Share

Book 7: Chapter 17-Mapagparusang halik

SA BILIS ng pangyayari sa buhay ni Ellah, hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na hindi na siya dalaga. Isang linggo lamang ang nakalipas ay ikinasal sila ni Cloud sa huwes. Ang kanyang ninong din ang tumayong ama dahil hindi pa nagigising ang kanyang ama.

"Hija, masaya ako at lumagay ka na rin sa tahimik na buhay." Naluluhang niyakap ni Laila ang pamangkin.

Pilit ang ngiting sumilay sa labi ni Ellah. Walang alam ang tiyahin sa tunay na nangyayari sa paligid. Nagpatianod lang din siya sa plano ng kaniyang ninong kaya napadali ang kasal. Ang alam lang ng tiyahin ay nagalaw siya ni Cloud kaya kailangan nilang magpakasal. Pumayag ito na sa huwes muna dahil nasa hospital pa ang ama niya.

"Ingatan mo ang inaanak ko." Nakipagkamay si Tony kay Cloud. Ngayon lang sila nagharap at pinakilala ang sarili sa isa't isa.

"Pinakasalan ko siya upang masiguro ang kaligtasan niya." Maaskad na sagot ni Cloud sa congressman. Walang pangingiming ipinakita ang tunay na ugali sa taong halang ang b
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status