Share

The Wily Husband - Chapter 8

CHAPTER EIGHT:

"MANONG Udong, saan kaya ako puwedeng tumira habang nandirito ako?" tanong niya sa matandang lalaki.

Ang matabil na drayber ang sumagot sa kanya. "May mga pinapaupahang bahay dito sa farm, Mr. Ravago," pahayag nito. "Ang namamahala ay si Nana Desta."

"Sino 'yon?"

"'Yung katiwala ni Senyorita Lei," sabad naman ni Manong Udong. "Dating yaya at ngayon ay tanging kasama sa malaking bahay."

"Tanggapin kaya niya ako bilang tenant?"

"Kung ipapakilala n'yo nang maayos ang sarili n'yo, oo." Ang drayber na naman.

"Mahigpit pala siya."

"Hindi naman. Kaya lang, ang kalimitang nagbabakasyon sa ganitong lugar ay matatanda na o kaya'y galing sa sakit. O di kaya'y isang buong pamilya na mahilig sa nature," ang mahabang paliwanag ng nagmamaneho. "Maninibago sa inyo si Nana Desta dahil binatang-binata kayo at tila hindi sanay sa ganitong lugar."

"Ganoon ba?" singit ni Manong Udong. "Puwede kaya akong mag-apply na kasama mo

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status