I PAST OUT. HINDI KO ALAM KUNG GAANO KATAGAL. Pero nang muli akong magkaroon ng malay, nakarinig ako ng kakaibang ingay. Andar ng malakas na makina. Hindi ko sigurado kung sa vessel ba nanggagaling ang ingay na iyon. May mas malakas pang ingay akong naririnig. My eyes remain closed. Hindi ko na alam kung ano'ng nangyayari sa paligid. I hear some screams. Some gunshots. Someone is shouting and calling my name. And then, everything went black. Nang magising ako, ang puting kisame at maliwanag na ilaw ang nabungaran ko. "I-Ivan?!" Nag-aalalang lumapit sa akin ang lalakeng tinawag ko. Naiyak ako nang makita ko ang mga luha sa kaniyang mga mata. "I had a bad dream," bulong ko. Niyakap niya ako. Mahigpit na mahigpit. "Yes, love. It's just a bad dream." Nasa ospital kaming dalawa ngayon. Maayos naman siya. Ako lang ang nakasuwero. Nawalan ako ng malay at kinailangan ding tahiin ang sugat sa aking pisngi. Malalim at medyo may kalakihan ang sugat kaya tinahi ng doctor. Nakasampa si Ivan
Ayaw kong magsalita pero nagawa kong ibuka ang aking bibig. "O-Okay." Tumango ako. He sit still for one minute before standing up and leaving me alone in this room. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatunganga lang sa kawalan. Nang kumurap ako, doon ko lang naramdaman ang basa kong mga pisngi dahil sa luha. Kinuha ko ang aking celphone. Nakaramdam ako ng pagkabalisa kaya kailangan kong may makausap. "Hello? Kumusta ka?" Sunod-sunod ang mga tanong ni Rachelle sa akin. Hindi ko pa siya nakakausap pagkatapos ng nangyari. Ang daming ganap sa buhay ko. I was kidnapped and now here's Ivan, telling me that he's gonna process our anulment. Tumikhim ako at tumingin sa may malawak na langit bago nagsalita. "Nakikipaghiwalay na si Ivan sa akin."Ilang sandali na natahimik si Rachelle. Tinignan ko pa kung nasa linya pa ba siya. Bago siya magsalita marahas siyang bumuntong hininga. "Tang in@ng iyan! May tagas ba sa ulo iyang asawa mo?!" Gigil na gigil siya. Hindi ko na nga nasundan ang
Sinikap kong ngumiti kahit na nagpapakita ng pagkaawa sa akin sina Almira at Rachelle na nakaabang sa aming pagdating. They hugged me. Pinipilit na huwag ng umiyak. Umiiyak na naman ako. Ang hina-hina ko pa din talaga pagdating sa kaniya. Nakipaglaro naman agad si Heather kay Myrrh. "Sa loob lang ng room, okay?" bilin ni Almira dito. Bawal lumabas ang bata at ma-exposed sa ibang tao. Ganoon din si Mira, ayaw din niyang makisalamuha at makita ng ibang mga tao. Nagtatago silang mag-ina kaya nga hindi ko inasahan na nandito sila ngayon. Hindi naman sana ako iiyak, kung hindi lang nila pinaulit na pinakuwento sa akin ang mga nangyari. Naiinis na nga akong magkuwento dahil paulit-ulit na lang. Pati kung paano kami naging mag-asawa. Tumawa sila nang umungol ako sa inis. Alam kong sinasadya nila ito. At kung ano ang dahilan nila, ewan ko sa kanila. Nakasimangot na ako at nakahalukipkip. "Huwag na nga natin siyang pag-usapan! Nabubuwisit na ako!" Napalakas ng tawa ang dalawa. "Isa iy
Mabilis na nakabawi si Almira sa gulat. Seryoso na mukha ang sinukli niya sa lalakeng pinagtataguan niya. Si Chelle ay para namang nakakita ng multo habang nakatingin sa mga kaibigan ni Ivan. Hindi ko alam kung sino kina Angus, Caius at Huxley. Inagaw ni Ivan ang atensyon ko kaya napakurap ako. "Ano'ng ginagawa mo dito?!" singhal ko sa kaniya. Ano na naman ang trip niya at bigla siyang nagpunta dito? Ngali-ngali ko siyang sapakin kaso ayaw kong ipakita na bitter ako kahit pa gustong-gusto kong magwala sa mga sandaling ito. "Lasing ka na, umuwi ka na," sagot niya sa halip. Malumanay ang boses. Akala mo matiyagang asawa na nanunundo ng asawang nagtatampo. Sumimangot naman ako. Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko. Sino ba siya para sundin ko? Ang kapal ng mukha niya! "Let's go," aya niya pero nagmatigas ako. Tumingin ako sa ibang direksyon habang nakahalukipkip. Nagtitimpi siyang tumingin sa akin. Bakit tila galit ito sa akin? Ano'ng kasalanan ko? At ano'ng ginagawa niya dito? He si
