Share

Book 7: Chapter 32-Saan ka galing?

"Ano ang tinitingin-tingin mo, ha?" naninindak na tanong ng lalaki kay Wigo nang mahuli siya nitong nakakatig dito.

"Mata, bakit?" pilusupong sagot ni Wigo sa lalaki at pinalaki ang mga matang singkit.

"Aba't pilosopo kang baliw ka ah!" Hinaklit ng lalaki ang kuwelyo ng damit ni Wigo.

"Nagsalita ang hindi baliw." Sarkastiko ngunit kalmadong wika ni Wigo. Humarang siya sa harap ng lalaking pareho nilang puntirya.

"Ano ang sabi mo?" nanlilisik ang mga mata ng lalaki.

Mabilis na naiharang ni Wigo ang palad sa sariling mukha upang hindi matalsikan ng laway ng lalaki. "Tss! Ang laway mo! Lahat ng nandito sa seldang ito ay baliw kaya huwag kang magalit kung tawagin kitang baliw!"

Napatda ang lalaki at napaisip sa narinig. Iyon ang kinuhang pagkakataon ni Wigo at itinulak ito palayo sa kanya. Sa kanyang ginawa ay lalo lamang nagalit ang lalaki. Mabilis itong tumayo mula sa sahig na pinagtumbahan at sumugod kay wigo.

"Lumayo ka!" Utos niya sa lalaking kriminal na tulalang nakatingin sa kani
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status