Share

Kabanata 002

Sa pagdating ng mga magulang ni Arnaldo tuloy tuloy pa rin sa paghagulgol si Sandra.

“Tita hindi ko po ito matatanggap. Huhuhuhu Bakit nagawa ni Arnaldo ito” saba’y yakap ni Sandra kay Veronica ang Mommy ni Arnaldo. Malapit na malapit ito kay Veronica simula ng maipagkasundo ito sa pamilya nila upang maging asawa ni Arnaldo ay todo ang asikaso ni Sandra kila Veronica at Gener na talaga namang hinahangaan at na-appreciate ng matanda dahil sa edad ng mga ito at isa pa itinuring na nila itong sariling anak mula ng mawala sa kanila si Angela ng dahil sa isang malagim na insidentwng kinasangkutan nito. Napakalaki ng naging epekto para sa magulang ni Arnaldo ng inaidenyeng iyon lalo na sa mommy Veronica nila. kaya sumang-ayon na lamang ito sa kagustuhan ng kanyang mga magulang na ipagkasundo siya ng mga ito para kay Sandra.

Awang-awa si Veronica sa nasaksihang sitwasyon lalo na kay Sandra. yakap yakap ni Veronica si Sandra at hinahagod hagod ang likod upang mapatahan si Sandra sa pagkakaiyak nito. Bigla na lang nitong binalingan ng matalim na tingin si Amelia.

“ikaw babae ka!. Sino ka at bakit nasa loob ka ng silid ng anak ko?! Hindi mo ba alam na ikakasal na ang anak ko?. Hindi ka ba naturan ng mga magulang mong masama ang makipagsiping lalong lalo kung hindi mo ito asawa?!” ika ni Veronica na may talim sa mga matang nagbabanta kay Amelia. Patuloy pa rin ito sa pag-alo kay Sandra dahil halos hindi na ito makahinga sa pagkakaiyak.

Tuloy-tuloy lang si Amelia sa pagkuha isa isa ng kanyang mga gamit . ang tanging naiisip nya lang ay makaalis sa bahay na iyon. Hindi na niya naririnig ang mga salitang binibitawan sa kanya ng mga TAO sa paligid niya at hindi na din niya inda ang pananakit ng mga ito physical sa kanya.

Tuloy pa rin sa paghampas at pag-sambunot sa kanya ni Kenzo. At si Sandra naman ay tuloy lang sa pag-iyak habang walang tigil ang panunumbat nito kay Arnaldo na may lambing pa rin sa kanyang mga binibitawang salita para sa taong minamahal niya.

Sobrang hiyang hiya at litong lito si Amelia sa kung ano ba talaga ang ngyayari. “hiinnnndi kooo po …… pagsisimula ni Amelia habang nakayuko at unahan ng tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. Ngunit mas pinili niang manakbo palabas ng silid na iyon dahil alam niyang walang nakikinig sa kanya sa kahit anong paliwanag ang kanyang sabihin ay wala rin naman naniniwala.

Napatingin din siya kay Arnaldo at ang mga mata niya ay nagsusumamo at humihingi ng tulong kung pano ipapaliwanag ang ngyari. Ngunit walang kahit anong paliwanag o anumang salita ang lumabas sa mga labi ni Arnaldo. Napapalunok na lang ito at makikita din sa mukha nito ang pagtataka. Hindi naman na siya makatayo ng mga sandaling iyon dahil napuno na ng tao ang kanyang silid at walang saplot ang kanyang katawan.

Mabuti na lamang at ng mga sandaling iyon ay nasa hagdan pa rin si Karla at itinuro nito kay Amelia ang direksyon ng pintuan palabas ng mansion . Ramdam ni Karla na hindi talaga masamang tao si Amelia at alam na alam nito kung anong mga istorya ang kayang gawin ni Sandra makuha lamang ang simpatya ng mga magulang ni Arnaldo.

TUluyan na ngang nakalabas ng mansion si Amelia, at laking pasasalamat nito ng saktong may nagdadaan ng taxi ng mga sandaling iyon. Agad siyang sumakay ng Taxi at nagpahatid sa kaniyang bahay.

Sa loob naman naman ng mansion ay tuloy pa rin ang tension.

Lahat ng mga kasambahay sa mansion ay kilang kilala ang totoong ugali ni Sandra kapag hindi nito kaharap ang pamilya ni Arnaldo. Lalong lalo na sa harapan ni Arnaldo.

Ngunit wala naman silang magawa kundi sambahin lamang ito dahil pag sinubukan nilang kalabanin ito paniguradong tanggal sila sa trabaho kagaya na lamang ng ginawa nitong pagpapaalis sa matagal ng kasambahay nila Arnaldo na si Divina. Dahil hindi na nito kinakaya ang kasinungalingan na ginagawa ni Sandra ay nagsubok itong magsumbong sa mommy at daddy ni Arnaldo ngunit binaliktad sya lahat ni Sandra sapagkat alam na alam nito kung paano paikutin ang utak ng mga magulang ni Arnaldo.

. Magmula kasi ng mamatay ang nakababatang kapatid ni Arnaldo dahil sa isang malagim na trahedya ay si Sandra na itinuring nilang anak na babae.

At ipinagkasundo na nga ng dalawang pamilya sila Arnaldo at Sandra na nakatadhanang ikasal sa susunod na 2 taon.

tuloy tuloy pa rin ang pagtatanong ni Veronica ang mommy ni Arnaldo sa kanya sa kung ano bang ngyari at kung ano ang ginagawa ng babaeng iyon sa kanyang kwarto.

“iha tumahan ka na ako ng bahala kay Arnaldo, aalamin ko ang puno’t dulo ng mga pangyayaring ito.” Ani ni Veronica kay Sandra.

“Kenzo, can you please bring Sandra to another room. Everyone! Please get out of this room and leave me with my son!. I want to talk to my son“ utos din ni Veronica sa lahat ng tao na nasa kwarto.

Ang lahat naman ng tao ay unti-unting naglabasan ng silid ni Arnaldo. Naiwan lamang si Veronica at Gener.

“Bilisan mo Arnaldo magbihis ka at mag uusap tayo!” Pasinghal na utos ni Veronica sa anak.

“ok mom! Give me 5 minutes and I will be out!” sagot naman nito sa ina.

Tahimik lang si Gener. Hindi nito ugaling makielam sa kung ano mang ginagawa ng anak nito dahil gusto niyang bigyan ng laya ang kanyang anak sa kung ano mang gusto nito. ngunit dahil sa pagmamahal nito sa kanyang asawa ay lagi lamang itong nasa tabi nito at sumasang ayon, alam kasi nito ang pighati na pinagdaanan buhat ng insidenteng kumitil sa buhay ng kanilang anak na babae.

“ok Arnaldo, pagkatapos mo pumunta ka sa library room at doon ka namin hihintayin ng mommy mo! Dun na tayo mag-usap.” Ani ni Gener sa kanyang anak.

“tara na honey hayaan na muna nating makapag-ayos ang iyong anak, duon na tayo maghintay sa library room. “ aya ni Gener sa kanyang asawa.

Samantalang sila Kenzo at Sandra naman ay tumuloy sa receiving area ng mga bisita. Duon na sila tumungo upang maghintay at magpalamig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status