Share

The Wily Husband - Chapter 14

CHAPTER FOURTEEN:

TANGHALI na nang magising si Ysrael. Paano'y nagbubukangliwayway na nang sumuko ang utak sa kaiisip.

"Lorelei," sambit niya, paungol. Dumapa siya upang ikubli ang pagkapukaw ng katawan.

Gising na gising ang kanyang pagkalalaki dahil magkaulayaw sila ni Lorelei sa panaginip.

Hanggang kailan ba siya pahihirapan ng babaeng iyon?

"Don't blame her, man!" bawi ng isang sarili niya. "She was practically begging you to make love to her last night!"

Pumikit siya nang mariin. Iwinaksi niya ang panghihinayang. Pilit niyang binura ang mapanuksong gunita ng perpektong kariktan ng dalaga.

"I'm trying to prove something, dammit!" pagmumura niya. Iritable siya dahil hindi naibsan ang pangangailangan niya.

Pinuwersa niya ang sarili na bumangon. Nagtungo siya sa banyo para palisin ang mabigat na pakiramdam.

"Marry me soon, Lorelei," bulong niya habang nagsasabon ng malapad na dibdib. "Hindi ko alam kung hanggang kailan a

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status