeg ni Tony dahil sa pagpipigil ng galit. Nag-iisip kung paano malusutan at mapalabas na totoong anak niya si Eliza.Natapos ang hearing na pabor kina Cloud. Ngumiti lang si Jeydon kay Gab bago nakipagkamay dito."Hanggang sa muli." Ngumiti si Gab kay Jeydon upang ipakita dito na baliwala sa k
ARAW ng hearing ay muling nagharap ang magkabilang kampo. Lalong naging maingay ang balita dahil si Ted naman ang lilitisin."Magkamukha nga sila ng makisig na abogado." Bulong-bulongan sa paligid nang makita sa iisang room na sina Cloud at Ted.Napatitig si Ted sa taong nakaupo sa kabilang banda. Ngayon niya lang ito nakita ng personal at naluluhang tinitigan ito. Masaya siya dahil buhay pa ang pamangkin at nakabalik na sa kanila. Ang buong akala nila ay patay na talaga ito."Kompandre, alalahanin mong hindi na siya ang kilala mong bata noon. Isa pa ay hindi pa tayo nakakasiguro na siya nga ang nawawala mong pamangkin." Paalala ni Tony kay Ted. Patuloy siyang nagpapanggap na kakampi siya nito.Tinapunan lang ni Ted ng tingin si Tony at tahimik na umupo sa upuang nasa unahang helera. Agad tumabi sa kaniya ang abogado na pangalawang beses pa lang niya nakaharap. Nagtiwala siya dito nang magpakilala itong kaibigan ng kaniyang pamangkin.Iba namang abogado ang kadiskusyon ni Micko at ala
WALANG humpay na pasalamat ng pamilya ni Ted kay Micko matapos ang hearing. Nagkaroon ng reunion sa mansion ng araw ding iyon. Dumating na rin ang ina ni Cloud at maayos na ang pag-iisip kahit papaano. "Kuya!" umiiyak na yumakap si Ana sa kapatid nang makita ito."Ayos ka lang ba? Sinasaktan ka ba ng hayop na iyon noong nasa poder ka niya?" nag-aalalang tanong ni Ted sa kapatid.Naluluha na umiling si Ana. Nasisigawan siya ni Tony pero hindi naman siya nagawa nitong saktan lalo na at wala siya sa kaniyang sarili. Sobra siyang nagsisi kung bakit naniwala sa panlabas na anyo ni Tony. Hindi niya akalain na ito ang dahilan kung bakit nawala ang kaniyang anak noon. Nang maalala muli ang anak na nasa tabi niya lang ay niyakap niya ito ng mahigpit."Lights—ikaw na pala si Cloud ngayon." Mahigpit na hinawakan ni Ted sa balikat ang pamangkin."Ayos lang po kahit anong pangalan ang itawag mo sa akin."Nakangiting tumango si Ted at masaya habang palipat-lipat ang tingin sa kapatid at kay Cloud.
"Da-Dark..."Napatda si Dark sa bungad ng pintuan pagkarinig sa tinig ni Raiko."Tama na, Dark!" malumanay na pakiusap ni Raiko sa binata."Raiko!" ang nanalilisik na mga mata ni Dark ay unti-unting lumambong pagkakita sa dalaga. Mabilis itong lumapit at tinabig ang matandang umaalalay dito."Huwag mo silang saktan, Dark. Hindi sila kaaway." Pagsusumamo ni Raiko. Nagpasalamat siya at nag-iisa lang itong sumugod doon."Pero—" natigil siya sa pagsasalita nang makita ang luhang pumatak sa mga mata ni Raiko. Buong buhay nilang magkasama ay ngayon niya lang itong nakitang umiyak. Ang tila bato niyang puso ay biglang nanlambot at nasasaktan siya sa nakikita.Gumapang si Mae at nilapitan ang matanda upang tingnan kung may natamo itong pinsala. Hinayaan na muna niya si Raiko na siyang magpakalma kay Dark."Dark, pagod na ako."Mabilis na nilapitan ni Dark ang dalaga at niyakap ito ng mahigpit. "Shhh, gagaling ka pa, nangako sa akin si Lucas na ipapagamot ka niya."Marahang umiling si Raiko at
NAGISING sina Cris at Amalia nang buhusan ang mga ito ng tubig sa mukha ni Ruel."Nasaan ang kalaban?" Tanong ni Cris kasabay ng pagtalon sa kama pagkabangon.Ganoon din si Amalia na mukhang nagising mula sa masamang panaginip o bangungot."Wala na tayong oras, bilisan niyo at tulongan akong mailabas dito sina Raiko bago pa dumating ang ibang kalaban."Mukhang mga wala sa sariling umikot sa silid ang dalawa at hinanap ang mga baril nila. Nauna na si Ruel sa paglabas na halos hilahin na ang isang paa dahil may bali. Nagkatulakan pa sina Cris at Amalia palabas ng pintuan ng silid nila at mabilis na sumunod kay Ruel. Didiritso na sana sila sa silid ni Raiko nang makarinig nang hiyaw mula sa ibang silid. Sabay silang nagkatinginang dalawa at muling tumakbo kung saan nanggaling ang ingay."Oh my, God!" Sabay na natutop nila Amalia at Cris ang sariling bibig nang bumungad sa kanila ang mukha ni Lucas. Naghihiyaw ito sa sakit at hindi na nila makilala ang mukha nito. Naliligo na ito sa sari