Share

The Wily Husband - Chapter 13

CHAPTER THIRTEEN:

YAPOS ng mga bisig ni Lorelei ang sarili nang makarating siya sa mansiyon.

"Bakit niya ako tinanggihan?" tanong niya habang awtomatikong nagkakandado ng mga bintana at pinto.

Hanggang ngayon, parang nakalutang ang kanyang pakiramdam dahil sa matinding pagkapahiya.

Mali naman kasi ang nais niyang mangyari.

Aakitin niya ang lalaki upang mapaalis ito sa kanyang teritoryo.

I'm a good catch, wika pa ng lalaki sa kanya.

"True," sang-ayon niya habang umaakyat sa hagdanan.

Sa buong buhay ng isang babae, bihira lang makakurus ng landas ang isang binatang gayon ang kilatis, ang sabi naman ni Nana Desta.

"True again," buntonghininga niya. Napasandal siya sa isinaradong pinto. "Pero hindi ang yaman at ang hitsura lang ng lalaki ang tamang dahilan para magpakasal ako!"

Hindi ang mga iyon lang ang puwedeng maging kapalit ng kalayaan niya!

Nagtungo siya sa banyo upang maglinis ng sarili. Nais niyang mabu

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status