Share

The Wily Husband - Chapter 16

GULAT na gulat ang dalaga. Kitang-kita iyon ni Ysrael. Hindi nito inaasahan na magiging gayon siya kapangahas.

"Hindi ko gusto ang ginagawa mo, Ysrael! Ang mabuti pa, itigil mo na ang kalokohang ito. Lumabas na tayo dito!" pahayag nito sa aristokratikong tono.

"Ikinalulungkot ko, mahal na prinsesa. Hindi ko mapagbibigyan ang kahilingan n'yo," panunudyo niya.

Nakangiti siya habang pinapanood ang pagkokontrol ng dalaga sa sarili. Nakahanda siya sa pag-atake nito ngunit nabigo siya sa inaasahan. Tumalikod ang babae sa kanya at lumapit sa lamesa. Kumuha ito ng isang mansanas na pulam-pula.

Nakangiti na rin ito nang muling humarap sa kanya. Iniaalok ang mansanas. "Tatanggapin ko ang apology mo," wika nito, "kung kakagat ka rito."

Nag-alangan si Ysrael. Alam niyang tinutukso siya ng babae.

"Ayaw mo?" Kunwa'y nagdamdam ang babae. "Ilang beses mo na akong binibigo, Ysrael."

"Ganyan ka rin sa akin, Lorelei," salo niya. "Pero kakagat ako."

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status