Share

Chapter 32

Hindi ko na alam kung ano'ng oras ako nakatulog. Hindi ako pinatulog ng kirot sa aking puso dahil sa dinadamdam ni Heather.

Sana iniwan ko na lang siya sa isla, para naiwasan ang pagkikita nila ng kaniyang daddy.

ALAS-SAIS NANG BUMANGON AKO. Madami ang natirang mga pagkain kagabi kaya iinitin ko na lang ang iba. Sinangag ko na lang din ang natirang kanin.

Napapatulala ako at napapabuntong hininga, kapag ganiyan na sumasagi sa aking isip ang lahat ng mga nangyari.

Nagtimpla ako ng kape para naman mabawasan ang pananamlay ko kaso parang mas lalo pang bumigat ang pakiramdam ko.

Pumasok ako sa silid pagkatapos kong magsangag, upang maligo na. Tulog pa din si Heather. Nang matapos akong magbihis, natutulog pa din siya.

Maaga pa naman kaya nagpasya akong maghintay muna sa sala ng isang oras bago ako umalis.

Humihigop ako ng kape habang nagche-check ng aking email. Nai-stress ako kaya ang pag-inom ng kape ang napagdiskitahan ko.

Nalagingin ako sa pintuan ng silid ni Lucinda. Nakangi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Missy F
puro promises
goodnovel comment avatar
Che Palmes Cordero
Next po mis A,,plssssss
goodnovel comment avatar
Lyn Pascua
nkakainis si ivan..rason nya dahil may sakit si Maureen kaya sya lumalapit at dahil sa hiling ng magulang. my god mas ma timpani Sq kanya si Maureen Kong ganon.di nya iniisip Kong ano nararamdaman ng mag ina nya.o pano Kong ang anak nya mag kasakit may maitulong kaya si Maureen?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status