Iniwan ko siya. Hindi na din siya nagtangkang pigilan o habulin pa ako. Wala din naman siyang magagawa para baguhin ang desisyon ko. Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, tingin niya tatanggapin ko ang proposal niya? Parang binigyan ko lang siya ulit ng entry pass upang saktan ako ng paulit-ulit. Mabuti ng malaman niya na hindi na ako ang asawa na marupok at kayang intindihin siya kahit pa nasasaktan na. I'm not that woman anymore. Naligo muna ako bago ko tinabihan si Heather sa kama. Pero dahil hindi ako makatulog kahit pa nakainom ako, bumangon din ako upang magtrabaho. Napapailing ako habang naiisip ang nangyari. Damn you, Ivan! Wala ka ng ibang ginawa kung hindi paglaruan ang damdamin ko. Buti sana kung wala tayong anak na nadadamay. Pati siya ginugulo mo ang isip. NAGISING ako nang maramdaman ko na wala na si Heather sa aking tabi. Masakit man ang ulo ko, pinilit kong bumangon para asikasuhin ang aking anak. Baka gutom na siya, it's already eight in the morning. Naghilamos ako at
NANDITO PA DIN SI IVAN. Ilang araw na siyang naririto. Siya ang nag-aalaga kay Heather sa buong maghapon, habang nagtatrabaho ako. Siya din ang nagluluto ng breakfast at siya din ang naghuhugas ng aming mga pinagkainan. "Mommy, nandito na ang flowers mo!" sigaw ni Heather mula sa labas ng bahay. Hinihintay niya ang paglapag ng chopper. "Mommy!" Dumungaw naman ako sa bintana upang tingnan ang aking anak. Ang laki ng ngiti niya sa labi. Kasama niya si Ivan na nakatingala din sa akin. Tumakbo siya palapit sa chopper nang tuluyan itong lumapag. Masyadong malaki ang bouquet ng bulaklak kaya hindi niya ito mabitbit. May inabot na paper bag ang assistant ni Ivan. Mukhang binilhan na naman siya ng bagong laruan o damit. Si Ivan ang nagbitbit ng bulaklak at ang ilan pang paper bags. Papasok na sila ng bahay. Aakyat na sila dito sa taas upang ibigay sa akin ang bulaklak. "Mommy!" Pinilit kong ngumiti. "Nandito na ang flower mo!" Tatlong araw ng may dumadating na chopper para lang i-del
Nagising ako kinaumagahan na mag-isa na lang sa kama. Hindi ko na naramdaman kung umakyat ba si Heather dito kagabi. Malinis kasi ang tabi ko, kaya baka hindi siya rito natulog. Baka doon siya natulog sa villa ng kaniyang daddy. Isa din 'to sa inaalala ko ngayon, nasanay na talaga siya na kasa-kasama ang kaniyang ama. Paano kung kailangan ng bumalik ni Ivan sa Manila, sa kaniyang trabaho? Tiyak na malulungkot ang aking anak. Kahit pa sinabi ni Ivan na dito lang siya, naniniwala ako na darating ang araw na kakailanganin niyang bumalik para sa kompanya nila. "Good morning, ayos ka na?" tanong ni Lucinda. Nagluluto siya ng breakfast, nakita kasi niya akong umiiyak kagabi. Isang tipid na ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya. "Nagtayo ng tent si Ivan kagabi. Sa tent sila natulog ni Heather." Kaya naman pala hindi na umakyat ang anak ko kagabi. Pinuntahan ko sila sa likod. Dinig na dinig ko ang tawanan ng mag-ama ko. Kinikiliti ni Ivan ang kaniyang anak. Nang mapansin nila akong parati
IVAN "Lagi na lang kayong nagkakalabuan ng nobya mo."Sinulyapan ko si Ate na biglang sumulpot sa aking likuran. Narito ako sa balkonahe at nagpapalamig ng ulo. Nagtalo na naman kasi kami ni Maureen. Lagi na lang ganito. Parang nang isang linggo lang nag-away na naman kami. Bumuntong hininga ako saka muling tinuon ang tingin sa may garden. Tinungga ko ang bote ng beer na hawak ko at piniling huwag magsalita. Wala naman akong maisip na sabihin. Totoo naman ang sinasabi ni ate. Lagi-lagi na lang. Napakaisip bata kasi ni Maureen, mula nang maging kami para bang wala siyang character development. Ilang taon na kaming magkasintahan. Kapag nagtatalo kami, pinipili ko na nga lang na i-ignore siya dahil ayaw kong makapagsalita sa kaniya ng hindi maganda. Lalo at kinabukasan makikipagbati din siya sa akin. We're already adult pero pakiramdam ko, nasa high school pa din siya, hindi man lang siya nag-mature ng kaunti. Pero kahit na ganoon siya, mahal ko siya. Lahat naman ng tao may mga flaws.