Share

Book 7: Chapter 31-Kabaliwan

''DIYAN ka!"

"King ina!" napamura si Wigo nang kamumtik na mapasubsob ang mukha sa sahig nang pabalya siyang ipinasok sa kulongan ng pulis. "Shit!" Kinapa niya ang sariling mukha kung malaking sugat ba ang natamo niyon. Nakipag suntokan siya kanina sa isang pulis at mukha pa niya ang pinuntirya ng lalaki.

"Sa susunod ay kilalanin mo kung sino ang binabangga mo ha!" Dinuro ng pulis si Wigo, may sugat din ito sa labi dahil pumotok iyon nang suntokin ni Wigo.

''Ulol! Isa kang salot na pulis!" bulyaw ni Wigo sa lalaki. Asar siya rito dahil nasira ang plano niya na pumasok sa kulungan na pogi pa rin ang mukha. Sa halip na magpanggap na lasing at hamunin lang ito ng away, diritso rambol siya dito dahil nakita niyang tangkang panghahalay nito ng dalagita sa liblib na lugar. Pasalamat ito dahil may dumating na ibang tao, kung hindi ay baka durog ang mukha nito sa kanyang kamao. Malas nga lang at nabaliktad ang sitwasyon. Siya ang lumabas na rapist, ang dalagita ay ayaw sumagot nang tanongin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status