Share

TAYO NA LANG ULIT 10

Wala ang mga lalake nang mananghalian na. Kami lang ni Aling Minerva ang kumain. Hindi ko na din tinanong pa kung nasaan ang mga amo niya. Hanggang ngayon nga ay hindi pa din kumakalma ang puso ko dahil sa mga nangyari. Gulat pa din ako sa ginawa ng dalawa. At sumabay pa sa iniisip ko iyong itsura ni Sir Angus kanina. Ba't ba siya ganoon? Nakita ba niya iyong paghalik ni Sir Caius sa akin? Iyon ba ang dahilan ba't ganoon ang mukha niya? Pero bakit? Pinapasakit ko lang ang ulo ko sa pag-iisip.

Bandang alas-tres nang magplantsa ako naman ako. Hindi naman ganoon kadami kaya inabot lang ako ng isang oras.

Kadarating lang din ni Sir Angus at dumiretso siya sa kaniyang silid. Wala pa sina Sir Caius at Sir Huxley. At sana mamaya na sila umuwi kapag nakaalis na ako.

"Salamat po, Aling Minerva." Inabot na nito ang aking bayad ngayong araw.

"Bukas ulit, Chelle. Iyong meryenda, baka puwedeng agahan mo ng kaunti dahil ipapasabay ko na iyon sa mga trabahador na pupunta sa may bangkak."

"Sige p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status